10 things to know kung close na close kayo?

thought ni ate jevz

It’s hard to know kung close ka na sa kanya  especially kung medyo hindi madaldal hindi ba?

  • pag kwento na siya ng kwento kahit hindi na dapat ikinukwento
  • nagpapakita na sa iyo kahit walang gel sa ulo
  • namamalo na kapag nagdyo-joke
  • at ang joke niya lume-level up na sa pagka-green
  • queber na makita mo ang butas ng kanyang damit
  • pabalang na kung bumati (dati hello!, ngayon “oh ano na?!)
  • ini-treat ka niya ng mumurahing meryenda
  • puwede ring itini-take out niya for you ang tira –tira ng kinain niya sa fast food
  • ginagawa ka niyang salamin. Ikaw na ang magsasabi kung may muta siya sa mata, pang pugad ng itik ang kanyang buhok o kung may panis na laway siya sa pisngi.
  • walang habas na umuutot sa harap at likod mo

hindi na kasama yung pangungulakotkasi baka hindi mo lang napansin ‘yon dati. Tingnan mo ang ilalim ng mesa nyo.  Suwerte ka na kung imbes na yon eh, bubble gum ang makita mo.

Note: para hindi masakit, hindi mo dapat inaalam ang hindi mo dapat malaman

Why I avoid watching local channels?

Kung pamukhaang TV lang naman ang pag-uusapan, hindi patatalo ang batang si Hoshi dati. Puwede niyang sabihin sa iyo ang programs ng Dos at Siyete from 5am to 12 Midnight. Pero paunti-unti haggang totally wala na siyang paki que mapanood niya o hindi ang mga dati niyang pinapanood.  Bakit nga ba?

  • Commercialism –  para sa isang 30-minute program dapat ay may at least 10-15 minutes na allotted time  para sa mga commercial gap. Pero ngayon gaano kahaba ang hinihintay na gap para sa kakapiranggot na airtime ng isang programa. bumaliktad na halos.   Number one na biktima d’yan ay mga drama series, especially ‘yong mga foreign.

Oh sige ibukod na natin ang advertising dahil ‘yan ang lifeblood ng bawat programa at TV channels. Ang nakakadismaya talaga ay ang content ng  shows. Kahit hindi ko masyado trip ang mga bida, basta maganda ang istorya at presentation panonorin ko. Eh ngayon basta may magawang show na pumpatok gayahan na lang ng gayahan. May mga istorya/program na hindi na alam ang patutunguhan. at sorry to tell pero hindi ako fan ng adaptation ng mga foreign shows. Mag-i-stick na lang ako doon sa original.

  • Management and Loyalty – aminin na natin na may kasiraan ang kompanya at talent kapag naglilipatan. Ako kapag nasanay akong makita ang artista sa ganitong network at nagsasabi siya ng pawang magagandang bagay dito then sinisiraan ang kabila. Matatandaan ko s’yang ganoon. Pero ano, karamihan ay lumilipat din.

I don’t blame ‘yong mga lumilipat after all ang artista ay hindi lamang nabubuhay sa kasikatan kundi sa talent fee.  Pero may iba dyan after lang talaga sa MAS malaking talent fee at pagre-reynahan o paghari-harian. Hindi rin masisisi na ang ibang sikat dati ay malaos o mahanapan ng butas dahil sa kanilang attitude problem sa personal.

Para naman sa mga network, ang nakakairita lang ay discover ng discover ng bagong pasisikatin na halos wala namang mga talent. Okay fine kailangan bigyan ng chance ang mga bago. Talaga namang maraming Pinoy na talentado, ang nakakalungkot lang ay madali nilang binibitiwan ang mga taong nag-aakyat sa kanila ng pera at nagseserbsyo naman ng tama.

