Limahan

5 songs  na kakantahin sa  videoke at  kanino mo i-dedicate?

  1. Who Am I by Casting Crown – para sa mga kapatid kong lalake. Rock na inspirational pa.
  2. Himig ng Pag-ibig by Yeng Constantino  (original ni Sampaguita) – sa akin, wala lang parang malamyos lang sa boses hohoho
  3.  Forevermore by Side A band – sa lahat ng couple na kakilala ko.  Paalala na kapag nahanap mo a si love wag ka na magkaroon ng A Secret Affair nang No Other Woman na at walang masasaktan na The Mistress.
  4. Rolling in the Deep by Adele – sa akin, tingnan ko lang kung hindi ako pipiyok habang pinariringgan ang mga taong gusto kong pagulungin sa kalaliman.
  5. Changes in my Life by Mark Sherman – sa mga taong nabago ang buhay… na sana ako rin.

5 things in your mind nitong 5 araw

  1. Work
  2. Business
  3. Hoshilandia.com
  4. Utang
  5. Braces
  6. L…

5 movies to watch?

  1. Rurouni Kenshin – movie adaptation my favorite anime
  2. Les Miserables – starring Hugh Jackman, Anne Hattaway, and Russle Crowe
  3. Breaking Dawn 2 – starring Robert Pattinson, Kristen Stewart and Billy Burke
  4. Ironman 3 starring Robert Downey Jr., and Gwyneth Paltrow
  5.  On The Road – 

5 things you are passionate about

  1. Blogging
  2. Personal Finance
  3. Arts and  Crafts/ Scrapbook
  4. Recycling
  5. Sideline job/biz

5 Christmas Wishes

  1. J
  2. L
  3. B
  4. Portable hard drive
  5. success ng new site na tinatrabaho namin (abangan!)

The Two Doors

Ngayon papatapos na ang taon, nasaan punto ka ngayon?

Ikaw ba ay abala, masaya, malungkot o puno ng takot?

Buksan ang pintuan ng kahapon…

Ano ang iyong nakikita?

Makukulay na pangyayari?

Lugar kung saan ka naglagi?

O mga taong ang iyong nakatagpo’t nakatabi?

Subali’t may mga masasayang sandali na hanggang alaala na lamang…

May mga pangit na tagpo na sadyang mahirap kalimutan

Sa bagong kabanata

Sa kinabuksan

At sa bagong pintuan ng iyong buhay

Dito muli kang dadanas ng makukulay at naiibang

Mga karanasan, pakikipagsapalaran

Nakabubulagang surpresa, bagong makikilala

Sisimulang plano, panghahawakang kasiyahan

At mga hamon na laging laman ng iyong isipan.

Pero  hindi ba?

Kahit anuman ang magsara at magbukas

Mananatili at magbago

Umalis o bumalik

Ikaw ang magdedesisyon kung gusto mo ng

Kabuluhan, kasiyahan at Tagumpay sa iyong buhay

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon

Hoshi’s drawing for Jec!

Aminado ako na isa sa mga hindi naibigay na gift sa akin ay ang pagguhit o drawing. Isa pang kahinaan ko ay kahit gumamit ako ng ruler tumatagilid  pa rin kasi patagilid ako tumingin,hehehe!

Ngunit dahil Pasko at para sa “Jec Mendiola’s Giveaway: The Ukulelist (painting),sinubukan kong muli. Malay natin ay sa muli kong pagguhit, may mahukay akong galing. hohoho!

materials: manila paper, kinulektang color pencil at pamatay na pentel pen/ sign pen

Pero seriously, this is for you Jec. wala na akong paki sa kung may K ako sa pagguhit. Mabuhay and Merry Christmas!

Sorry Jec kung sakto sa deadline ko naipasa ito. nagawa ko na yung kalahati last -last week kaso dahil party -party busy kami hindi mahirap ng boingga.

Ang Bata ko sa Divisoria

Puno ng pagdadalawang-isip ang pagpunta ko sa Divisoria noong Sabado Setyembre 10 para mamili. Kung susundin ko kasi ang pinakapakay ko na bilhan lang ng…

via Ang Bata ko sa Divisoria.

bulagta sa sosyalan

May sandali na gusto kong umiyak last weekend dahil sa pagod at puyat. Iyak kasi naaawa ako sa katawang lupa ko pero yung espiritu at emosyon ko naman ay punong-puno ng enerhiya.

Mula QC ay dumating ako ng around 1 or 2pm nung Sat sa Recto na pagkikitaan namin ni Syngkit. Dun ay lumamon kami ng tanghalian at ngumawa sa videoke. Hayun napansin namin na male-late na kami sa pupuntang Sta.Mesa

Around 4.45 nang dumating kami sa venue ng Saranggola Blog Awards (ito ang detalye)

Mga 8pm nilayasan ako ni Syngkit na akala ay hanggang 6pm yung event

Mga 8: 30 pm nung umalis na rin ako sa Illumina Residences, Skylounge

After noon dumaan ako sa SM Centerpoint para bumili ng cake, na potluck ko para sa Christmas party na pupuntahan ko. Late na ako ng four hours sa oras ng party at two hours sa pangako  na dating ko kaya ‘di puwedeng wala akong dala.

Quarter to 10 nung dumating akong Marikina kung saan ang party-party namin ng mga kuya at ate ko dati sa work (ipagdiinan daw na mas bata ako).  Hayun  6am na ako kinabukasan naka-uwi sa QC.

7am natulog ako  at 9am pinuntahan ako ng dalawa kong kaklase dati. Sakit sa ulo, kung aamininin ko lang sa kanila. Pero na-enjoy ko naman ang pag-e-entertain kahit bangag sa puyat. Sabi nung isa, “para kang lasing!”

11:30 larga naman ako papuntang brainstorming para sa reunion na in-organize namin.  Hayun inabot kami ng 2:30 from original na 11am to 1pm. Ayos lang naman kasi naplantsa ‘yong mga dapat naming gawin.

Sa mall kami nagkita-kita so after ng brainstorming hanggang 5:30 ay ikot ako ng ikot sa mall kung ano ang susuutin ko para naman sa Christmas party ng company namin. Malakas ang loob ko na late ng bumili kasi luau party naman o Hawaiian ang theme. Sa awa naman, short lang ang nabili ko. Naisip ko na pagtsagaan na lang ang damit na available sa bahay, ‘wag ko nang karerin.

Pauwi sa amin, dun ko naramdaman yung tipong bubulagta ako sa init ng pakiramdam ko at ang sinasabi ng kaibigan ko na namumula yung mukha ko.  O nga pala, hindi pa natatapos yung matinding allergy ko ( sa seafoods, dust and bagoong alamang at baka rin sa chicken).

6pm ang start talaga ng party namin pero natutulog ako sa kuwarto ko hanggang as oras na ‘yon, wish ko kahit isang oras lang na power nap. Hayun, dahil sa pag-aalalang wala pa akong particular na susuutin, tumayo ako after 30 mins. In one hour sinikap kung mag-ayos ng mabilisan (na ‘di normal sa akin).

8pm nasa MRT Boni station ako at naghihintay sa kasama kong late din. Dumating siya siguro after 45 minutes saka pa kami pumunta sa venue. Hayun sa awa naman, hindi ako natawag sa kahit anong pa-raffle. Pag-uwi ko, ipinagpapasalamat ko na may kuwarto at kamang sasalo sa aking pagod na katawan, may special power akong mag-leave kinabuksan at naka-attend ako sa iba’t ibang event nung weekend. Mabuhay pa rin! Hehehe

Merry Christmas and Happy New Year!