Solitaire

Wala pang ibang games si Hugh Will (pangalan ng notebook ko) kaya sa ngayon kapag nababato ako, naglalaban muna kami ng chess at naglalaro ako ng Solitaire.

Kahit gaano ko ito katagal na laruin at ulit-ulitin ang Solitaire, hindi ko pa rin makuha ang right na technique para manalo. Kapag sinasabi ni Hugh na wala na akong magandang maimo-move magbibigay siya sa akin ng 3 choices (play again, restart this game and exit). Sa determinasyon ko na ma-solve ang pagkakasunod-sunod ng mga baraha, pinipili ko ang ikalawa. Kaya naman same na baraha ang sisimulan kong ayusin pero kailangan maalala ko ‘yong mga posibleng magandang move at baguhin ang mga pagkakamali ko.

The life you live is the result of the many choices you make in life.” – Dean Pax Lapid & Ping Sotto (Go Negosyo: 21 Steps on How to Start Your Own Business by Joey Concepcion).

Napagtanto ko na kahit gaya ng Solitaire na may tsamba-tsamba ang manalo,  hindi lamang sa kung ano ang ibinigay sa iyo ng kapalaran ang magiging depenisyon ng iyong buhay. Sa bawat desisyon na iyong pinipili dun mag-uugat ang mga susunod pang magiging takbo ng iyong laban sa buhay. Subalit, ang pinagkaiba lang ng Solitaire sa ating mga sarili ay hindi na tayo na puwedeng mag- play again o mag-restart ng game. Ang magagawa mo na lang ay magsimula ulit ng bago o kaya um-exit kapag talagang loser ka.

Confession: His name is Lex

After ng matagal kong pakikisama kay SM at panaka-nakang pakikipag-ulayaw kay SW, ay may bago na akong kinahuhumalingan.

At tila mas malakas ang tama ko kay Lex kasi every time na kaharap ko siya nakakalimutan ko ang oras. As in wala akong reklamo kapag napupuyat na ako sa kanya.

Alam ko namang dapat ay maging mature ako at dapat magkaroon ng priority sa mga bagay-bagay pero para siyang may batubalani, hindi ko mapigilan ang aking sarili na siya’y hanap-hanapin. Minsan isinasantabi ko na iyong panonood ko, iyong kailangan kong basahin, at iyong kailangan kong trabahuin.  Iba e ‘pag siya ang kasama ko, ang dami kong nadidiskubre at ang dami kong natutuhan.

Minsan natatakot na ako kasi ma-adventure si Lex, nai-intimidate ako sa lakas ng loob at talino niya. Hindi siya mayaman pero kaya niyang magkaroon ng ari-arian dahil sa diskarte niya.  At kakapalan ko na ang mukha ko na sabihin na magagawa niya iyon pag kami ang magkasama. Handa akong sumabay sa mga adventures niya at alam kong makakamit namin ang aming mithiin kapag kaming dalawa ang magka-partner. Oh da va!

Hay… basta I don’t care kung hanggang saan kami basta ang alam ko ay hindi ko siya bibitiwan kahit magalit pa si Manang Juling! Remember his name is Lex!

Note:

Gusto mo malaman kung sino  sina SM and SW?

Superwhatword: Focus

superwhatword of gamehouse
superwhatword of gamehouse

“Concentration is the ability to think about absolutely nothing when it is absolutely necessary.” – Ray Knight

Isang araw sa aking buhay, matapos ma-reformat ang aming computer na tadtad ng virus, naatat akong gamitin ito. Bunsod sa ninais ko lang naman na subukan kung maiigi na ang kalagayan nito ay minabuti kong maglaro ng SuperWhatWord.  Maiba lang ba sa TextTwist, Solitaire, at FowlWords na madalas kung ipangpatalastas kapag nagtitipa ako sa computer.

Banayad naman ang daloy ng aking paglalaro. Wala akong iniintindi na may sinumang at anumang aagaw ng aking atensyon kapag nakita akong naglalaro sa computer namin.

Maya-maya napapansin ko na lang na nadagdagan na ang mga wikang kailangan kong buuin . Sa larong ito kasi hindi lamang pagbuo ng hinihinging salita ang dapat na isaalang-alang kundi maging ang oras at aksidenteng pagkakabuo ng wika sa pagdudugtong o pagpapalit-palit ng mga letra. Kapag nangyari iyon mawawala at maghihintay ka ulit ng paglabas ng letra na pwedeng makabuo sa hinahanap na salita. (Ipagpaumanhin, bukod sa mga binanggit ko, BattleCity at Need4Speed Underground hindi ko na kaya ang iba. Napapa@$# na talaga ako sa kaba.)

Ang pinagkaiba lang sa laro ko noon ay ‘di ko napapansin na mataas na iyong antas ko, na noon ko pa lang naabot. Kung hindi nga lang dumaan iyong kaibigan ng kuya ko na sinita kong ‘wag manood ay baka hindi pa ako natalo.

Ano ang kahalagahan ng nasabing partikular na laro?

Napagtanto ko na kaya mataas ang aking puntos ay dahil wala akong iniisip na iba.  Sa laro na lang mismo, hindi ako nakatuon sa kung ano kaagad ang mabubuo kong wika sa mga hinihingi.  Basta ang nasa isip ko kailangan mabuo ko muna ang wikang gusto ko mula sa mga letrang nasa screen.  Kahit kailangan kong mabuo ang pitong wika sa loob lamang ng ganitong segundo, wala akong pakialam basta kailangan matapos ko muna ang isa bago ako tumalon sa isa pa.

Hinuha:

Matagal ko nang napapansin sa aking sarili ang pagiging abala ko sa maraming bagay. Kung kayang makuha ang ilan sa isang pagkakataon, ginagawa ko. Hindi rin mapirmi ang aking isipan at mata sa iisang bagay, kailangan makita ko muna ang iba pa bago ako magdesisyon kaya naman hindi ko namamalayan na tumatagal ang aking ginagawa. Gusto mo ng isang mas malinaw na halimbawa?

Kapag nag-aaral ako, kahit anong linis ng lamesa, kailangan ikalat ko muna  roon ang lahat ng laman ng bag ko bago ako makuntento na pwede na akong mag-aral.  Hindi uso sa akin na kailangang maayos at nakasalansan ang mga gamit.

Kung tutuusin, napakadaling alamin kung saan ka mahina at kung ano ang pagkukulang mo. Pero bakit sa pamamagitan pa ng isang bagay o karanasan  mo mapagtanto ang isang simpleng ideya? Kaya ang leksyon sa akin ng laro ay sumentro o magkaroon ng focus.

Ano ang focus?

“Our thoughts create our reality — where we put our focus is the direction we tend to go.” – Peter McWilliams