  • Ratings – I think dito talaga ako unti-unting nawalan ng gana. Sige kayo na ang tunay na number one  pero puwede ba huwag naman ipagduldulan kada commercial break yan. Hindi nanood ang tao para malaman kung sino ang mas magaling kundi sino ang maghahatid sa kanila ng maganda, mapagkakatiwalaang at magpapasayang programa.
  • Erratic schedule – Para sa manonood na gaya ko, wish ko na mapanood ang programa ko sa araw na libre ako. Nakakabanas ‘pag nilipat pero dapat ko pa itong ipagpasalamat  na naabisuhan ako kasi may isang channel na kung makapaglipat-lipat ng programa ay ganun-ganon lang. Walang abi-abiso at biglang titigbakin sa ere. Clue anime tuwing Sabado ang pinapanood ko. at yung anime na iyon ay una kong napanood noong nag-aaral pa ako. Nakapagtrabaho na ako lahat-lahat ay hindi ko pa natapos. Ay naku wala na akong balak abangan pa sa TV yan. Gusto ko ng tapusin ang paghihirap ko, marami ng way ngayon.

And take note wala ng oras-oras ngayon, ang usapan na ay “pagkatapos ng tienes –tienes na programa. Eh madalas yang mga tienes na yan ay nag-e-extend pa ng oras.

  • Nonsense issue – Patulan ba ang hindi dapat patulan? Magpalaki ba ng issue wala namang value sa mga manonood? Utang na loob pati, yang personal hindi ba dapat nasa loob lang ng bahay ninyo. At ang nakalipas ay nakalipas na. Huwag n’yong kulayan ang terminong  public figure.

Nanonood pa rin ako once na while (lalo na sa Net25 At TV5), apparently may time pala ako na walang magawa. Mas gusto ko ang buhay na hindi laging nakatutok sa TV. Ang dami-daming puwede, makabuluhan at nakaka-inspire na gawain.

Naniniwala rin ako na hindi maganda ang mag-stick o  ang magpa-label ka as Kapamilya, Kapuso, Kabarkada o Kapatid. Ang mga ‘yan ay para sa kanilang management at talents dapat at hindi sa ating mga viewers. Doon tayo sa show na pahahalagahan ang oras na inuukol natin sa kanila at magbibigay sa atin ng dekalidad na program content.

Bow!

hindi dahil common may sense na

One time, may isang news from yahoo na na-curious akong tingnan. Iyon ay tungkol sa limang klaseng tao na dapat iwasan. Isa na roon ay ang mga taong manipulative.  Gusto ko silang tukuyin kasama na ang mga taong masyadong casual sa lahat ng bagay.

Lagi natin pinaniniwalaan na mahalaga ang magkaroon ng kalayaan gaya ng freedom to express and freedom of the press. Ang kalayaan ay mahalagang yaman na hindi ko ipagpapalit gaya na lamang ng pagkakaroon ng privacy. Pero aminin natin na may tendency tayong abusuhin ito. Gusto natin na ipakilala ang ating sarili, iyong nga lang sa paraang hindi nababatay sa pamantayan ng iba.

Kahit may punto ito pero mayroon pa ring sablay. Paano kung ipinapakilala mo ang sarili mo na masama ka, wala kang pakisama o kaya’y okay lang ang manakit ng ibang tao? Well mahirap naman talagang maging mabuting indibidwal. Isa na ako sa puwedeng paulanan ng cornick kapag sinabi kong ang bait-bait kong girl. Ang mahirap ay ‘yong paniwalain mo ang sarili mo na tama ang masamang ginagawa mo at lalung –lalo na impluwensyahan mo ang ibang tao.

Ito ay gaya ng pagnanakaw sa kaban ng bayan. Since halos lahat naman ay kawatan okay na itong gawin? kung lahat naman ng nasa lugar nyo ay addict, join the club ka na rin? Eh nasaan ang kalayaan doon kung ang sarili mo ay pinasok mo na sa kahon ng iba.  hindi ba’t mas maganda ng tawaging maprinsipyo at sarado ang utak, kung ito naman ay sarili mong paniniwala?

