birthday wishes

(note: sa apat na taon ng hoshilandia Sr. ni hindi pa pala ako nakapag-post about sa kaarawan ko. Hahaha!)

Yes, nag-birthday kami ni Piolo Pascual (kailangan isama talaga), pero dahil inisip ko para hindi mahirapan ang mga magbibigay ng regalo sa akin, ako na ang nag-post sa FB account ko ng mga gusto ko.

Eto yun…

  • malaking kaserola (para hindi na kami nagta-tiaga sa walang hawakan)
  • logo para sa aking hoshilandia.com
  • caricature ko bilang si hitokirihoshi
  • AAA energizer rechargeable battery ( okay lang din kung yung silver na disposable) o apat na black na Eveready (para hindi lang pang-display ang wall clock namin)
  • yung ubod ng tibay na can opener (yung pang sardines)
  • bag na maraming bulsa (itim/brown)
  • cover ng PC (monitor,keyboard, CPU)
  • cover ng 21 inches na TV
  • 3 makapal na shorts na pambahay (utang na loob ayoko ng pink, maiksi, manipis at bulaklakin)
  • isang malaking bote ng biogenic alcohol
  • earphones ng motorolo L72 (kahit class A lang)
  • cellphone cover ng motorola l72 at cherrymobile
  • headset na may mahabaaaang cords (3 inches or more)
  • whiteboard/bulletin board kasing laki ng (isang spread ng broadsheet newspaper)
  • copy ng photoshop (yung naka-cd na ha)/ pwede ring libro o photocopy nun)
  • dvd copy ng akazukin cha-cha/ inuyasha
  • dvd copy ng charmed/ summer of bubbles/autumn concerto
  • black ink para sa HP deskjet d1600 series
  • set ng pantahi (oo yung may sinulid at karayom)
  • totoong small guitar (yung sunod sa malaki) eh sa gusto kong magitara e, di lang abot ng fingers ko yung standard size)
  • 3 nail cutters (sumasama ata sa kuko nung mga pinahiram ko yung mga nawala) at 2 tiani (yung nakakabunot ng uban)
  • mamahaling ice cream kahit isang baso lang (hindi ako kumakain ng halo-halo flavor) – pero sige okay na ang mcflurry (mcdo) at frosty(wendys)
  • green salad na P45 sa tropical hut or 100 plus sa Wendys
  • flashdrive 8gb (orange/purple/ silver/ blue)
  • sandals na may strap (black)
  • black socks na hanggang  ankle lang
  • limang immodium, tatlong biogesic, tatlong neozep, at tatlong claritin
  • creative cookbook  (yung naglalaman ng simpleng instruction gaya paano maghiwa ng kamatis, maggisa at huwag matilamsikan ng mantika)

hahaha, natawa lang ako na may nagsabi nab aka raw mangkukulam ako dahil sa ibang hiniling ko. May nagsabi rin na lokohan daw. At may ang pinakagusto ko yung mga nag-pledge talaga. Siyempre yung iba dyan natanggap ko na at may mga hahabol pa raw.

Ngayon may nag-text, sabi bakit daw di kasama ang _ _? Sabi ko hindi kayang iregalo ng tao yun at hindi pang wishlist. Birthday prayer ko na yun. hehehe!

Bi-day ni Nanay (A Hoshi’s monologue)

I.

Birthday ng Nanay ko ngayon, pero wala ako sa bahay.

Malungkot ba  ako? Hindi naman, pabor pa nga e!

Pag-uwi ko mamaya, kakain na lang ako at kakanta sa videoke

Iyon ay kung mayroon at hindi ballroom ang magaganap.

II

Tulad noong isang taon, ganon din ang iniregalo ko sa nanay ko.

Mas okay sa kanya ‘yon, saka ‘yon din naman ang sabi niya.

Malaking diperensya noon bata ako, na hihingi ako ng pera

para ipambili ng regalo rin sa kanya at kalaunan ay hihingin ko rin.

III.

Specialty ni Nanay ang kilawing dilis pati na ang menudo at kaldereta.

Kaya tuwing may handaan kasama ang mga ‘yon  sa mga nakahain.

Noon ako na ang nagtotoka sa sarili ko na mag-waitress.

Pero mas type ko na ngayon ang maghugas na lang ng pinggan.

IV.

Wala ng makakasaksi kung gaano katagaktak ang pawis ko

Hindi na ako magtatanong ng “ate o kuya, tita o tito tapos na po kayo?

At maiiwasan ko na rin ang mga chikadora na panay ang chismak

“Ayan na ba yong bunso n’ya? Aba’y dati ganito-ganire lang yan e!”

V.

Kilala ko naman ang karamihan sa kabarkada n’ya,

mas kilala kumpara sa mga kamag-anak namin.

Mahirap kasi  tandaan ‘pag pare-pareho ang mukha

at minsan lang kung magpakita tapos magkakailangan pa kayo.

VI.

Ang mga amiga kasi ni mi Mama ay mga viva.

Hindi ka patatahimikin sa kakatanong at kakausyoso

Magkukuwento ng kanilang buhay, pamilya at pagkakaibigan

Na malamang ay mauuwi sa tawanan, sabay hampas ng abaniko

(buhahahaha)

VII

O s’ya-s’ya isa lang naman ang  gusto kong  sabihin talaga,

Maligayang Kaarawan Nanay Jules, more years to come – more

Blessings, more love, more peace of mind, and more power!

Vaya con Dios!