Kailangan Kita

Kailangan Kita sa Buhay kong itoSculpture in N Seoul Tower

Sa mga oras na walang kasuyo

sa puntong ako’y nawawala sa sarili

pagod at walang kahalili

nais kong ikaw at ako ay maging isa

II

dalangin kong wag kang mawala

gusto kitang makilala pa

mapag-yaman ang iyong  kariktan

sa puso’t  isipan kong tuliro man madalas

hindi naman basta kumakalas

III

Kung di mo napapansin ang aking pagtangi

pagkat sa lilim ako’y palaging nagkukubli

nais kong malaman mo,  itinuturing kitang

kabahagi ng aking pagkatao

dumadaloy mula sa sakong hanggang  ulo

IV

Wag ka lang mawawala

Mr. Me

what is faith in love

Dear Ate Jevs,

Natatakot po akong magmahal kasi wala akong karanasan. Natatakot akong masaktan, mapahiya at mapaglaruan. Pero gusto ko ang may minamahal at nagmamahal sa akin. Nasagot naman po iyon nang dumating si Aldrin sa buhay ko.

Si Aldrin ay isang bokalista ng isang banda, guapo, at mukhang seryoso. May nakapagsabi na sa akin na playboy daw yun at bibilang lang ng buwan at papalitan n’ya na ako. Pero hinayaan ko pa rin ang aking sarili na mahalin siya.

Dumating ang pinakinakabahan kong sandali, nakita ko na may kinakalantari (flirt) siyang maganda at seksing babae. Ang sakit-sakit, parang dinudurog ang puso at isipan ko. Ano nga ba naman ang laban ng isang ordinaryong babaeng gaya ko sa isang ganung babae? Bakit ko nga ba pinatulan ang isang lalaking ang hirap mahalin?

Nakipagkalas po ako sa kanya pero binabalikan n’ya po ako. Ano pong gagawin ko?

Salamat po,

Pearl

Dear Pearl,

Alam mo ang pinaka-major problem sa love life mo ay hindi si Aldrin o ang imahe n’ya, Ikaw! Parang ang low-low ng confidence mo na napakadali kang mauto este maniwala sa sulsol ng iba.

Tanong ko lang, buti binabalikan ka ni Aldrin e hindi naman siya ang umalis? Pero in fairness iha, ibig sabihin lang nun na mahal ka talaga n’ya kahit pa sabihin nating ang ordinaryo mo kamo at mayroon siyang kinakalantaring iba.

Sa trabaho n’ya at itsura nya malamang maraming aaligid-aligid na chicks. So intindihin mo ‘yon pero ang higit sa lahat maniwala ka sa power of love, sa love nya at sa iyong sarili.

Bow!

Ate Jevs

Note: Binabati ni Hoshi ang may love ngayong Valentine’s day!

Tambay sa inuman

Nadatnan ko ang mga kabarkada ng kuya ko na nag-iinuman dahil nagse-senti raw ang ilan sa kanila.

Ang isa sawi sa pag-ibig

Isa  naman nag-a-unwind sa stress  niya sa trabaho

Ang isa bagong sweldo kaya panay ang yabang sa painom

Habang ang isa roon na noon ko lang nakita ay mukhang napadaan lang at nakikiinom ng libre. Hehehe!

Okay naman kausap sila kahit ‘di ko pinapansin sa normal na araw (hahaha), lalo na ‘yong sawi sa pag-ibig.  Na-realize ko na iba pala ang pagkakakilala ko sa kanya.

Yung nag-a-unwind, kala mo binata pero hindi naman

Asensado na yung nagpapainom eh dati naman katulad siya nung isa na parang napadaan lang. hehehe

marieEh bigla kong may naisip… gaganito –ganito sila ngayon na hinahanap ay alak, babae, karera, at makalibre pero malamang lahat sila ay tinikman ang Marie.