Ayoko na Blue!

I

Sa mahigit limang taon ng ating pagsasama

Naging totoo tayo sa bawat isa

Walang kinubli , wala ring itinago

Ikaw ang nakaalam ng aking kasiyahan

Nang aking mga kalungkutan, tagumpay,

Kasawian at maging kabaliwan

Kung tutuusin ay napakaordinaryo mo

Pwedeng bastang palitan, pwede ring iwanan

Pero dahil akin ka, ‘yon ang pinagkaiba

II

Madalas sumusuong ako sa iba’t ibang laban

Napapagod sa aking pakikipagsapalaran

At kung minsa’y umuuwing luhaan

Ngunit dahil alam kong nariyan ka,

Handa akong umiyak at muling umasa

Ako’y sundalo at ikaw ang aking kuta

III

Patawad kong ako’y naging palalo

Palagi kitang pinipilit na magbago

Sa iyong kabuuan ay ‘di ako makuntento

Marahil kung susumbatan mo ako

Sasabihin mong “magulo kang tao!

“Kulang pa ba ang kabutihan ko sa’yo?

“Umalis ka’t bumalik, wala kang narinig

“Pinapansin kung kailan gustong gawin

“Hahanapin ‘pag walang ibang kapiling”

IV

Blue ‘di ko malilimutan ating pinagsamahan

Larawan nati’y itatago ng mainam

Tala ko sa iyo’y mahirap ng maparam

Subalit, hanggang doon na lamang

Iba na ang aking tinatangi

Pagbabago sa puso’y ‘di na maitatanggi

V

Masakit man sabihin pero ayoko na!

Gusto ko mang magpatuloy

Hindi na mapipigilan pa

Pati ang tao sa paligid ko’y humusga

Wala na tayong patutunguhan

Mabuti nang tanggapin ang katotohanan

Paalam na Blue Nassau

Alam kong sa hulihan nito

Ugnayan nati’y mag-iiba lamang ng anyo

Note:

Ang tula-tulaang ito ay para sa dating kulay ng aking kuwarto.

Ngayon kulay purple na siya with matching orange pa.

Wahhhhh!