my toyboy (monologue)

hindi siya katulad noong dati na naiisip ko

Hindi siya yung binabatukan ko or sinasampal

Ipinapahiya at inalaska, kinukulit at pinapahirapan

(parang sassy girl lang)

and absolutely definitely totally mas hamak na mas bata siya doon

dahil magkasing edad lang kami noon no.

II

Ipinagkaiba lang ay may pagkahuman yon at itong bago ko

Ay animalistic ang dating

Weird pero mas gusto ko itong new toyboy ko

I don’t care kung ako ang tipong magpapalamon sa kanya

III

Ako ang magtatrabaho para siya ang nagpapahinga sa bahay namin

Iyong tipong magbuhay prince siya at ako ang slave

Maibigay lang ang pangangailagan niya – luxury, wants, and needs

IV

Aminado naman ako na talo ako sa partnership namin

Kailangan kong tanggapin na sa kaguwapuhan niya

Marami akong kaagaw sa kanyang atensyon at panahon

Hindi ako puwedeng magreklamo pag iba nilalandi niya

at kahit ano pag gawin ko, hindi ko siya mapipilit kapag

ayaw niya ang mga ibinibigay ko.

V

ang tangi kong konsolasyon ay nariyan siya

na minsan sa isang araw puwede ko siyang hawakan, hagkan at yakapin

na kausapin kahit pakiwari ko hindi naman talaga niya ako iniintindi

ganyan naman di ba kapag kini-care mo at inaako mong sa iyo

VI

hindi mo masasabi kung saan  ka daldahin ng iyong emosyon.

o e baka naman sabihin nyo tanga-tanga ako

hindi naman. I think this is normal lalo na kung ganito ang itsura NIYA

Btw, secret lang ito a, hindi naman niya alam na bina-blog ko siya.

I like you Val kong alam mo lang!

Kung lalaki ako…

Kung lalaki ako

Ititigil ko ang pambabae ko, lalo na  kapag pinakasalan ko na ang babaeng inibig ko.

Irerespeto ko ang kagustuhan ng aking kasintahan kapag ayaw niya.

Makabasag na ako ng salamin, makaputol ng sanga, o pagpira-pirasuhin ang  unan ‘wag lang saktan siya.

Hindi ako mangingiming magsabi ng “sorry,” “take care,”  “great,” at “I love you”

Makikipagdebate ako pero pipili ako ng tamang lugar at katanggap-tanggap na pananalita.

Kung ako’y isang lalaki

Ikakahiya ko ang aking sarili kapag hindi ako magbigay-daan sa babae, lalo na sa upuan o daanan

Kikilanin ko ang kanilang kakayahan at iintindihin ang kanilang kahinaan

Kung mabuti ang layunin, magpapa-impluwensya ako sa kanila

Subalit, sasabihan ko ang mga bagay na napapansin ko, maganda man o pangit basta’s para sa  ikabubuti nila

Kung ako ang lalaki

Magbabanat ako ng buto para mapaunlad ang aking sarili. Para pagdating ng araw ay buong-buo kong ibabahagi ang aking pagkatao sa babaeng bibihag sa akig puso.

Pormal kong wawakasan ang relasyon namin kung talagang hindi ko na siya mahal. Hindi ko siya bibitinin o paasahin nang sa gayon ay kapwa kami makahanap ng kaligayahang nababagay sa amin.

Yayakapin, hahagkan, susulatan, kakantahan, sasabayan, bibigyan ng rosas o tsokolate siya. Maigi na ang matawag na corny at quezo, huwag lang bato.

Higit sa lahat aalagaan ko siya at mamahalin kapag siya ay may sakit o feeling pangit o nanaba, dahil ang mahalaga sa akin ay hindi ang isang katangian niya kundi ang buong siya, ang babaeng ang aking kapareha.

Note: March 2010 is International Women’s Month

“When I was a child, I talked like a child, I thought like a child, I reasoned like a child. When I became a man, I put childish ways behind me.

“Now we see but a poor reflection as in a mirror; then we shall see face to face. Now I know in part; then I shall know fully, even as I am fully known.

“And now these three remain: faith, hope and love. But the greatest of these is love.” 1 Cor. 13: 11-13

Old but need love

Kaintindi-intindi na maging magiliw tayo sa mga babies. Sino ba naman ang hindi lalo na’t ang cute-cute at ang bibo nila? Ngunit, alam din natin na kaakibat ng kanilang pagiging bata ang kanilang kakulitan at pagiging pasaway. ika nga kanya-kanyang phase ng buhay ‘yan. Lahat tayo nanggaling dyan at  may patutunguhan din tayo sa bandang huli kung ‘di tayo maagang matitigok sa earth.

Nalulungkot ako minsan na makita ang mga matatanda na namamalimos sa daan. Nasa’n ang kanilang mga anak na kanilang pinalaki at inarugaan noon, ngayon naman na sila naman ang nangangailangan. Maaaring alagain sila, pasaway at kailangan gastusan pero hindi ba’t ganun din naman ang tiniis nila nung sila pa ang malakas at nag-aalaga.

Actually masakit na siguro sa isang matanda ang iwanan sa isang home for the aged pero mas masakit naman siguro kung hayaan silang magpalaboy-laboy sa daan. Hindi sila baliw para mawalan ng katinuan, ang sakit na kanilang nararamdaman ay nakikimkim na lang sa kanilang puso’t isipan. At marahil, hinihintay na lang nila pumanaw na lang at baunin ang masasaklap nilang ala-ala sa mga huling sandali ng kanilang buhay.

May kilala akong matanda. Inako na niya ang mga apo na hindi naman niya direktang kadugo. Pinalaki, pinakain at hanggang sa makakaya ay pinilit na mapag-aral ang mga ito. Iyon nga lang sadyang hikaos din sa buhay. Dumating ang araw na nagsipag-asawa na ang kanyang mga inakong apo. Kinupkop pa rin ang mga sari-sariling pamilya nito.

Ang masaklap, binigyan niya ng kabuhayan hindi pinagbutihan. Bagkus ay “winawalanghiya” (sorry sa term) pa s’ya nito. Nagbabayad pa siya ng utang para sa kabuhayan na ‘yon, ni wala ng inaabot sa kanya at palugi na. Nung tuluyang mawalan ng trabaho, sa kanya pa humihingi araw-araw ng pera ang kanyang apo. Ang paghingi ng perang iyon ay tila obligasyon pa sa kanyang parte. At wag namang sanang hina-harass na siya.

Pati ang manugang niya sa apo ay magaling din. Ang utos n’ya na pambili ng gamot ay wala ng balikan ng sukli. At ang laman ng kanyang pension buwan-buwan ay nasaid dahil kinuhanan na di umano ng kanyang apo sa tuhod. Ang sabi nawawala raw ang ATM ,‘yon pala kasama sa nawalang ATM card ay ang pambili nila ng pagkain at gamot na mag-asawa.

Isang araw narinig ko naman sa kwentuhan ng kanyang mga apo sa tuhod na baka sipain siya ng isa roon o tisurin dahil nagsumbong sa ibang tao. eh hindi ko na natiis. Sabi ko isumbong ng matanda sa akin kung sipain siya at ako ang sisipa sa apo niya sa tuhod palabas ng bahay nila. At sinabi ko ‘yon sa mismong harapan ng apo niya sa tuhod.

Hindi ako mabuting anak at madalas nasasagot ko nanay ko. pero di ko maaatim na mamura yon o saktan man lang.  O kahit ng ibang tao na gawin sa kanya ang mga bagay na ‘yon. Parang kahit siguro fault ng nanay ko ay susugurin ko pa rin ang kaaway niya. At ganito rin naman ako sa ibang matatanda, handang magpasensya. Respeto lang!

