Ali Gaga

Dear Ate Jevs,

Hindi po ako Gaga as in, aanga-anga at hindi rin ako nakiki-ride on sa popularity ni Lady Gaga, kundi talagang Aligaga lang akong tao. Tipong lagi akong naghahabol ng oras, hindi ko alam kung ano ang uunahin ko, madalas may nakakalimutan akong bagay o tao, maramin dalang anik-anik at kung anu-ano pa na nagso-show na talagang busy ako.

Pero pag tinamaan naman ako ng topak ay tamad kung tamad ako. Kayang mag-stay ng buong araw sa kuwarto. Kung mangyari yun ay by trip lang o minsanan lang din.

Ang nakakaloka pa nito, kahit napapagod at medyo nai-stress ako gusto ko ang maraming ginagawa. Hindi yung iisa lang yung ginagawa ha, yun talagang marami akong inaasikaso. Walang lugar ang aantok-antok at pabagal-bagal. Iyon nga lang, alam ko dahil sa ganito kung ugali ay may mga trabaho akong kulang sa quality o hindi kaagad-agad matapos-tapos. Nawawalan na nga ako ng poise eh.

Pinipilit ko naman ang maging organisado at palagi akong nagti-take notes para paalalahanan ang aking sarili pero sadyang aligaga talaga ako. Hay paano po kaya ang gagawin ko?

Judith”Ali Gaga” Jones

Dear Judith,

Ikaw na ang nagsabing gaga ka ha, hindi kami. Pero ang pinakatutulong sa iyo ay ang sarili mo. Disiplina at patient, ang dapat mong matutuhan dahil malamang yan ang kulang kahit marami kang inaalam. Ewan ko ba sa iyo, ang gulo-gulo mo.

Kung wala ka naman minamadali at walang hinahabol, maghinay-hinay ka. Aanhin mo ang trabahong mabilisan kung hindi naman ito kay dahil hindi ka naka-deliver ng tama. Saka one at a time lang iha, para hindi ka mawindang at maguluhan.  Matatapos mo rin ang iyong mga gawain sa sikap, tiyaga at concentration.

Hay pati ako naaaligaga na at nangangarag  na e.

Mabuhay!

Ate Jevs

sandali

i

araw-araw nararamdaman ko na dapat lagi akong magmadali

hindi dapat babagal-bagal, tama na muna ang pagmumuni-muni

ewan parang kailangan atang makipagkarera palagi

ii

subalit aking napagtanto na hindi lamang ito  simpleng bagay,

kahit kasi ako’y nasa bahay,  parang bawal na maging pasaway

bat nga ba gawai’y ‘di maubos-ubos at tila laging kinakapos?

iii

marami akong nasimulan pero wala na atang katapusan

sari-sari ideya ang iniisip ngunit ‘di alam ang uunahin

nakakaloka nga minsan pero ayokong huminto, nakakabato

iv

alam kong may ugali ako at mahirap atang masolusyonan ito

alam mo ba kung ano? Iyon ay pagiging aligaga kong tao

kapag abala-dapat abalang-abala, ‘pag tinupak- tamad na tamad

v

sa mga  panahon na ako’y  nagkukumahog may kinakausap ako

di naman ‘yon sumasagot, basta tuloy lang ang kanyang  ikot

sa bagay,  representasyon lamang siya ng aking kinakalaban

vi

at kahit naman anong gawin ko, hindi ko na mapipigilan pa

kailangan kong sumabay, ayokong magsisi at ayaw ko rin patalo

pero sa totoo lang, tao rin ako na napapagod at gustong mag-aliw

vii

kung bakit nga ba kasi ang bilis-bilis ng takbo ng  panahon?

Kung kailan ka ganadong gumawa,  parang maigsi lang ang oras

Tas kapag may hinihintay ka, para kang naghihintay sa kawalan

Trivia:

-Sa buong bahay namin may siyam kaming orasan, dalawa lang ang gumagana.

...many hats @ d same time...is gold
...many hats @ d same time...is gold

-Tatlo ang relos ko, lahat naman gumagana. Dalawa roon bigay sa akin at ‘yong isa, binili ko kasi naka-sale

-Matapos ang ilang buwan – nung Linggo ay ipinakabit ko na ang natanggal na no. 9. at isang dot sa isa kong relos. Napilitan na ako kasi sumasabit sa mga kamay, humihinto tuloy ang oras ko.