Believe me mayroon pa rin akong inhibitions when it comes to blogging. Nag-iisip pa ako kung magpo-post na ako ng pictures ko o kaya ay dapat bang i-share ang mga personal information na precious for me. But ano nga ba ang sense ng blogging kung di ka rin mag-o-open up? Pero pagdating sa mga interests and dreams I don’t think may nilalabag ang isang blogger na rules.
Dahil siguro almost one week nawala sa cyberworld ang hoshilandia.com ( dotcom ng inyong abang lingkod), napag-reflect ako ng mga blogger friends ko na sina Jube and IamStorm, paano na kapag nawala yung mga posts mo ( and oo mayroong akong mga posts na nawala sa air) at gaano ba kahalaga ang bawat blogpost mo?
Every posting involves effort and time
Aminado ako na mas kina-career ko ang Hoshilandia kaysa dito pero pag itong Kwento’t Paniniwala ko ang mawala, hindi ko rin alam ang ang maiisip ko o gagawin?
a, tutungga ng isang galon na tunaw na ice cream habang nakaharap ng electric fan.
b. aakyat sa bubong at titiradurin ang manggang di nalaglag nitong summer
c. ipapaalam ko na ang aking katauhan bilang si Hitokirihoshi
d. sa typewriter na lang ako magba-blog at ipapaskil ko sa aking wallblog
Pero gaya ng sinabi ko – bawat post mo naman sa blog mo may effort pero may lalabas nga lang na top, special, favorite or memorable di ba?
What do you blog?
Isa ako sa hirap sumagot sa tanong na ito lalo na kung blog event or batikan sa social media ang kausap ko. Ang other meaning ng question na ‘yan ay niche ng blog mo?
Well I blog particular topics at yun ang interests ko. Gusto ko rin magkaroon ng blog na tutukoy sa iisang paksa pero kung ganoon talagang dadami ang blog ko. Because my interests are
Sideline Business
- Personal Finance / Tipid tips
- Travel
- Arts and Crafts
- Entertainment
Yang mga yan iilan pa lang sa talagang gusto ko ha, wala pa yung mga gusto ko i-advocate like
- financial literacy,
- progress sa public transportatikon ( gusto ko magkaroon ng scheduled free ride para sa PWD at senior citizens) ,
- Enterprising Arts and Crafts using Recycled Materials, at
- OFWs / Single mom to Self-employed / home-based business owners
When I Blog about my Interests and Dreams…
I learn a lot! Oh well it sounds like na preachy ako or sharing too much information, but I think, kahit sa pagbabasa sa mga posts ng ibang bloggers about sa kanilang hopes and goals in away nagbabahagi ka ng positive vibe. And ako mismo kapag mas sinusulat at sini-share ko ang aking mga pangarap mas natutupad kasi may nagbibigay ng payo, suporta at komento.
ikaw ano ang interest at pangarap mo? Nag-aalangan ka ba i-share sa blog? Why oh why?