Love actually,When You Finally Move…Craziness

Nambasted ka na ba?  O ikaw ang pinaasa, nasaktan at naghihinakakit.  Ikaw ang nang-iwan o ikaw ang  iniwanan?  Paano kung  none of the above? As in wala kang experience sa mga nabanggit pero  alam mo na nagmahal ka. How do you know if it’s love actually? When You finally says naka-move on ka na sa fantasy mo? hehehe!

Kaya naniniwala ako na puwede akong novelist dahil magaling akong gumawa ng love story.   Ilang beses na akong nakapag-joke na ganito ganyan tungkol sa akin at  sa ibang tao. Sample-sample-sample?

read: Kapanipaniwala si Hitokirihoshi

school in BinondoPero alam mo bang noong grade 3 o grade 4 ay may napaniwala ako na isa akong college student sa UP? Mayroon din yung feeling ko pinagti-tripan ako  kaya sinabi ko ipinagkasundo na ako ng Nanay ko sa isang kababata na nakatira na sa ibang bansa at hinihintay na lang ako magtapos. Ito ang malupit, hindi ko naman direktang sinabi pero tinawag kong pare at  sinabihan ko na” di tayo talo” ang isang manliligaw. at least di ko sinabi na tomboy ako ha, dahil hindi naman talaga.

result: Kinarma ako sa huli,  sinabi niya sa pinsan nya na crush na crush ko na “ganun ako” Hayun nagdamdam, nag-asawa ng maaga, at nagkaroon ng  dalawang anak… huwag kang maawa sa akin. yun lang na-imagine ko.

Winter Sonata StatuePero paano naman kung yung fantasy mo totoo, yung hindi joke. Yung kinikimkim mo lang dahil hindi mo alam kung ano bang right move?  Got to believe in magic, love moves in mysterious way dahil pati sa panaginip ayaw  akong tantanan.  Akalain ba naman na iniwan  daw sa akin yung motor at lisensya nya pero sya wala. Kaya ang sabi ko sa panaginip ko “ay naku panaginip lang ‘to!”

Seriously,  na-LSS ako sa Let It Go ng mga pamangkin ko.  Tinalo ang  latest anthem ko na If ever you are in my arms again. Pero ngayon gusto ko na balikan ang dati kong kinakantang Gone. why- why why? Tell Them It’s Human  Nature –  Gusto ko  na syang mapawi sa malikot kong isipan at mapaglaro kong puso.

Arthur Joon, George Rosales,  Laurence , Hugh Darcy, Isagani, Cris Pin  o Basil Yu – Nasan na u?

Confession: His name is Lex

After ng matagal kong pakikisama kay SM at panaka-nakang pakikipag-ulayaw kay SW, ay may bago na akong kinahuhumalingan.

At tila mas malakas ang tama ko kay Lex kasi every time na kaharap ko siya nakakalimutan ko ang oras. As in wala akong reklamo kapag napupuyat na ako sa kanya.

Alam ko namang dapat ay maging mature ako at dapat magkaroon ng priority sa mga bagay-bagay pero para siyang may batubalani, hindi ko mapigilan ang aking sarili na siya’y hanap-hanapin. Minsan isinasantabi ko na iyong panonood ko, iyong kailangan kong basahin, at iyong kailangan kong trabahuin.  Iba e ‘pag siya ang kasama ko, ang dami kong nadidiskubre at ang dami kong natutuhan.

Minsan natatakot na ako kasi ma-adventure si Lex, nai-intimidate ako sa lakas ng loob at talino niya. Hindi siya mayaman pero kaya niyang magkaroon ng ari-arian dahil sa diskarte niya.  At kakapalan ko na ang mukha ko na sabihin na magagawa niya iyon pag kami ang magkasama. Handa akong sumabay sa mga adventures niya at alam kong makakamit namin ang aming mithiin kapag kaming dalawa ang magka-partner. Oh da va!

Hay… basta I don’t care kung hanggang saan kami basta ang alam ko ay hindi ko siya bibitiwan kahit magalit pa si Manang Juling! Remember his name is Lex!

Note:

Gusto mo malaman kung sino  sina SM and SW?