P for Patience

Kung mukha akong pasensyosa o kung sinasabi kong nagpapasenysa ako, sa maraming pagkakataon talaga ay ginagawa ko lahat ng makakaya ko para magpasensya. May mga point na talagang isinasama ko ‘yan sa mga panalangin ko.

Patience: Peace

“He who knows patience knows peace.” unknown author (source: dictionary.com)

Coward daw ang wag magsabi ng iyong saloobin lalo na kung feel mong dehado ka? eh paano naman kaya kung yang feeling mo ay sa sarili mo lang opinyon and in fact, kung logic lang ang pag-uusapan amanos lang kayong dehado or mas siya (kung sino man siya) pa ang talo sa ‘yo.

Hangaga’t maaari ibinabalato ko na sa iba ang maliit na pagkakamali,attitude at kabalahuraan nila. Nakakairita, oo, pero kapag ang tao may matinding emosyon para ka lang tandang na sasabong sa kanya.  kung nagpapadyak ang isang babae sa likuran mo habang sumisit ang bibig at nakalamusak ang mukha… puwedeng kanina pa ihing-ihi yan sa biyahe naunahan mo pa.

Kung wala kang patience, mahirap siguro ang makahanap ng makakausap, makakasundo,makakasamang kumain sa break, makaka-partner sa project at makaka-relasyon.

Patience: Prosperity

Naobserbahan ko lang ha, may mga tao na gustong yumaman pero wala namang tiyaga na gumawa ng paraan para matupad ito. Ayokong, i-judge ang isang taong nakilala ko kamakailan pero I think yong impression ko sa kanya ang perfect example dito.

Kini-claim niya na halos lahat ng puwedeng pagkakitaan ay napasok na niya. Alam na raw niya halos lahat at siya iyong tipong pang-business talaga. Okay sige go go go lusong na sa sapa, yan ang sabi niya e.  Pero nung tinanong ng friend ko kung tapos na ba siya hindi pa raw. Thesis na lang daw sana at titingnan pa niya kung maipagpapatuloy niya. Eh ayaw na rin daw niya mag-aral kasi pang business nga siya.

Okay sige, walang tiaga sa pag-aaral baka naman okay sa business? Sabi ng friend ko totoong marami nang napasok yon (halos lahat networking) at magaling mangulit parang you can’t say no sa kanyang mga invitation. Eh kako anong nangyari? Iniiwan din niya ang mga yon at palipat-lipat.

Kung puno ka nga ng passion sa iyong ginagawa pero wala lang patience para i-pursue ang mga ‘yon laging hanggang simula lang ang  lahat.  Walang matatatapos at walang patutunguhan.

Kaya patience Hoshi, kung gusto mo ng Peace and Prosperity!  In fairness, hirap i-sustain ha!

singit

Iyon ang dikta ng isipan ko kaya yon ang ginawa ko. Ngayon kung isa iyong pagkakamali o masama sige susubukan kong baguhin next time.

Noong Viernes ay nakapila ako sa mahabang hanay ng mga tao sa isang ATM machine. Iyon na kasi ang pinakamalapit at maiksi lang ang break ko.

Ang tagal kong hinintay ang turn ko nang biglang may isang ale na lumapit sa akin at sabi ay puwede ko raw ba siya paunahin kasi may something siyang dapat habulin. Hindi ko siya pinagbigyan.

Una kasi ako nga ay over break na kakahintay sa pilang ‘yon at pakiramdam ko parang hindi ko naman nirespeto yung mga nasa likuran ko na gaya ko ay nagtatyaga na maghintay. Lahat naman siguro kami may oras na kailangan i-beat hindi ba?  Pero napaisip din ako baka naman talagang importante?

Sa memorya ko, second time ko na nang nahilingan ng ganyan. Yung isa ay sa MRT. Pinagbigyan ko yung isang tao tas pagkatapos parang na-feel ko teka parang may mali. What if kuning lang yun? Buti sana kong buntis ‘yon or senior citizen eh hindi e at ang haba-haba ng pila sa MRT lagi. So dun ko na-realize na ang singit ay singit. Bow!

10 things to know kung close na close kayo?

thought ni ate jevz

It’s hard to know kung close ka na sa kanya  especially kung medyo hindi madaldal hindi ba?

  • pag kwento na siya ng kwento kahit hindi na dapat ikinukwento
  • nagpapakita na sa iyo kahit walang gel sa ulo
  • namamalo na kapag nagdyo-joke
  • at ang joke niya lume-level up na sa pagka-green
  • queber na makita mo ang butas ng kanyang damit
  • pabalang na kung bumati (dati hello!, ngayon “oh ano na?!)
  • ini-treat ka niya ng mumurahing meryenda
  • puwede ring itini-take out niya for you ang tira –tira ng kinain niya sa fast food
  • ginagawa ka niyang salamin. Ikaw na ang magsasabi kung may muta siya sa mata, pang pugad ng itik ang kanyang buhok o kung may panis na laway siya sa pisngi.
  • walang habas na umuutot sa harap at likod mo

hindi na kasama yung pangungulakotkasi baka hindi mo lang napansin ‘yon dati. Tingnan mo ang ilalim ng mesa nyo.  Suwerte ka na kung imbes na yon eh, bubble gum ang makita mo.

Note: para hindi masakit, hindi mo dapat inaalam ang hindi mo dapat malaman

%d bloggers like this: