100 things about me

Ilang points na lang makaka-100,000 na ang hits ng Hoshilandia Sr ko. pampasaya habang nire- resurrect pa ang Hoshilandia.com (huhuhu). Parang kailan nga lang ay masaya na ako sa apat isang araw, Parang kailan lang na tinatago ko pa sa iba. at parang kailan lang na sobrang active ko mag-blog dito para gumawa ng kalokohan, ang magseryoso at mag-share ng kung anu-ano.

At dahil pinagtagpi ng tadhana at may time ako at hinihintay ko ang pagbabalik ng aspectos de hitokirihoshi. magsi-share ako ng ilang kabagayan about me.  baka hindi ko kayanin ng isang bagsakan so let’s see kung may sequels.  so gorah

 

1.  Gusto ko nang makabalik ang salbehe.com, iamstorm.com and hoshilandia.com sa ere

2. Gusto ko makapunta sa  Japan next year

3. Pampakilig..iki-claim ko na magkaka-love life ako this year.

4. Naniniwala ako na ‘pag ginawan kaming mag-Nanay ng masama, binabalikan ng karma ang taong gumawa sa amin ng masama

5. May sinusunod akong number  kapag ako ay nag-i-invest – 21- 17- 7

6.  ang kulay ko ng confidence ay blue pero favorite color ko ay Orange kasama ng Purple at Silver

7. Mahilig akong uma-attend ng seminar na libre lalo na pag may kinalaman sa blogging, financial literacy, scrapbook, arts and culture

8.  Nagpapa-autograph ako sa writer, hindi sa artista

9.  Humihilig ako sa artista kapag nagpa-picture ( para kunwari close)

10. Gusto ko pag-aralan at pasukin muli ang Mutual Fund

11. Hindi ko pa rin nagagawa ang scrapbook ko about blog and travel

12. gusto ko bigyan ng t-shirt ang lahat ng sumali sa sa Blog Life Contest ko. kailan? di ko pa alam

13. Happy ako sa bago kong schedule sa office – 7am to 4pm

14.  May possibility na iwan ko ang Pinas at lumipad sa New Zealand ( undecided)

15.  Pangarap ko ang makapag-radyo kahit taga-gawa lang ng script or gumawa ng feature news

16. Gusto ko magpa-picture at ma-interview si Jericho Rosales bago sya ikasal kay Kim Jones

17.  Hindi ako palabati in person lalo na sa mga lalake- isang bagay na pinagsisihan ko minsan pero sadyang ganun lang ako

18.  favorite kong i-request ipaluto ay sinigang  na baboy at adobong adidas

19. mahilig akong mag-uwi ng sapin-sapin

20.  Hindi ako  mahilig magpalda pero lintik babae ako dugot-laman ( palda lang ata tingin ng mga girls para masabi kang straight. hello mas maganda pa ako sa iba sa kanila. hahaha

21. favorite band ko noon ang Rivermaya

22. mahilig akong kumanta lalo na pag nagsi-CR yun na ang way ko ng pag-ere at pampainit pag maliligo ng madaling araw

23. nabawasan ang pagka-crush ko kay Bae Yong Joon noong nakarating na ako sa South Korea.

24. Nagko-collect ako ng mga Superhero movies, dance flicks, action films (especially babae bida) at ilang romantic films -Original VCD

25. Magulong-magulo ang kuwarto… at alam na alam ko kung saan lahat nakapuwesto ang mga gamit ko.  chuz!

sundan ang part 2 sa susunod…

“,)

the answer…sa what if date ko si crush

Saan mo gusto? At bakit naman?

Mahilig ako sa whole day affair pero dahil crush ko siya, pakitaan na ng sama ng loob. Music 21 na ‘to!

Anong Oras? At Bakit din?

Yung kain namin 12 so after Lunch okay na ako at ang boses ko. hahaha!

May kasama bang aso?

Puwede naman, tamang-tama may bago akong tuta si Racumen. Pero siguro hanggang kainan ko lang siya maisasama.

May bulaklak sa mesa? Anong klase? Bakeet?

Puwede kong gusto nya, pero okay na sa akin ang chicharong bulaklak o bulaklak na gawa sa tsokolate. Bakit? Mangangamoy sa loob at shy akong umuwi sa bahay na may magtatanong kanino galing yung bulaklak tapos paos ako.

Ano ang kulay ng mesa at upuan?

Kung puwede nya ba lagyan ng  sapin eddie- orange and purple… pero okay na rin ako sa silver or blue.

May stage ba? Ano ang nakalagay?

Teka parang Red Box na lang ata ito.. hahaha! Kahit lagyan nya lang na “I date my Hoshi” ok na. hahaha!

May background music? Ano yung tatlong songs sa playlist?

Kantahan at sayawan nya ako, with matching gitara…

  1. “I just can’t stop loving you”
  2. She Will Be Lovedacoustic version
  3. “Ligaya” or Tuwing Umuulan at Kapiling Ka”  acoustic version

Ano ang menu?

Dun sa kakainin namin…okay na sa akin ang pizza, kwek-kwek, lasagna, green salad at ang pinkamasarap na ice cream na alam n’ya

May mga coast guard o PSG?

Puwede, bumibirit din ako ng “My Way” e, hahaha!

Ano ang una linyang gusto mong marinig sa kanya?

“Falling star ka ba? Minsan lang kasi ako humiling natupad mo pa. (wahahah!)”

Kapag sinabihan ka n’yang “alam mo crush din kita, matagal na”  Ano kaya ang reaction mo?

“Crush lang, anong level?”

Ano naman ang huli mong pick-up line sa kanya bago kayo magba-bye?

“sana isa kang card reader… at mabasa mo ang files sa utak ko.”

Paano kong sabihin sa iyo ng crush mo, puwede bang pakitanggal yung tae sa sapatos ko, papayag ka?

Hindi. Ang tanong nakasapatos ba siya?

Ano ang pinakanakakahiyang puwedeng mangyari sa iyo habang nagde-date kayo?

Ang magtae ako.

Teka sino ba ang crush mo? Kung hindi puwede yunng ultimate sino pa yung 2 puwede kang i-date?

  1. Si Bae Yong Joon alternative…1. Chris Evans 2. Si Silvester

Eh paano kung hindi available yung 3, sino pa ang gusto mong i-date?

Barkada ko, kasama ni Racumen.

Digital Voice Recorder and Parody

nakahanap ako ng murang digital voice recorder at pinangalanan ko siyang Bae YJ. sunod sa name ng ultimate crush ko na si Bae Yong Joon. by the way napag-alaman ko na ang kahulugan ng BAE ay inspiration. saktong-sakto!

at dahil inspirado ako, gumawa ko ng ka-eng-engan na parody ng Tindahan ni Aling Nena by Eraserheads. Huwag kayong umasa na HQ ito at a capella na lang. wala akng balak na palitan ang kahusayan ng Eheads. hehehe. trip-trip lang talaga.

hoshi’s parody of tindahan ni aling nena

bakit naman kailangan ko ng recorder? Ganito kasi yun

First crush

Ewan ko sa pamangkin ko asar na asar sa akin kada kakantahin ko ang Something New o We’re All in This Together o Breaking Free. Eh nahawa lang naman ako sa kapapanood niya ng High School Musical. Malapit ko na nga ring maging crush si Zac Efron na dinedenay pa niya e.  Hinahampas pa talaga ako kapag binabanggit ko ang name ni Zac o ng character niyang si Troy.  Pero naisip ko teka ganun ba ako dati?

Di ko na maalala kung sino ang pinakauna kong crush pero ang maganda kasi sa akin magaling akong magtago. At ako na mismo ang nagre-reveal pag kaya ko na. Bakit naman hindi, eh karamihan sa crush ko dati ay hindi mga tao kundi mga anime characters. Wahahaha! At least sa pamangkin ko tao talaga.

Hindi rin ako  kagaya niya na naasar sa love interest ng crush ko, basta pini-feel ko na lang na ako yon. sa mga naalala ko ang mga una kong crush ay sina Kenneth Peralta (oo yung dating ka-love team ni Carmina Villaroel), Oliver Hartman, Diether Ocampo (GIMIK Days niya at nunh sa Mula sa Puso na ayoko na sa kanya), Jay Manalo ( nung pa-tweetums pa siya) basta sa local nag-stop na ako sa kanila. Madali  kasi akong ma-disappoint pag nagpapalit ng image. Hehehe! pero sa mga artista ngayon mako-consider ko na si Ryan Agoncillo. Siyempre sa international nandyan sina Bae Yong Joon, Daniel Radcliff, Robert Downey, at Eric Bana.

Ilan sa memorable na ginawa ko nung pa-cute pa ako ay

  • magtago sa likod ng bintana pag dadaan si crush,
  • mag-pretend na bridge
  • kunwari deadma
  • kunwari iba ang crush (pinakapatok na palusot)
  • hiramin ang libro na hinihiram niya
  • magpakuha ng solo picture niya sa mga accomplice ko at palabasin na iba ang may crush sa kanya (ito na yung ultimate ko).

basta hindi ko trip ang magpapansin kung pwede ngang di niya alam na nag-e-exist ako e, medyo better. Pero dapat kilala naman niya ako kahit papaano baka tapak-tapakan lang ako.

Balik tayo kay pamangkin, ewan pero gusto ko ituro sa kanya na pag crush mo sabihin mo na, walang mawawala sa ‘yo. (Chus palibhasa di ko ginagawa).  Gusto kong maging outspoken siya pero responsible sa mga sinasabi niya lalo na’t madaling makita in person si Zac, (aru). Pero mabuting hindi ko sinabi sa kanya yon kasi six years old pa lang siya. Wag ka tinanong na ako niyan, kung kailan daw siya puwede mag-boyfriend. Nag-crash ang diwa ko!

From Japan to Taiwan and South Korea, arasso!

Naiitindihan ko ang mga taong nahuhumaling sa kung anong bagay. Yung mga fans na naghahabol sa kanilang mga iniidolo, mga taong addict sa paglalaro ng computer at lalong-lalo na ang mga buwakaw sa TV.

Isa akong anime maniac noong ako ay nasa high school hanggang sa mag-college. Kahit papaano grade conscious ako noon sa aming mataas na paaralan at alam ko na mahina ako sa Math kaya kailangang mag-effort. Subalit, dahil sa Zenki hindi ako nag-take ng quiz sa math class namin.

Nakipagsiksikan ako sa mga kalalakihan sa eatery malapit sa school namin para lang makita kung paanong pugpugin nina Zenki (alagad ni Badjola) at Cherry-Nai (ang dakilang manggagaway!) ang hari ng kadiliman na nabuo dahil sa mga pinagsama-samang binhi ng kasamaan (na parang mata na kumakapit sa tao at pinapasama niya).

Zenki, BTX, Saber Marionette, at higit sa lahat Akazukin ChaCha ang ilan sa mga nakahiligang kong panoorin noong high school. Pero noong elementary mga madramang cartoons gaya ng Cedie: ang Munting Prinsipe (na pumalit sa paborito kong Batibot), Princess Sarah, The Trap Family Singer, Remi (yung lalaki ang bida). Terrible yung Remi lagi akong umiiyak doon.

Alam nyo bang may diary pa ako para lang sa all time favorite anime ko na Akazukin ChaCha

Nung mag-college naman nakikipagbangasan ako para sa Samurai X, Magic Girls, Fushigi Yuugi, Ayashi No Ceres at Little Women. Marami pa actually kasi mga 1999-2001 uso talaga ang anime. Yun din ang time na mga anime programs ang primetime ng GMA like Master of Mosquiton, Flame of Recca, Ghost Fighter, Pokemon, Master Rancher, Vision of Escaflowne etc etc.

Nauubos ang ipon ko sa kakapa-print ng mga info about sa mga pinapanood kong anime… especially sa samurai x na may collection na ako ng text, posters, cards etc. etc.

Siempre, dahil mahilig na rin lang ako sa anime, yun din ang pinili kong baby thesis ko. Queber sa gastos pero masaya talaga ako habang ginagawa ko yun. Iba pala talaga pag may passion naks! Yun din ang time na pumapasok ako sa dean’s list. Mas nai-inspire ako noon sa kapapanood ng anime kesa sa tunay na tao. Ay talagang crush na crush ko noon si Kenshin Himura (Samurai X) at Emperor Hotohori (Fushigi Yuugi), well hanggang ngayon. Hehehe

Siguro bumaba ang interes ko sa anime after kong mapanood ang Cardcaptor Sakura at Inuyasha (na lintik talaga hindi matapos-tapos sa ABS). Busy na talaga ako sa school noon saka nagpapaka-active na ako at may special someone (naks!) na walking anime din kasi kamukha niya si Yukito (Cardcaptor Sakura).

Job hunting mode ako ng unang ipalabas sa Pilipinas ang Meteor Garden. Hirap ako mag-hanap noon kasi kailangang bago mag-3.30 nasa bahay na ako (later nalipat siya bago mag–TV Patrol) at namimili ako ng company na makakauwi ako ng maaaga.

Yung una kong work nakakauwi ako bago mag-3 kaya ayos. Nung matapos yung MG 1 lumayas na ako roon. Hehhee

Pinaka-crush ko sa MG si Ximen (Ken Zhu), dahil wala lang type ko yung itsura niya. Yung kala mo henyo pero mokong pala… wahahaha

Maliban sa MG, Yung “It Started With A kiss” lang ang pumasang Taiwanese series sa akin. Na-realize ko kasi hindi maganda ang script ng mga series nila. Kadalasan laylay na ang mga dialogue, paulit-ulit yung effects (alam mo yun eksenang may malaglag kunwari tas slow motion na, tas kukunan ng iba’t ibang anggulo yung paglaglag ng bagay na iyon. Kapag ganun may mabigat na mangyayari.), saka yung acting sos, ang layo nila sa mga local artists natin.

Ang first Korean series sa bansa ay ang Bright Girl,at yun din siempre ang unang Korean series na nakita ko. Tas naging paborito ko na ang My Love Cindy (bida rin dito si Jang Nara ng Bright Girl at The Wedding ), Winter Sonata, My Girl, at Coffee Prince.

Dahil sa Winter Sonata pinapalampas ko ang Dawson’s Creek at Charmed. Nakita ko rin doon ang aking mi koibito san na si Bae Yong Joon-sama. Siya na ang pinakamatagal na artista na naging crush ko. Ewan ko ba. hahahha

Ano naman kayang susunod na mauusong foreign series sa Pinas? Well yung abc 5 nag-attempt noon na magpalabas ng mga Arabian kaso di umubra. Yung mga Mexican nawala na ng tuluyan. At dahil naman sa mga Korean series, nabawasan na ang paggawa ng mga telenobela na umaabot ng 2 years. Naaala mo ba dati, may isang serye na inabot ata ng 5 years kakahanap lang sa isang diary?

%d bloggers like this: