Well-informed Filipinos vs Habagat

 

Well-informed Filipinos vs Habagat.

me and my cassette recorder

Ewan ko kung mayroon pang iba pero, ang naalala kong first time kong mag-record ng audio ay noong grade 5 ako. Natuwa kasi ako sa lumang cassette ng kuya ko at kapag wala siya nagta-try akong kumanta gamit noon. Minsan gumagawa ako ng sarili kong kanta pero minsan inaawit ko rin yung ibang mainstream songs (mainstream? so undeground ako?) talaga. Basta ‘yong composition ko noon ay may something about love na sasaluhin ka pag bumagsak ka. Ayoko i-reveal ang title sobrang golden sweet corn.

cassette recorder

Pero noong high school mas naging talamak ako sa gawain na ‘yan. Eh di ba may time na sobrang umariba ang karaoke. Kahit anong mapagtripan kong kanta nire-record ko at kahit ano pang tapes ang mapatungan. Tapos namimili pa ako sa classmate ko ng pinaglumaan niyang recording tapes na once niya lang napaglagyan ng music. Lahat ng jingle ng favorite anime ko or lines sa TV programs or movie na gusto ko ay sinubukan kong i-record. Pero siempre ang pangit ng sound na lumalabas, pinagtatyagaan ko lang.

Naging pangarap ko ang magkaroon ng cassette recorder. Hindi na ako makikipag-agawan sa karaoke na dyahe rin namang gamitin (with matching unreliable microphone).  Iyong unang portable cassette recorder  na ginamit ko hinihiram ko lang sa ate ko. Bukod sa hindi talaga akin, hindi ko rin puwedeng arborin sa kanya yun kasi  gamit nila yun sa Sangguniang Kabataan (SK). By the way, dating SK Councilor siya at ang isa ko pang ate.

Hindi ko na maalala kung ano ang eksaktong rason kung bakit niregaluhan ako ng isa ko pang ate na OFW ng portable cassette recorder noon. Puwede siguro sa buwiset niya tuwing maalala na nagkukumahog ako na mag-set up ng karaoke. Hehehe! Basta ten years ago, napasaakin na ang aking precious cassette recorder.

hitokiriHoshi's recorder

Marami kaming pinagdaanan ng aking recorder dahil kasa-kasama ko ito especially sa mga projects ko sa school. Kahit hindi naman dapat ni-record , ni-record ko na. Ginamit na pang-practice, pang-record ng mga di mapapanood na episode sa anime at higit sa lahat pang-interview para sa aking thesis. Gamit na gamit ko rin siya kahit sa work ko. Basta record lang ako ng record kasi may pagka-slow ako hehehe.

Hindi ko man na ito magamit madalas ngayon sa pagre-record, gagamitn ko cassette recorderko sa pagpi-play sa mga cassette tapes ko na naluluma na rin. ah basta importante pa rin ito sa akin. ayeeee!