What is in my bag? 14 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE

Bag by hoshilandia.com
my red [provincial] travel bag
Sakto  naging usapan namin ng mga kaibigan ko ang body bag ko na punit-punit na. Gusto na nga ako ibili ng barkada ko ng bagong bag pero  tumanggi ako. Kasi ang totoo ang dami kong bag at may  dalawa pa akong hindi nabubuksan. Gusto ko lang talaga yung bag na ginagamit ko palagi kasi nandoon na parati ang kailangan ko. Pero usually what is in my bag ay…

Umbrella –  kadalasan nakadepende sa payong ko ang laki ng bag ko. Kahit na gusto ko ang maliit na bag pero kapag hindi  kasya ang umbrella magpapalit ako. Mas naiiwan ko rin kasi ang payong na nasa labas ng bag at kaya lagi akong payong, mahilig akong maglakad.

Ballpen at paper – Last week akala ko nalaglag o naibayad ko sa restaurant ang P1000 na dala ko. Kahit anong halungkat ko sa bag ko ay hindi ko makita, eh napansin ko na wala rin akong dalang ballpen. Doon ko naalala na 3 beses akong nagpalit ng bag at magkasama ang ballpen at Php1000. Bakit lagi akong may dalang ballpen bukod sa sayang ang mga notes at ideas na nasasagap ko, napapadali noon ang pagpila ko sa opisina at bangko.

Two – three mobile phones + earphones– Hindi pangporma ang mga mobile phones ko ang edad ng  mga ‘yan ay Motorola L71 ay nine years old [ December 8, 2007], Nokia E71 ay four years old [ June 2012] at Acer Liquid Z630 [ January 30, 2016]. Dahil sa mga ito ay nakakapagtrabaho, nakakapag-blog at nakakapagnegosyo ako kahit saan. Naranasan ko na magtrabaho  habang binabantayan ang nanay ko sa hospital at mag-type ng letter para sa  visa application ko sa South Korea embassy habang nasa bus. Malay natin soon ay makapag-work din ako habang nagta-travel sa ibang bansa. To cut it short, I am a Digital Nomad.

my 9-year old mobile phone
my 9-year old mobile phone

Journal – Dati mas nakakapag-bag ako ng maliit kasi maliliit din ang binibili kong daily planner pero simula last year, nagustuhan ko yung mala – notebook size. Mas maraming nasusulat at detalyado. Pero aamin ko minsan ito ang pabigat sa balikat ko at payong hehehe.

Tissue/ wipes –   Curse o blessing pero bihirang mamahay ang puwet ko kaya whenever mayroong call of nature, I can [usually] deliver hehehe.

Personal Kit –   Hindi ako kikay basta presentable ok na sa akin. Ang madalas na laman ng personal kit ko ay alcohol, foundation or BB Cream, Lip balm/ Lipstick, suklay at mirror.  Minsan may idagdag ako d’yan na toothpaste, toothbrush, mouthwash at medicine [loperamide immodium/ diatabs at antihistamine Claritin]

Wallet – Hindi ako partikular sa brand at itsura ng wallet as long as may laman. Siguro for years puro regalo ng mga kaibigan o nakukuha ko sa mga event ang mga wallet ko. Pero may mga times na mahigit  sa isa ang dinadala kong wallet. Ayoko rin kasing pinagsasama-sama ang mga perang pang personal, negosyo at pera ng iba.

My wallet made in recycled material
My wallet made in recycled material

Good advice! Don’t Follow Your Passion

meme hoshi_inaasamNabasa ko ito “THE SECRETS TO CAREER CONTENTMENT: DON’T FOLLOW YOUR PASSION” at surprisingly I agree sa punto ng manunulat. Bakit? Kasi naniniwala ako na may bagay na kung di OA,ay mali ang interpretasyon ng karamihan sa ilang mga  termino gaya ng kuripot, contentment, passion at pag-abot ng pangarap.  Dun tayo sa  may kinalaman sa don’t follow your passion at job satisfaction.

Sa aking kuro masuwerte ako kasi alam ko na dati pa kung ano gusto ko ‘pag laki ko. At kahit maraming beses at siguro mayroon pa rin akong pag-aalinlangan sa aking sarili ay tila inaadya ng tadhana na maging bahagi  o malapit pa rin  sa kurso ko ang mga naging trabaho ko.   Subalit hindi naman ibig sabihin nito ay kung ano mismong pinangarap ko noon ay yun  din ang eksaktong nangyari. Iyon pa nga ang masaya dun…

Madalas ang ibinibigay sa iyo ni Lord ay mas mainam pa sa talagang  inaasam mo… wait lang at mag-tyaga!” – Hitokirihoshi

Palipat-lipat na trabaho

Kanya-kanya tayo ng field at background, kaya iba-iba rin ang rason kung bakit may palipat-lipat ng trabaho. May nabasa ako nung nakaraan na blog post na matapos n’ya raw mag-apply ng matagal sa isang company at ma-hire ay halos ilang buwan pa lang ay nag-resign na siya. Di nya kinaya ang nature ng work though yun talaga ang field of study niya. Tapos  matapos ang ilang buwan ay nag-apply  sya sa kalabang kompanya, na-hire siya sa kaparehong posisyon pero after ilang months ulit ay nag-resign siya.  May tama o mali sa kanyang desisyon, depende sa kung ano ba talaga ang pinapahalagahan n’ya.

meme hoshi_pangarap at paninindiganAng realization ko sa point  na ito (actually nai-monologue) ay hindi nakasalalay sa isang company ang iyong pangarap. May mainam na company at ma-care pero it doesn’t mean na gagawin nila lahat para sa iyo.  Alam mo yun nung time na nag-aaral pa tayo at fresh grad, part ng dream natin ay sana makapasok sa isang kilalang company. Walang masama dun pero hindi natin na-imagine na maging handa sa mahirap na challenges and  kalabanin ang ating fear at frustration.

Tingin ko dun na ang nagkakatalo, dahil nakasentro lamang ang ating puso’t isipan sa pagkamit ng ating mga pangarap na trabaho. Wala sa realidad, na package deal  yan at  may hamon o mga isyu na nakapaloob dito. Dagdag pa d’yan ay ang pagiging sarado  ng isipin sa ilang posibilidad at pagbabago. Gaya ng sinabi sa article kung puro passion mo lang ang iniisip mo, hindi mo makikita na kailangan mong mag-adjust, matuto at makibagay. Hindi kumo’t honor student ka nung nag-aaral ka ay ang galing-galing muna. Hindi rin kapag may kapareho kang karanasan ay ang taas na ng common sense mo.   D’yan pumapasok ang frustration kasi hindi  umaayon sa inaakala mo  ang mga pangyayari at sa bandang dulo, wala kang job satisfaction kasi hindi nangyayari ang pinapangarap mo.

Ang pangarap ay hindi natatapos sa pag-abot lamang nito. Dapat pinaninindigan at pinagyayaman mo rin ang iyong sarili kapag nakamit mo na ito. “  Hitokirihoshi

Kahit na hindi ako ganoon, minsan naiisip ko  mabuti rin iyong taong walang partikular na gustong trabaho basta mahusay at  mapagmahal sa kanyang  ginagawa. Sila iyong nagtatagal at bibihira mo maringgan ng reklamo. Wala naman kasi sa proseso ‘yan, nasa estado ng disiplina ng tao at  kung paano siya  mapahalaga  sa kanyang ginagawa na susi sa job satisfaction o career contentment. Parang yong  sinasabi sa article tungkol sa “Craftsman’s mindset.” Sa bandang dulo ang end goal ang mahalaga, kung nakamit mo ba ang trip.

on Video Blogging and Jericho Rosales

Matagal ko na talagang  gusto na mag-video blogging pero  matagal na rin yong Youtube channel ko.  Parang naging tambakan ko ng mga videos. Sa tuwa ko ata na sa simpleng  gadget ay kayang  makakuha ng video at pagmamay-ari ko  pa ay ganado ako mag-video (kahit ano na lang).  Ako na ang anak-pawis lumusong sa batis, lumitaw na freshness pa rin- chuz! Pero saya naman na  sa unang salbo ng taon at dikit sa birthday ko ay  natupad ang  isang wish ko, ang makausap si Jericho Rosales.

Anyway,  I don’t know yet  how far view and ocean deep ko ito gagawin sa ngayon. I just want to enjoy it gaya ng regular blogging, masaya ako na hindi lang ako  nakatutok sa isang niche although sabi nga hindi advisable yun. Siguro yun ang secret ko while I’m still blogging kahit 8-year old na ang blog na ito at may personal website pa ako. I don’t go extreme to the point  na it affects my other priorities, chill lang at walang limit.  Open ako sa mga posibilidad na puwede kong magawa at matutuhan, then pag kaya ko na subukan-susubukan ko.

Ang totoo n’yan at nakakalungkot pero as in 90%  ng mga na-encounter ko nung nag-uumpisa ako ay wala na sa pagba-blog or  di na ganun ka-active.  Well that’s life and I fully understand, kanya-kanyang  priorities yan at paghahanap ng purpose.  Nakatulong lang yung interesante sa akin yung mga nadi-discover ko at nakakahanap ako dang dahilan para magpatuloy.

So in connection dun, parang ang trip ko naman ngayon na pag-aralan ay podcasting at video blogging nga. Medyo mas madali at possible nga lang din sa akin ang video  since  gamay ko na ang basic sa video editing gamit ang  movie maker at creator studio sa Youtube.  Dagdag ko pa d’yan na wala akong smartphone (yes o yes) particularly iPhone to try podcasting pa.

Going back to  video, buong pakumbaba kong sasabihin na hindi maangas ang mga kuha ko at pagkaka edit. It’s aim my to produce artistic quality works, but for now I want  to  learn yung basic at mas gusto ko ang documentary type. Ayoko pa-pressure na kasi maganda  at mas marami yung sa iba. Kalaban ko ang sarili ko. In fact thankful ako sa chances na naibibigay sa akin.  And blessing  pa  nga natupad yung isang long-time wish ko at ayon na nga yung kay Echo. Dalawa pa lang  yung napa-publish ko kasi nire-reserve ko sa Hoshilandia.  But anyway, ito yung 2 nauna at ang iba pang  nakunan ko before  na napuntahan kong events –  para masaya ang tema ay mga artista.

1.

Jericho Rosales with selected bloggers

Ogie Alcasid @ OPM

My Interview withNino Muhlach and Vic Sotto @ My Big Bossing’s Blog Conference

James Reid @ Radio Veritas’ Concert for A Cause

Sarah Geronimo @ Ani ng Dangal

Nora Aunor @Ani Dangal

 

Am I Ambitious or gritty? Hello 2016!

A friend asked me last December what were my favorite quotes or slogans… one of my answer was  “It’s smarter to be lucky than it’s lucky to be smart.”  Now, I realized that perhaps it made me someone like ambitious, gritty, or a trying hard gal?
I got that quote from  Samurai X or Rurouni Kenshin and I believed it helped me to stay humble,  resilient,  appreciative and passionate in life. I learn to embrace that I’m not artistahin, genius, and rich kid…at kaya kong aminin na hindi ako magaling especially sa grammar. BUT it doesn’t mean I’m pathetic. In contrast, I developed the mindset that if I want something I have to work hard to make it happen.
It’s not easy huh, especially if (in your face) you encounter people who get they want in easily. I remember the time that I cried in silence because I got 3.5 prelim grade in Mathematics when I was in college. That time, I was in a star section, in danger to stop from studying, and I felt that I am an outcast for being a poor boyish gal. And believe me, since birth Math was like a curse in my student life… But I managed to get 1.75 in midterm and my professor specially praised me for that.
Sometimes, I feel that I also become weird  ambitious lady. I do hassle tasks that make me look loser, haggard, and poor that if someone don’t believe that I’m okay, I’ll understand them wholeheartedly. Yung totoo? Masakit yun and it feels like my works are worthless.  But what I’m trying to think is I become loser  whenever I belittle myself and don’t practice self-discipline. At the end of the day our biggest enemy is ourselves  ( like Gen. Antonio Luna said)
But why despite of external and internal factors, I stick with my life goals?  Am i Makulit? or

Do I have grit?

I learned Angela Lee Duckworth‘s research and TED Talk about the key to success is Grit through reading  Rappler‘s article about the factors why Pia Wurtzbach won  in 2015 Miss Universe pageant. I honestly, asking myself  now if I have Grit that Duckworth‘s research shared.  Yes, I left jobs, had unfinished businesses, and perhaps, dissatisfied comrades.

Credit: Hoshilandia.com
Credit: Hoshilandia.com

I have so many doubts in my past decisions, but one thing is for sure I never regret or stay regretful because I believe I’m just trying to reach my  dreams -whether they’re impossible or elusive.

If you ask me If am ambitious, yes because I’m  a Capricorn. I can’t really find logical reason other than that. I don’t even know exactly the foundation of my courage. If it’s about my support system, well it is scattered that it’s hard to say it’s strong and solid.  So I end up telling myself- it’s because of my faith.

Going  back to  Grit… I believe it’s true based  on my experiences and I hope I become grittier in good ways this 2016. Duckworth shared, IQ, talent and looks- will not make you a successful individual. Your self-control  grit or continuous passion and perseverance that make your dream become a reality.

About my favorite quote, I connect it now with Grit.

HAPPY NEW Year Everyone!!!

Note: dapat  FB status lang ito e,  napahaba kaya i-blog na yan.

5 Big Life Lessons I learned in 2015

There’s joy in meeting new people – Kung tama ako ay naka more or less 10 events ako this year at karamihan sa mga iyon ay ‘di ko kilalang personal ang mga taong nakasalamuha ko. Kahit madaldal ako sa mga kaibigan ko, naniniwala pa rin ako na I’m shy type and reserved person.  Siempre iba pa rin yung  kaibigan mo ang mga kasama mo pero somehow napi-feel ko na it’s also liberating to be with strangers pero may kapareho ko ng passion. Nagpapalitan kayo ng ideas and messages ng walang biases, so in a way you get free professional tips at motivations.

Don’t assume (be sensitive) that everyone is willing to  understand you –   Minsan iniisip ko If my friends think na isa na akong alien. Maliban sa I work independently, siguro nakakaapekto sa way kong magkwento at mag-isip ang mga samu’t saring  bagay na pinagkakaabalahan ko.   I don’t blame them kasi nakakalimutan ko na I have different set of friends. May iba na walang alam sa blogging, walang interes sa business, nawi-weird-uhan sa arts-pasty things, at ‘di masyadong believe sa freelancing. Perhaps, tinatanggap  at sinusuportahan  nila ako pero hindi ibig sabihin nun ay super interesado sila  pagkwentuhan iyong mga ginagawa ko. On the positive note, kaya ko sila kaibigan dahil love pa rin nila ako kahit alien ako sa paningin nila, no explanation required. Hohoho!

Time management is very important- Kung may taon na higit kong nauunawaan  ang “Time is Gold,” year 2015 na iyon. I go extreme na gumagwaa ako ng magkakaibang mabibigat  na trabaho sa loob ng isang araw at sa  buong linggo.   Mayroon ding time na pinagsasabay ko ang trabaho at negosyo at mayroon na  tinamaan ako ng lintik tamad mode talaga.

Hindi na usapin dito kung gaano ako kabagal  kumilos  o magdesisyon, kundi saan bagay ko ba ginagamit ang oras na mayroon ako at gaano kahalaga ang ginagawa ko  para sa end-goal ko. Isa pa hindi lang pala mabuti yung niliista mo yung gagawin mo sa buong araw, kundi  alin ang dapat unahin at matapos.  Next na gusto ko ma-master ay ang Pareto Principle.

Push (keep going) it will let lead you somewhere – isa sa memorable quote na sinundan ko nitong 2015 ay “fortune favors the brave “ni  philosopher Terence.  Kaya naman, hindi ko lang  in-increase ang volume ng lakas ng loob ko, kundi pati  kapal na rin ng fez ko.  I believe, despite of failures (in whatever form), mas na-feel ko na I’m blessed this year.  ‘Wag na yung kita o connection, kundi yung mapagtanto mo kung saan ka huhugot ng lakas,  kung paano ka magiging masaya kung malungkot ka at malaman kung ano talaga ang gusto ko.

Saka ang sayang mapagtanto na kahit di pa ako mayaman at successful, puwes wala na rin ako sa point na nagtitiis ako sa isang lugar o bagay kasi kailangan ko kahit ba ayoko na.

The measures of Success are subjective – Ayoko magpaka-nega pero magpapakatotoo ako (at gagamit ako ng online terms)  na naiinis ako sa mga tao na mamba-bash kasi ito ang pamantayan nila ng tagumpay. Puwede bang idaan na lang sa payo, hindi yung kailangan magkumpara at magmaliit para maiangat lang ang sarili nila.

Buti na lang kasabay ng pagkapal ng fez ko ay medyo tumaas na rin ang bakod ng self-esteem ko. Medyo insensitive na ako mga mapanghusga, bahala sila kung ano isipin nila. Letze!  Pero bukod sa outside elements, dapat din pala ay alam mo sa sarili mo kung ano ba ang definition ng tagumpay para sa iyo, paano mo ito makakamit at kayang panindigan.  Maraming tao na akala nila okay na ang matupad ang trip nila, pero hindi pa pala success story yun kasi hindi naman nila kayang panindigan.  Parang pagpapakasal sa taong mahal mo,   hanggang saan sukdulan ng iyong pasensya at kayang  ibigay para mapanatili ang commitment mo sa taong pinangakuan mong mamahalin sa hirap at ginhawa.  Oo Popoy at Basha, hugot ito sa A Second Chance pero this is also applies sa career, business, at iba pang “major-major” aspect ng buhay no!

%d bloggers like this: