u like adidas?

itinuturing na exotic food ng iba ang chicken feet, na tinatawag ding  adidas o nike ng ilan sa ‘tin.

adidas
adidas

nirerespeto ko ang mga taong ayaw kumain nito. Paa nga naman  at kung imagine-nin mo na lang kung saan nagkakahig o dumapo ang mga manok.

pero ako gustong-gusto ko ito kapag lutong adobo (sa kulay mukhang madumi pa rin hehe). Kapag nagtatanong si manang juling kung anong ulam, ‘yan talaga ang isa sa nire-request ko.  talagang kamayan to the highest level ang pagkain niyan at pabundukan ng buto sa pinggan.

at then end of the day tuwang-tuwa pa sina Bruno, Boomer, at Bossing ( mga aso namin). ewan ko lang kay Kitkat na pusa naman namin. hehe

sana lang manatiling mababa ito sa merkado at masigurong malinis kainan.

Meet my Jr.  – Hoshilandia.com