Ang masakit din sa iba, sinira na nila ang kanilang sarili dinadamay pa ang iba. Inggit? Puwede! Damayan? Malamang! Crab Mentality? Mismo! Bakit may taong kapag nakakilala ng mukhang mabait, tingin nila dito ay plastic? Bakit di nila hayaang maging mabait ang mabait o kahit pa sabihin nating nag-e-effort na bumait.

Mayroon pang ilan na dahil common na ang kasalanan ay casual na itong uulit-ulitin at ipamumukha ito sa kaniyang, guess what, love one na intindihin na lang siya. Kung hindi na nila iginalang bilang kabiyak o kasintahan, sana ay nirespeto man lang nila ang mga ito bilang tao. Example…

Namomobroblema yong tiyahin ng friend ko sa friend nya (analyze mo na lang) dahil hindi maiwan yung bf niya na may asawa na.  Nagplano naman na yung girl na makipaghiwalay kaso matulis si bf. Napaniwala ni boylet na kaya naman niya pagsabayin  silang dalawa first dyowa niya. Sa gitna ng panty at bra na ibebenta ng tiyahin ng friend ko (sales lady sa mall), nasabi ko na lang na…okay pa yan kasi hndi pa yon buntis. Eh paano kung nanganak pa yung kasalanan nila. Nasira na niya yong family noong isa, pati buhay niya at magiging anak nila. Eh dalagang-dalaga daw yung friend ng tiyahin ng friend ko e, pero sana ay madala na.

Natuwa naman ang yong tiyahin ng friend ko sa sinabi ko, inalok pa nga ako ng products niya e, sabi ko “iba po bibilhin ko, black socks!

Retired Major killer Tibor

Napadpad ang tsekot ni Romeo sa malayong kakahuyan kung saan may nakatayong bahay na bato. Dito nakatira si Mang Tibor, isang retiradong killer. Pinatuloy siya nito sa kanyang tahanan.

“So, dati po pala kayong killer?” tanong ni Romeo na kunwari ay hindi takot pero nagpapawis na ang kilikili. “Hindi po halata sa itsura ninyo.”

“Matagal naman na ‘yon at ayoko na gawin,” malumanay na sambit ni Mang Tibor sabay hithit sa sigarilyo niyang Champion. “Pero noong kabataan ko, kahit sino ipatumba sa akin kawawa. Katunayan n’yan ay forte ko ay mamugot ng ulo.”

“Tttalaga po?” garalgal na tugon ni Romeo na ikinakalma ang sarili. Nakisindi pa kunwari ng sigarilyo niyang Hope. Nang makahithit pa ay nag-isip siya ng maitatanong.

“Ano naman ang nagpatigil sa inyong gawain?”

“Noong dumating ang puntong parang wala nang saysay sa akin ang pera. Sa totoo lang Romeo, itong tirahan ko ngayon, baka CR ko lang dati,” saad pa ni Mang Tibor sabay pausok ng kanyang sigarilyo na tila mabilis na nauupos  “Pero wala, wala naman akong misis o anak. Saka kung iisipin, pwede kong palitan ‘yong mga slogan d’yan sa mga jeep na “Katas ng Saudi,” ang sa akin naman ay “Katas ng Dugo,” tatawa-tawa pa nitong pahayag.

“Ay oo nga po,” ngingising-ngising sabi ni Romeo. “buti hindi po kayo minumulto ng mga pinatay  ninyo?

“Siguro, pero ang multo kasi sa akin ‘yong konsenya ko. Mas mahirap takasan at mas nakakatakot. Ba, ilang taon din akong binabangungot na sukat na gusto ko na lang magpakamatay para matapos na,” saad pa ni Mang Tibor at nilagay sa ashtray ang upos nyang Champion.

