Kailangan na mag-change image?

after nung Palda event

ito naman kagabi… episode: Tricycle 

(Dahil maulan nag-tricycle na ako, ilang araw ko na rin itong ginagawa dahil kung  hindi basang-basa ang paa ko, nangangatal na ako sa gutom at pagod na.)

Hoshi:   ( kapa-kapa sa bag, hindi mahanap ang wallet)

(nahanap na, nadyahe kasi mamiso ang laman ng wallet magbibilang pa)

Kouya, dyan na lang sa tindahan ng (kuya ko).

Hoshi:     Kuya MCL pahingi nga ako isang daang dolyar  pambayad ng tricycle balik ko sa iyo mamaya.

friend ni MCL: Nagta-tricyle ka na, dati naglalakad ka lang a.

Hoshi:    (pagkabayad, nakakuha ng sobrang sukli na intensyon naman ng tricycle driver ako ba naman naging pasahero nya e.)

friend ni MCL:  Parang ayaw mo pa i-abot, sobra tuloy sinukli

Hoshi: (hintayin mo akong pumasok sa loob damuho ka) 

HOSHI:  (pagkapasok) Kuya MCL mamaya ko na lang balik. NAKU hindi na naman ako makakatulog nabawasan na naman ng 16 pesos ang Financial Peace ko ( with diin at tingin sa friend ni MCL)

Kailangan ko na mag-change image masyado na akong predictable. Minsan nga makapag-Kariton or TAXI mula kanto hanggang amin. Pero don’t worry hindi ako nainsulto, parang medyo compliment sa akin ‘yan. Dahil hindi lang pala ako nag-aalala na nagta-tricycle an ako pati ibang tao napansin na rin. hahahaha!

Ikaw, Ikaw, Ikaw

Ikaw, Ikaw, Ikaw

Puwede ba tantanan na ninyo ako. huwag nyo na ako guluhin. Okay fine happy kayo sa buhay ninyo at ganito ako. masaya na ako para sa inyo pero puwede pag nagkita tayo huwag nga kayong nang-aano. Pero mas maganda wag na tayong magkita-kita. Hindi rin kayo ang gusto kong makita.

Puwedeng mukhang wala lang at may halong kaplastikan, pero definitely nabubutihan ako sa sitwasyon ninyo. Wala as in. hindi rin ako naiingiit kasi ganyan nangyari sa inyo kasi honestly kampante naman ako sa buhay ko. nangangarap, may mga frustration at naiisip na rin pero ito ako.

Ikaw – sa tuwing nagkikita tayo ang flirt-flirt mo. actually naging crush naman kita dati kaso dati pa rin alam kong hindi tayo talo. Taas mo kasi ano?! Para akong bobo ‘pag pinagtabi tayo. Akala mo naman mabibilog mo ulo ko. “I want to spend my lifetime loving you” ka pa dyan! Mukha mo! kahit suotin mo pa ang maskara ni Antonio Banderas hindi ka pang-Zorro. Desperado, puwede pa. eh ano naman paki ko sa kalendaryo mo. wala pa ako doon, palibhasa nauna ka. gusto mo naman sundan kita. hayyyy! pero sige, dahil understanding ako. iintindihin kita. Uwi ka na sa inyo, shoooh!

At Ikaw naman – okay fine crush at scholar ka ng bayan. Nasa sayo ang respeto. Parang ‘pag pinag-fair tayo mapapa-ha? Ang lahat. Why ako? Wala rin ako sanang problema sa iyo kundi ka lang sa pagiging ungentle man mo. Uunahan mo pa talaga ako sa upuan at sasakyan. Tingnan mo pag nakabili ako ng sasakyan, papasakayin kita nang malaman mong hindi ako kagaya mo. I’ll melt you with my kindness. Oo guapo ka nga, siguro reluctant akong aminin yun pero sorry ka Dong. Hindi rin kasi tayo talo. Gusto sana kitang kaibiganin dati pa kaso ako- gusto ko  epol ikaw gusto mo, epal. Feeling mo sa akin immature na tao, alaga ng mga nakakatanda. Siya-siya, magtrabaho ka na lang ng mahusay at magpakabuti ka na.

Oo Ikaw din,  wala, wala naman akong reklamo sa iyo. Hindi mo lang ako pinapansin masyado. Parang ang gili-giliw ko naman sa iyo at tinutulungan kita pero wala lang. Mababang uri ako? Kuya! Huwag kang mag-alala hindi kita hahabulin at hindi na ako ang dati mong inabangan. Sorry to disappoint you pero kailanman hindi ako sumusunod sa dikta ng kung ano naayon para sa isang babae, kundi sa kung saan ang tama at saan ako komportable. Pero it doesn’t mean na pag turnoff ka eh may right ka na tratuhin ako ng ganito. Hindi ka kailangang maging sing guapo ni Bae Yong Joon (kasi nag-iisa lang yon) at kasing yaman ni Prince William (kasi ayokong maging buhay prinsesa tamang business Tycoon lang). dahil kahit nasa iyo lahat pero pag hindi kita trip, hindi rin talaga.

Note: hindi lang traffic at hirap sa pagsakay ang problema sa pagko-commute kundi sa makakasabay mo rin.

– pasaherong windang