Blogging is learning more about yourself

sa salamin makikita mo ang pagmumukha mo – that’s it, makikita mo itsura mo sa moment na ito.

sa mga kakilala mo ‘pag tinanong mo ang opinyon nila about you – may ilang angle silang sasabihin about you

pero kung sino man ang higit na nakakilala sa iyo ay ikaw… na ang bahala.

paano kilalanin ang sarili? buhay mo yan ano! pero puwede kang mabigyan ng tips ni Mish sa kanyang…

WHY AM I BLOGGING?

entry.

Ikaw, bakit ka nagba-blog?

Join ka na sa Blog Life Contest at  i-discover ang mission mo sa blog world!

Kabalintunaan

I.

Hindi lahat ng pagod ay malungkot

At hindi lahat ng nagpapahinga ay maginhawa

Ang nakakapagod ay ang laging malungkot at nagpapahinga

II.

Madaling ipalagay na may gusto sa iyo ang isang tao

Ang mahirap ay patunayan na totoo ito

Lalong-lalo na kung niloloko mo lang sarili mo

III.

Kung ‘di ako at ikaw

Walang tayo

Pero puwede naman kami

IV.

Ano ang kahulagan ng ibig mong sabihin

Kung ang ibig mong sabihin ay walang kahulugan

Ano ang ng kung ang ay walang?

V.

My crush is a manager

But I can’t manage my crush

So I crush, my manager

Paano na kaya?

Paano na kaya

Kung pumara ang jeepney driver

Kung hindi magamot ng doktor ang kanyang sakit

Kung lady guard ang aplayan ng isang lalake

Kung ipagtapat ng magulang na sila ang ampon sa pamilya

Eh paano naman kung…

Tawagin mong sarili mong aktor/ aktres wala naman bilib sa acting mo

Pasado ka nga sa bar exam wala ka namang maipanalong kaso

Kilala kang magaling na lider pero hindi ka sinusunod ng kapatid o anak mo

Masipag ka sa pagkakawang-gawa pero sa loob ng bahay wala kang ginagawa

Wala namang ano, nagpapaano lang… hehehe!

Maling pag-asa

Dear Ate Jevs,

Gusto ko lang po magtanong kung tama ang aking tingin sa aking mga kamag-anak? Para kasing ang hirap nilang lapitan. Gayong kung tutuusin ay dapat alam nila ang aming kalagayan dahil galing din naman sila sa hirap. Ganyan ba talaga ‘pag yumayaman nag-iiba ang ugali?

Djon-Djon

Dear Djon-Djon,

Ikli naman ng letter mo. Wala pa sa climax at walang ka-gap-gap ay nag-end na. Gusto ko pa naman malaman kung ilang beses na ba kayong na-turn off ng kamag-anak ninyo at anu-ano ba kasi ang pinaghihingi ninyo?

Sa aking palagay ay may dalawang punto d’yan. Ang tingin mo sa iyong mga kamag-anak ay matapobre sila, habang puwede ring ang tingin naman nila sa inyo ay garapal o something to that effect.

Actually masakit talaga ang ma-turn down, especially ‘yong lalapitan mo ay ‘yong masasabi mong tanging pag-asa mo. But no matter what, sana matanggal sa atin na lagi na lang umaasa o dumedepende. And hindi talaga sa lahat ng pagkakataon ay mapagbibigyan tayo sa ating mga hiling, kahit gaano pa kayaman ang ating nilalapitan. Unang-una roon ay hindi naman nila siguro kayo obligasyon at hindi huwag mong lahatin/diskriminahin ang mayayaman. Dahil ang iba sa kanila ay puwedeng nagpapanggap lang, hehehe.

Siyempre hindi naman ako kumakampi sa kanila, napagdamutan na rin kaya ako ng so many times! Pero pino-point ko lang ay para huwag sumama ang loob mo at maging ng ibang magkakamag-anak ay sana tayo mismo ang gumawa ng sarili nating pag-asa. Magsumikap sa buhay para umangat at huwag PALAGING aasa sa tulong ng iba dahil sa tingin ko ‘yon ang maling pag-asa.

Naalala ko tuloy yung sinabi ng pinsan ko na naging bagger sa supermarket ng isang mall. Aniya, madalas daw kung sino pa ‘yong mayaman ‘yon pa ang mapagbigay sa kanilang mga pagkakamali. At yong iba naman daw na hindi naman mayaman iyon pa ang mababa ang tingin sa kanila at mareklamo. Well kayo na humusga kung ano ang reaksyon ninyo sa sinabi niya.

Mabuhay Djon!

Wala lang

Hinangad mo, pinagbuhusan ng panahon at enerhiya pero parang wala lang

Pinag-ipunan , ipinagpalit sa mas importante subalit nawalan ng halaga

Napagmamasdan at mahahawakan pero hindi maaaring mapasaiyo.

Malimit sa simpleng trip nanggagaling ‘yan

tapos makakahiligan at yon mapupunta sa pagkahumaling

madalas sa minsan, nabibigyan mo ng rason kung bat mo nagugustuhan ‘yon

pero panaka-naka iisipin mo na sa totoo lang wala ka naman talagang mapapala

subalit dahil ‘yon ang hinahanap ng mata mo at ‘yon ang type ng puso mo

eddie go, bahala na si Batman

Gaya ng isang palabas na pumapalo ang ratings at lumalaylay ang istorya

na depende na sa mga manunulat o manonood kung tutukan pa ito

dadaan din ang punto na mapagtatanto mo na tama nga ba ang ginagawa mo?

dapat nga bang pag-ukulan ng pansin ito o nagsasayang ka lang ng oras?

Sa bandang huli masasaktan ka ba o di kaya’y makaapekto sa iba?

Kahit ikaw ang klase ng tao na praktikal sa buhay

sinisikap na bigyan ng silbi ang bawat sentemong lumalabas sa iyong bulsa.,

o indibidwal na nagpapakaperpekto, parang abnormal na rin kung minsan

kung wala kang ginawa na parang wala lang, hindi ba?

Pero bilang tao na may lohikang sinusunod, alam mo na hindi pwede,

hindi laging dapat ganoon at kailangang balanse ang mga bagay.

Masarap ang sumubok o makipagsapalaran pero hanggang kailan nga ba?

Kapag pati ikaw hindi mo na rin alam kung wala ka na sa direksyon?

Bat kaya sa una pa lang ay hindi mo na pinigilan ang sarili mo?

Alam mong may mas importante at may dapat na asikasuhin

Pero bakit nag-uukol ka pa sa aspetong wala ka naman

inaasahang kapalit o mahihita?

Parte nga ba ng pagkatao mag- trip, magmukhang tanga at maging ewan?

%d bloggers like this: