Nothing’s gonna stop me now

Hindi ko pangarap maging Youtube sensation

Gusto ko lang mag-videoke

at dahil satisfied naman ako sa music video na ito

…na pinagtripan namin kunan nung _____ ko

kasama ng isa sa mga itinuturing kong best friend

na si Syngkit

ay Nothing’s gonna stop me now na i-share ko na ito.

Videoke.It’s more fun in the Philippines!!!

(note: hindi ako ang pumili ng kanta )

About aging and maturing

Masasabi ko na naranasan ko naman na mapuri kung gaano kalinis ang face ko (hindi ako kasi gaano pini-pimple) at ka- sexy fit ng katawan ko especially yung binti ko (dati). Ang worst part dun ay mahiyain ako at hindi ko tinatanggap ng masyado ang papuri ng iba lalo na kapag lalaki ang nagsabi sa akin.  In short cute sana ako kaso walang kumpiyansa sa sarili.

Nung college, nag-start na ako tumaba, magka-pimple, magka-eye bags at magulo ang mundo ng buhok ko. Nandoon kasi ang stress sa school at ibang personal stuff ng isang young adult. Pero unti-unti nahahanap ko yung sarili kong mga istilo o gusto, let’s say identity. So kung hilig ng iba ang make up o gimmick- sa akin anime. And kahit may pagka-novelty ang taste ko, I gained respect and hindi ako kayang talunin ng peer pressure.

Nung ako ay fresh grad, madalas naku-culture shock at sobrang nai-intimidate ako sa iba.  You know maraming yuppies out there na complete ang package- beautiful face, fashionista, and graduate  from reputable school with honor. I am very ordinary, pati na sa aking mga trip sa buhay at pananamit.  Sa sobrang generic, hindi ko na alam kung paano ko nasasagot yung Why Should we hire you at ano ang kaya kong gawin na hindi kaya ng iba.

This slideshow requires JavaScript.

So ito na, hindi ka na cute, hindi ka na mukhang competitive at bumaba na ang confidence.  Pero kung may isa pa akong ipagmamalaki, yun ang paniniwala ko na humble ako. Humble siguro na minsan nawawala sa ulirat na nagiging disadvantage.  Pero na-realized ko na asset ko ito at kaya kong maka-develop ng iba pang traits. You know when you are humble at nagku-compare ka sa iba. Hindi ka maiinggit kundi pupurihin mo yung magagandang bagay. Tatanggapin mo ang iyong mga kahinaan at magiging bukas ka sa maraming bagay na puwede mong matutuhan. Maging kuntento sa kung ano muna ang mayroon at mangangarap kang makuha yung trip mo by faith, perseverance, and changes.

May dalawa akong pimple ngayon, walang balak na magpa-rebond, maraming binabayaran at pinag-iipunan, may mga pangarap pang hindi pa natutupad, may gusto pang mapatunayan, single at kailan lang nag-birthday na naman. Never ending pa siguro yung mga isyu pero ang happy part ay I feel na mas confident at malawak na ang pang-unawa ko sa mga bagay-bagay. I mean, puwedeng hindi maganda ang skin ko ngayon pero I don’t believe na pangit ako. Kung hindi ko masagot lahat ng tanong, iyon ay  dahil hindi ako magmamarunong na alam ko ang isang bagay na puwede naman ituro sa akin o matutuhan ko. Naiintindihan ko ang pagkakaiba ng iba sa akin, pero nauunawain ko rin ang pinagkaiba ko sa iba at unti-unti kong napagtatanto ang mga bagay na ito sa paglipas ng mga panahon.

birthday wishes

(note: sa apat na taon ng hoshilandia Sr. ni hindi pa pala ako nakapag-post about sa kaarawan ko. Hahaha!)

Yes, nag-birthday kami ni Piolo Pascual (kailangan isama talaga), pero dahil inisip ko para hindi mahirapan ang mga magbibigay ng regalo sa akin, ako na ang nag-post sa FB account ko ng mga gusto ko.

Eto yun…

  • malaking kaserola (para hindi na kami nagta-tiaga sa walang hawakan)
  • logo para sa aking hoshilandia.com
  • caricature ko bilang si hitokirihoshi
  • AAA energizer rechargeable battery ( okay lang din kung yung silver na disposable) o apat na black na Eveready (para hindi lang pang-display ang wall clock namin)
  • yung ubod ng tibay na can opener (yung pang sardines)
  • bag na maraming bulsa (itim/brown)
  • cover ng PC (monitor,keyboard, CPU)
  • cover ng 21 inches na TV
  • 3 makapal na shorts na pambahay (utang na loob ayoko ng pink, maiksi, manipis at bulaklakin)
  • isang malaking bote ng biogenic alcohol
  • earphones ng motorolo L72 (kahit class A lang)
  • cellphone cover ng motorola l72 at cherrymobile
  • headset na may mahabaaaang cords (3 inches or more)
  • whiteboard/bulletin board kasing laki ng (isang spread ng broadsheet newspaper)
  • copy ng photoshop (yung naka-cd na ha)/ pwede ring libro o photocopy nun)
  • dvd copy ng akazukin cha-cha/ inuyasha
  • dvd copy ng charmed/ summer of bubbles/autumn concerto
  • black ink para sa HP deskjet d1600 series
  • set ng pantahi (oo yung may sinulid at karayom)
  • totoong small guitar (yung sunod sa malaki) eh sa gusto kong magitara e, di lang abot ng fingers ko yung standard size)
  • 3 nail cutters (sumasama ata sa kuko nung mga pinahiram ko yung mga nawala) at 2 tiani (yung nakakabunot ng uban)
  • mamahaling ice cream kahit isang baso lang (hindi ako kumakain ng halo-halo flavor) – pero sige okay na ang mcflurry (mcdo) at frosty(wendys)
  • green salad na P45 sa tropical hut or 100 plus sa Wendys
  • flashdrive 8gb (orange/purple/ silver/ blue)
  • sandals na may strap (black)
  • black socks na hanggang  ankle lang
  • limang immodium, tatlong biogesic, tatlong neozep, at tatlong claritin
  • creative cookbook  (yung naglalaman ng simpleng instruction gaya paano maghiwa ng kamatis, maggisa at huwag matilamsikan ng mantika)

hahaha, natawa lang ako na may nagsabi nab aka raw mangkukulam ako dahil sa ibang hiniling ko. May nagsabi rin na lokohan daw. At may ang pinakagusto ko yung mga nag-pledge talaga. Siyempre yung iba dyan natanggap ko na at may mga hahabol pa raw.

Ngayon may nag-text, sabi bakit daw di kasama ang _ _? Sabi ko hindi kayang iregalo ng tao yun at hindi pang wishlist. Birthday prayer ko na yun. hehehe!

Sari-sari sitcom

Mga totoong kwento dahil sa pagtatambay  sa sari-sari store …

Bulgar na palaman

Manang: Bili mo nga ako ng pandesal yung tostado at Bulgar (tabloid)

Tambay: Ano ulit yun Manang?

Manang:  Sampung pisong Tinapay, yung tostado at Bulgar.

Tambay: ah okay po

Manang: Tostado ha! At Bulgar

Tambay: yung bulgar po ba maliit o malaki?

Manang: Ha?

Tambay: hindi ba palaman yun?

Simpleng Toyo

Nagme-merienda ang magbabarkada nang pagkain na may sawsawang toyo. Eh parang  lasang tubig yung sawsawan nila. tumayo ngayon yung isa sa kanila at naghanap ng toyo sa bahay. walang nakita.

Tikboy: Wala sa loob e, mayroon bang toyong maliit dito?

Bayani: Natural, eh Tengina tindahan kaya ‘to!

Birthday loan

(habang tambay si Hoshi sa tindahan…)

Kuya: Maghahanda ka ba sa birthday mo?

Hoshi: hindi, baka ‘pag nagganitong (plus two years from now) edad na lang ako.

Kuya: tamang-tama makakapagbigay ako sa’yo

Hoshi: (nangiti)

Kuya:  Sakto makakapag-loan ako after two years, mga 30K din yun

Hoshi: (ngiwi… long term goal ito pero at least di ba may maghahanda sa akin after two years.)