May pangarap pero walang kumpiyansa sa sarili?

Dear Ate Jevs,

Gusto ko may marating sa buhay at alam ko naman na dapat ay pinaghihirapan ang pangarap.  Masipag naman po ako and I’m always looking forward na dumating ‘yong time na maging maginhawa naman  kami. Iyong tipong may sariling sasakyan, bahay, at kapag may nagkasakit ay hindi kami mamomoroblema sa pagpapa-check po.  Pero ewan ko po  kapag nand’yan na iyong opportunity ay parang palagi ko na lang pinagduduhan ko ang aking sarili. Kaya ko ba?

Dinadaga po ako na tanggapin lalo na iyong may malaking sahod sana pero may mabigat ng responsibilidad. Hindi ko po alam  kung takot lang ako na hindi ko kakayanin, sadyang wala akong tiwala sa  aking sarili, o siguro hindi lang po ako sanay na ako na pinagkakatiwalaan sa malalaking katungkulan. Mas sanay po kasi ako na tumatanggap ng kritisismo at komportable sa pagiging team player lang. Kung ako ay hirap na dalhin at kinaya ko lang, paano pa kung ako na pa ang maging  leader sa iba.

Problema po sa akin ito dahil  marami po akong pangarap pa. Alam ko haharap ako sa mabibigat na challenges kaya kapag hindi ko na-overcome ito ay mas lalo akong mahihirapan.  Sana po ay mabigyan ninyo ako ng tips. Marami pong salamat at pagpalain po kayo.

 

Nicole

pexels-photo-919607.jpeg

Dear Nicole,

Ateng ang hirap naman ng kalaban mo— ang sarili mo.  Ang daling magsabi ng payo kung iba kasi dali naman magtsika na tara tumbahin na natin ‘yang lukaret o damoho. Pero ito ay iba e, so kailangan  lansiin, sanayin at ikondisyon mo ang iyong sarili na?

  • Kung ‘di mo lalakasan ang loob mo, eddie mananatili kang feeling mahina at nagkakasya sa kung ano ang nand’yan. Eh kamo marami ka pang pangarap? Alangan naman mangarap ka ng malaki tapos  gusto mo maliit lang ang effort. Gusto mo makarating sa finish line, e ni hindi ka nga tumatakbo. Believe me, mas lalakas ang loob mo, kapag sinasanay mo itong palakasin. Kapag nagawa mo na minsan, masusundan at magagawa mong madalas basta magsimula ka.

Maniwala ka na ang Lakas ng loob is one of the powerful traits in the universe. Itatarak ko ‘yan sa noo ng mga astang matatalino at sa peslak ng mga feeling maganda at guapo.

 

  • Kapag gusto mo ang isang bagay kahit hindi ka sanay na gawin at dinadaga ka ay  ipaglaban mo.  Sino bang nadapa nang bongga na hindi nasaktan?  Que walang tumuklap na balat, bumulwak na dugo,  tumulong uhog, o nangilid na luha– Bes masakit pa rin ang madapa. Ngayon nasa tao na ‘yan kung hindi n’ya iindahin ang sakit o pagkapahiya, either dahil sanay na o deadma na lang s’ya. Ang importante ay hindi ‘yon ang nagpatigil sa kanya para maglakad ulit. At mas magagawa mong bamangon, rumesbak, mag-bounce, at kumadirit pa after ng madapa kapag motivated ka. ‘Pag ginusto mo, gusto mo tanong mo pa sa mga kinantahan ng “Love is Blind.”

 

  •   Baka naman gine-generalize mo ‘yang mga takot mo? Cliché man  gaya ng “rich boy meets poor girl” or “laging may masama sa magkakambal,”   pero oo  “case to case basis” ang mga bagay. Baka naman introvert ka at mas sanay ka na tahimik na nagtatrabaho sa isang sulok kaysa maglider-lideran. Pero maraming introvert na CEOs at artista. Baka naman dahil nag-fail ka dati kaya feeling mo magpi-fail ka ulit. Ano ka born to fail?

Baka naman may “impostor syndrome” ka or “fear of success?”   Ang masasabi ko lang d’yan whatever failure you had before, ano mang nakikita mong similarities, at takot mo sa unknown. May  antonyms ang failures, similarities, at unknown. Wag mo lang itanong sa akin ang specific dahil big word na sa akin ang “antonym.” Ikaw na magturo sa akin, hindi lang antonym kundi pati na rin ang  translation nga mga yoon sa science, Korean, o salitang kanto. Hohoho!

