Bakit mahalaga ang pagbabayad ng utang?

Photo: Chinkeetan.com

Kababasa ko lang ng book ni Chinkee Tan ang Always Chink +: How to inspire Yourself to inspire others.   Kasama sa aking pagmumuni-muni (reflection) ay ang alala-ala ng aking perdible, sentimiento sa paksang utang, ang pay it forward ( pagpapasa ng kabutihan) at halaga nito sa iyong financial peace or money management.

 ‪‎Life‬ is not measured by how much ‪‎money‬ you have, but how much money you wholeheartedly give away‬.

-Chinkee Tan

Small thing +  simple gesture =  Perdible

safety_pin_300pxIto ang quote na iniwan ni Chinkee sa day 9 ng  libro. Naisip ko rito ay ang Alamat ng Perdible na aking kinatha noon. Base ito sa aking personal na karanasan noong nagtatrabaho pa ako sa Ortigas. Dahil sa kabutihan na aking natanggap sa isang simple pero teribleng pagkakataon naisip ko na  palaging magdala ng perdible. Para sa iba pang nangangailangan, nais ko itong ipagpatuloy pero sa sabihin na natin na sa 50 katao na nakahingi sa akin ng perdible ay isa o dalawang tao lamang  ang nagsauli sa akin ng perdible. At take note, ang isa roon ay  isang manager na walang connect sa akin maliban sa iisang company kami ng pinapasukan.

Bagaman hindi ko naman dapat asahan na ibabalik sa akin ang perdible, maliit na bagay lang naman iyon di ba? Subalit malaki rin sana ang pakinabang noon para makatulong  pa sa iba. Malay natin na isang perdible may 5 o 20 katao nakinabang dahil sa pagbabalik nila ng safety  pin.  Paano pa kaya kung sa bawat isang hingi ay binibigyan ako ng 5 kapalit na perdible. Magagamit sana ito ng mga nahubaran sa daan, nasisilipan, mag-aayos ng damit o magkakabit ng ribbon sa damit.

Minsan pa nga kung ako na may kailangan ng safety pin ako pa ang walang magamit  at napapabili.  Pero hindi iyon, ang punto rito ay hindi ang laki, dami o halaga ng safety pin kundi ang kabutihan ng hatid nito. Kung sana lang ay maipagpapatuloy pa ito kung may kumukuha at nagbabalik o nagpapalit.

Utang is not about money, but honor and trust

Isyu sa akin nitong nakalipas na 2 buwan ang paksang utang dahil sa personal at pananalaping kadahilanan, gaya nang may mga kaibigan akong nawalan ako ng amor ( pinatawad ko naman) dahil sa hindi marunong magbayad ng utang. Hindi ko na masyado i-elaborate pero ito ang katagang sinabi ko  sa kaanak ko na nagsulsol sa akin na mag-loan with interest.

Bakit naman ako uutang na may interes eh ako nga nagpapautang ng walang interes?

Nakaka-frustrate para sa nagpapahiram na ‘yong perang pinaghirapan n’ya na kay dali n’yang ipinautang sa kaibigan/kaanak/ kakilala/ estranghero ay kay tagal-tagal o ayaw pang bayaran.  Sa akin kahit assurance lang muna na kailan yung tentative o matatagalan basta magbigay ng date at sana tuparin ito.  Ang masaklap nga lang na madalas na nararanasan ko ay kapag kailangan mo ng pera parang ikaw pa ang nangungutang sa kanila.

Alam mo ang pagpapautang at pangungutang ay may kinalaman sa money management, relationship at well-being ng isang isang tao.   Kung may nagpapautang may nabibiyaan na matupad ang kanyang kahilingan at kapag may nagbabayad ay tuloy-tuloy ang ikot ng pera. Kalakip nito ang mga magagandang katagang ‘palabra de honor,’ tiwala, at reputasyon. In fact, ganito rin naman ang usapan sa larangan pagbabangko at ekonomiya. maganda ang takbo ng ekonomiya kung iikot ang pera. Hindi ibinubulsa, kinamkamkam at alipin ng pera.

Ijayson losa sa natutuhan ko ay Jayson Lo (thru  Steps to Financial Peace conference) ay ang pagpapautang ng kung ano lamang ang kaya mong ibigay. Sinusunod ko ito sa lahat ng pagkakataon, pero hindi talaga maiiwasan yung mga taong “magaling  lang umutang. “

Sa huli tama ang sinabi ni Chinkee pagdating sa pera…

God intended money to serve men, not to be served. It is meant to meet our needs. It is meant to be enjoyed. It is meant to be shared.

By the way,  nakuha ko iyong book kasama sa Money Kit ni Chinkee. It’s a good investment for the entire family.

Bida naman si Manny

Madalas ang nagiging bida sa movie ay mga naaapi, iyong may kakulangan at ‘yong sinisingil. Oo, kahit alam na sa istorya na hindi makapagbayad ng ilang buwan ang bida at talagang may intensyon siyang hindi magbayad, lalabas pa ring tama kasi sa point of view niya ang anggulong ‘yon.

Pero ang papel pala ng Manny (maniningil) gaya ng landlady, loan shark, at bangko ay hindi madali. Inutangan ka na, pinapahirapan ka pa sa pagbayad. Sabihin na natin na sa iba ay may interes pero paano naman dun sa utang na personal. Walang resibo, walang kontrata, pangako lang na magbabayad sa ganitong petsa.

Siguro nga ay mga tao na parang okay lang na huwag bayaran. Okay lang kasi mukhang okay naman ang kanyang kalagayan o hindi pa naman naniningil ng bongga. Magiging mas maluwag pa ito depende sa koneksyon nang umutang sa kanyang inutangan – kapatid, kaibigan, katrabaho o kapit-bahay.

Pero naisip kaya nang umutang na kung ano kaya ang pakiramdam na pangakuan, ang paghintayin, ang mag-abono dun sa iba niyang babayaran kasi nasa ibang tao ang kanyang pera, at higit sa lahat ay magmukha ka pang dagdag- alalahanin?

Kung tutuusin, hindi dapat na kinaiinisan sina Manny especially kung ikaw ang lumapit sa kanila. Kung alam mo ang kanilang sistema (lalo na kapag credit card) alam mo rin ang posibleng mangyari kapag hindi ka makapagbayad on time. Pero lalo naman na wala ka ring karapatan na i-blame ang taong nag-alok ng tulong sa’yo sa oras na ikaw ay nagigipit. Minsan pa ha, ang nagpautang pa ang nahihiya dun sa nangutang.

Siguro nga may rason bat hindi makapagbayad, pero dapat may rason din para magbayad. Ang utang ay obligasyon na dapat bayaran sa pinagkakautangan. Dahil maaring ang kanyang pera ay ipon mula sa kanyang sakripisyo, pagtatrabaho at pagtitipid. Wag sanang dumating ang point na masabi ang

“KARMA ran over my DOGMA” – what can I do when my past overpowers my present” (source: Our Daily Journey)