Buti pa ang MRT may priority coach,

buti pa ang mga fast food restos may lane for elderly

eh sa ilang mismong tahanan nila walang pasintabi

tamaan na ang tamaan!

Because you are my friend

last week nag-blog hopping ako… nakakatuwa iyong mga posts na nakaka-inspire lalo na iyong na kay beauty 80 at ito na nga ang isa…

Because you are my friend,
my life is enriched in a myriad of ways.
Like a cool breeze on a sweltering day,
like a ray of sunshine parting glowering clouds,
you lift me up.
In good times, we soar,
like weightless balloons
over neon rainbows.
In bad times, you are soothing balm
for my pummeled soul.
I learn so much from you;
you help me see old things in new ways.
I wonder if you are aware
of the bright seeds you are sowing in me.
I’m a better person for knowing you,
so that everyone I interact with
is touched by your good effect on me.
You relax me, refresh me, renew me.
Your bounteous heart envelops me
in joy and love and peace.
May your life be filled
with dazzling blessings,
just as I am blessed
by being your friend.

—–

naniniwala ako na ang mga taong nakakasalamuha natin, lalo na iyong mga nagiging kaibigan natin ay isang salik para mahubog pa natin ang ating pagkatao. Unconsciously, nag-iiwan sila ng marka na maaaring mapansin lamang kapag wala sila sa ating tabi. Pwede rin kapag naka-LBM sila.

Like si Avi, sa pagsusulat ng blog at kung “late ka, late ka”

Leng-Leng– mag-scrapbook at mag-order sa Dells

Obet– magbawas ng ipo-proof, maging organisado sa mga red marks (kaya ngayon gamit ko violet na. hahaha!)… kape tayo kouya !

Ate tet – mag-file ng OB at paano humawak sa motor kapag nakaangkas…

Tonet – kailangang may mga theme sa mga bagay, pagiging focus sa monitor at maging “ pink & mint green.”

Ka Ver – mag-aral ng mga kabagayan sa computer at maging bukas sa hamon ng “green revolution.”

Kay Bruno – na kapalit ni chunkee na laging naghahatid at nag-aantay sa pag-uwi ko sa bahay. Sabay na ikinakampay ang buntot sa paggalaw-galaw ng tenga niya.

Kay kitkat – na kahit walang makain, mahilig pa ring magpabuntis sa mga pusakal na kapit-bahay namin. Talagang iminimulat mo akong pusa ka!

CMC barkada ko – na kahit nauso na ang anime, asianovela at pagba-blog eh tinitiis ang ka-weirduhan at kabaduyan ko.

Jen Syngkit – kahit isa kapang di nagbabasa ng blog at wala akong mahihitang comment sa iyo eh. Kadamay kita sa pagiging kuripot kahit nasa divine at recto pa tayo

Edlyn – girly-girly man at maraming problema, laban pa rin.

Kristy masaya ang magpuyat sa Jollibee UP-Philcoa na ang kinakain ay jolly cheesy fries at ipahayag ang iyong artistic side.

Venus – ang magsimba ng tuwing linggo at maging open-minded sa relasyon (wahh!)

Mga ka-Pink Panther ko – maaarte man ang iba sa inyo , eh nagkasundo naman tayo. Pwede pa lang ipatuka sa nguso ng isang basong kupita ng wine ang isang kalamansi.

Iyong iba kong friends (marami pa naman eh) basahin nyo muna blog ko… hahaha.. bago ko kayo mabanggit. Pakapalan na ito… pwede naman mag-edit eh. Hehehe. doon naman sa iba… ayokong magbigay ng comment kong wala rin naman akong masasabing maganda.. iisip muna ako ng magandang linya.

Basta maraming salamat sa mga kaibigan ko dahil marami akong natutuhan. Sana marami pa akong maging totoong kaibigan sa hinaharap!