 

Supermodel sa ganda based sa kapal ng mukha,

Ate Jevs

Advertisements

In God’s perfect time: Thank you 2016 and Hello 2017

Roller-coaster ang journey ko this year na para bang mas maraming pababa kaysa pataas. May mga pagkakataon na halos ikunsidera ko ng malas o hindi magandang taon ito para sa akin.  Pero kung babalikan ko iyong mga  panahon na down ako, doon ko pala mas natutupad ang mga dati ko pang pinaplano at maa-appreciate ang ibang tao sa buhay ko.5. time

Nitong Oktubre lamang, I don’t know kung out of frustration or ambition, ay sinimulan kong maglakad ng papers for my business.  Actually three or a week before this, nakadalawa akong job interviews na hindi ako na-hire. I guess hindi lang sa disqualified ako, but all along alam ko na rin na may iba na akong gusto o priority. At nararamdaman ng mga interviewers na hindi lang trabaho ang focus ko sa buhay na.  Hindi ko rin ideni-deny ‘yon kapag tinanong ako. I believe din kasi na ang totoong may malasakit na trabaho/amo ay nag-o-offer ng work-life balance at hindi sahod na malaki lamang. Um-attend ako sa job interview na sa tingin ko ay interesadong gawin na makadagdag sa experience ko at siempre financial.  Subalit, hindi ko rin itatatwa kong halimbawa ayoko ng magpatuloy sa application o maging honest sa sagot. Tapos na ako sa era na kailangan sumagot sa gustong marinig ng HR officer. Hindi sa anu pa man, if I really want the job and I believe I’m qualified hindi ko kailangan magsinungaling o i-sugarcoat pa yung mga linya. Anyway, thank you pa rin sa kanilang time.
So dahil naisip-isip ko nga kaya nga ako nagpi-freelance ay para makapagnego-negosyo rin.  Pero this time, iyon naman ang gusto kong mas matimbang kaysa pagtatrabaho. Dahil dito ay binalikan/binasa ko ulit ang mga business books at magazines ko.  May book ako na “Go Negosyo: 21 Steps on How to Start Your Own Business” nabili ko  siguro 2010 or 2011. Ito iyong mga panahon na  kung kailan pa-sideline-sideline pa lang ang drama ko at wala sa isip ko ang mag-freelance. Pero 2013 siguro ko na halos ito matapos at seryosong basahin, yung time na ginawa kong  therapy  workbook ito dahil gusto gusto ko ng mag-resign sa work  hindi lang sa ayaw ko na sa work mismo kundi sawa na ako sa buhay commuter. Muli ko itong binasa nitong nakaraang araw at may isang page (41) dito na halos maluha-luha ako nung makita ko ulit. ..

Simple lang naman ang nakalagay at nilista ko “write your goals, the steps, you will take to achieve them, and your time frame.  Natuwa ako nang ma-realize ko na hindi man natupad noong 2013 o 2014 yung laman ay  halos mission accomplished  lahat ngayong 2016. Yung taon na puro ako gastos, kulang sa kita, down moment, at puro subok ang drama.  Biruin mo nagawa kong ipursige yung mga matagal ko ng goals kung kailan lost, frustrated, at waley ako sa limelight. Sa bagay, isa pang realization din kasi sa pag-abot ng pangarap ay hindi naman puwedeng walang lang extra effort o gastos. May kailangan kang i-risk o ipagpalit in return for something na mas talagang gusto mo. So mas namo-motivate ako ‘pag pressured?

Hindi ko na iisa-isahin yung mga goals na yun at hindi ko rin naman sinasabi na lahat na-achieve na. Pero dahil natupad na iyong iba, feeling ko konting push pa at dalangin ko kay Lord ay matutupad din paisa-isa.

Kaya ang isa sa New Year’s wish, goal, resolution, at prayer ko ay “Tuloy ang pangarap, laban kung laban!

Mabuhay at Happy New Year sa iyo!

5 Big Life Lessons I learned in 2015

There’s joy in meeting new people – Kung tama ako ay naka more or less 10 events ako this year at karamihan sa mga iyon ay ‘di ko kilalang personal ang mga taong nakasalamuha ko. Kahit madaldal ako sa mga kaibigan ko, naniniwala pa rin ako na I’m shy type and reserved person.  Siempre iba pa rin yung  kaibigan mo ang mga kasama mo pero somehow napi-feel ko na it’s also liberating to be with strangers pero may kapareho ko ng passion. Nagpapalitan kayo ng ideas and messages ng walang biases, so in a way you get free professional tips at motivations.

Don’t assume (be sensitive) that everyone is willing to  understand you –   Minsan iniisip ko If my friends think na isa na akong alien. Maliban sa I work independently, siguro nakakaapekto sa way kong magkwento at mag-isip ang mga samu’t saring  bagay na pinagkakaabalahan ko.   I don’t blame them kasi nakakalimutan ko na I have different set of friends. May iba na walang alam sa blogging, walang interes sa business, nawi-weird-uhan sa arts-pasty things, at ‘di masyadong believe sa freelancing. Perhaps, tinatanggap  at sinusuportahan  nila ako pero hindi ibig sabihin nun ay super interesado sila  pagkwentuhan iyong mga ginagawa ko. On the positive note, kaya ko sila kaibigan dahil love pa rin nila ako kahit alien ako sa paningin nila, no explanation required. Hohoho!

Time management is very important- Kung may taon na higit kong nauunawaan  ang “Time is Gold,” year 2015 na iyon. I go extreme na gumagwaa ako ng magkakaibang mabibigat  na trabaho sa loob ng isang araw at sa  buong linggo.   Mayroon ding time na pinagsasabay ko ang trabaho at negosyo at mayroon na  tinamaan ako ng lintik tamad mode talaga.

Hindi na usapin dito kung gaano ako kabagal  kumilos  o magdesisyon, kundi saan bagay ko ba ginagamit ang oras na mayroon ako at gaano kahalaga ang ginagawa ko  para sa end-goal ko. Isa pa hindi lang pala mabuti yung niliista mo yung gagawin mo sa buong araw, kundi  alin ang dapat unahin at matapos.  Next na gusto ko ma-master ay ang Pareto Principle.

Push (keep going) it will let lead you somewhere – isa sa memorable quote na sinundan ko nitong 2015 ay “fortune favors the brave “ni  philosopher Terence.  Kaya naman, hindi ko lang  in-increase ang volume ng lakas ng loob ko, kundi pati  kapal na rin ng fez ko.  I believe, despite of failures (in whatever form), mas na-feel ko na I’m blessed this year.  ‘Wag na yung kita o connection, kundi yung mapagtanto mo kung saan ka huhugot ng lakas,  kung paano ka magiging masaya kung malungkot ka at malaman kung ano talaga ang gusto ko.

Saka ang sayang mapagtanto na kahit di pa ako mayaman at successful, puwes wala na rin ako sa point na nagtitiis ako sa isang lugar o bagay kasi kailangan ko kahit ba ayoko na.

The measures of Success are subjective – Ayoko magpaka-nega pero magpapakatotoo ako (at gagamit ako ng online terms)  na naiinis ako sa mga tao na mamba-bash kasi ito ang pamantayan nila ng tagumpay. Puwede bang idaan na lang sa payo, hindi yung kailangan magkumpara at magmaliit para maiangat lang ang sarili nila.

Buti na lang kasabay ng pagkapal ng fez ko ay medyo tumaas na rin ang bakod ng self-esteem ko. Medyo insensitive na ako mga mapanghusga, bahala sila kung ano isipin nila. Letze!  Pero bukod sa outside elements, dapat din pala ay alam mo sa sarili mo kung ano ba ang definition ng tagumpay para sa iyo, paano mo ito makakamit at kayang panindigan.  Maraming tao na akala nila okay na ang matupad ang trip nila, pero hindi pa pala success story yun kasi hindi naman nila kayang panindigan.  Parang pagpapakasal sa taong mahal mo,   hanggang saan sukdulan ng iyong pasensya at kayang  ibigay para mapanatili ang commitment mo sa taong pinangakuan mong mamahalin sa hirap at ginhawa.  Oo Popoy at Basha, hugot ito sa A Second Chance pero this is also applies sa career, business, at iba pang “major-major” aspect ng buhay no!