Sa paglinga-linga ni Romeo sa bahay ni Tibor napansin niyang, malaki siguro ang pinagbago ng pamumuhay nito. Payak ang mga kagamitan nito sa bahay. Napanatag ang kanyang loob na ang kaharap niya ay hindi nakakasindak na hitman kundi kaawa-awang tao dahil binabagabag ng konsensya.

“Magkano po ang singil ninyo sa mga taong nagpapapatay sa inyo? Tanong ni Romeo na nilagay na rin sa ashtray ang kanyang Hope.

“Depende pero usually per head,” saad ni Mang Tibor na inalok naman ang kabubukas pa lang na isa niyang kahang More kay Romeo. Tinanggap ng binata ang sigarilyo at siya naman ang nag-alok na sindihan ang sigarilyo ni Mang Tibor ng kanyang lighter. “Ito na lang meron ako, wala na ‘yong fortune este Champion e.”

“Pero may pinatay na ako ng walang bayad. For personal reason lang kung baga,” alok na kuwento ni Mang Tibor. “Kapit-bahay ko dati na lagi kong kainuman.”

“Bat n’yo naman pinatay?” na- curious si Romeo.

“Masyado kasing matanong, kaya itinumba ko. Ayoko ko kasi ‘yong masyadong matanong, naririndi ako,” saad ni Mang Tibor na humithit pa rin ng sigarilyo habang nagkukuwento.

Bigla ay natakot si Romeo, kanina pa nga naman siya tanong ng tanong. Nang mapansin niyang nagtatagal siya ng husto ay nagpaalam na siya.

“Sige po Mang Tibor, aalis na po ako. Kailangan ko na ring makabalik kaagad sa Maynila baka ma-traffic ako,” ani Romeo na kung pwedeng kumaripas ng takbo ay gagawin na.

“Ikaw naman, masyado pang malalim ang gabi para umalis. Bat hindi ka na lang dito matulog?”

“Hindi na po siguro. Ang totoo n’yan ay nagmamadali talaga ako. Ehehehe, napatagal lang ako kasi napasarap ang usapan natin,” kakamot-kamot pa ng ulo na palusot ni Romeo.

“DUMITO KA, DUMITO KA!” bulyaw ni Mang Tibor na ikinatakot ni Romeo. “ANG HULING TUMANGGI SA AKIN NI HINDI NA PINAGLAMAYAN, IDINIRETSO NA SA HUKAY.”

…At muli may isa namang ulo…. ang natagpas ng palakol ni Mang Tibor.

(After one year…)

“Isang lalake, natagpuang patay sa isang abandonadong bahay sa kakakahuyan ng Bungkay Province,” saad sa isang News program. “Ang Lalake ay hinihinilang namatay sa bangungot.”

Hindi na hinintay ni Romeo na matapos ang balita at isinara na niya ang TV. Kahit hindi pa sabihin ang pangalan ni Mang Tibor ay alam niyang ito ang natagpuang bangkay na mahigit isang linggo nang walang buhay.

“Mabuti naman at nakapagpahinga na siya,” maluha-luha pang anas ni Romeo na nakaratay sa hospital dahil sa sakit na Lung Cancer. Naalala pa niya nang iligtas siya nito mula sa isang ulupong na pumasok bahay nito noong gabing ‘yon. Marahil kung hindi dahil dito, wala rin siya sa hospital ngayon. tigok na siya kaagad. 

Magnanakaw – magnanakaw!

Madalas ako ang nauunang magising sa amin ‘pag WEEKDAYS pero nung Martes (ata) lahat ng tao sa amin gising na. Then nakita ko yung hipag ko sa bakante naming kuwarto na nakahiga at tulala sa kawalan.

Na-holdap/ nanakawan pala siya sa bahay nila nung madaling araw na yun. Natutulog daw silang mag-iina ( nasa abroad kuya ko) nang may kumatok sa maliit na bintana sa kanyang ulunan. Nung tumingala siya nakatutok na raw ang isang lumang revolver sa kanya. Pagkatapos, pinakuha sa kanya yung pink niyang wallet. Sabi ng hipag ko, dalawa pa nga raw ang wallet niya- isang pamekeng leather at yung pink wallet niya. Siguro daw tiniktikan nung bumili siya ng bigas.

Nasabi ko na lang na “buti sa luma ng revolver hindi ka nalaglagan ng kalawang, putik o agiw”. Hehehe! Ikako sa bagay mahirap din ipagsapalaran yung buhay nila sa lumang revolver na yun (natamaan ka na ng bala, matetetano ka pa – double dead yun). In the end, lumipat na lang sila ng bahay. Ang moral lesson dun ay magsara ng ilaw pag matutulog na at laging siguruhing nakakandado ang mga bintana at pintuan.

Ako man ay naka-experience na ng akyat-bahay. Ganito ‘yun… tinining-tining) …

Umuwi ng province ‘yong kuya at nanay ko. So ako lang, yung ate ko at anak niya at isa ko pang kuya na lasing that time ang nasa bahay. Nagpupuyat ako noon sa pagko-computer, maya-maya (around 3 or 4 am) tumahol yung aso namin. Paulit-ulit kaya naman sa pika ko, sinita ko (“hey you white doggy, shut up or I’ll kick your ass!). Ang napansin ko lang ay naka-focus yong aso sa harap ng bahay ng kapit-bahay namin.

Pagpasok ko, tuloy pa rin yung aso sa kakatahol pero nag-tone down na siya. After noon hindi na ako mapakali, punta ako sa kuwarto ko o sa kuwarto ng ate ko, tuloy sa pagko-computer, at punta ako sa CR namin na kung mamalasin ay nasira yung gripo.

Pinilit kong magawa yung gripo at nagawa ko naman gamit ang aking magic plies. Then punta ulit ako sa kuwarto na ewan naman kung bakit naiwan kong nakabukas yung ilaw dun. Tas may kinuha ako sa wallet ko na nilapag ko sa mesa ko na malapit sa bintana. (Eh that time sira yung lock ng bintana ko.)

Nung bumalik ako sa harap ng computer (around 5am), narinig ko maya-maya na may sumigaw. Pagtingin ko sa bintana, nakita ko yung kapit-bahay namin, hinabahabol yung naka-all black na magnanakaw at natalon nun yung gate namin na parang si spiderman.

Sa huli napag-alaman namin na napasok nung magnanakaw yung bahay nung kapit-bahay namin at nakuha ang kanilang cp. Tinanggal isa-isa yung salamin sa kanilang bintana nang hindi nila nalalaman kahit 2 pa naman silang lalaki (sila lang naman yung kainuman ng lasing kung kuya).

Nalaman lang namin na nakawan din yung ate ko nung makita ang kitchain niya sa bag na naiwan ng magnanakaw (nandoon din yung patalim n’ya). Sinungkit yung bag niya at saka kinuha yung wallet niya doon. Biro nga namin ay buti hindi nasungkit pati yung puwit niya nang sungkitin ng magnanakaw yung bag niya na inilagay niya sa likuran niya.

Alam n’yo maraming “mabuti na lang” ako sa araw na yun.

1. buti nagpuyat ako kasi kung hindi baka na-ransack na yung bahay namin. Pwede niyang pasukin yun through sa kuwarto ko kung tutulog-tulog ako.

2. buti hindi ako nilusob nung magnanakaw at saksakin ng patalim niya nung sitahin ko yung aso namin.

3. buti nasira yung gripo kasi at least siguro naalarma yung magnanakaw at ikot ako ng ikot. (magnanakaw: naku may magic plies ‘tong babaeng ito!?

4. at kahit naiwan ko yung wallet ko sa bintana na binuksan niya. P200 lang ang nakuha niya roon kasi buti ulit, hindi ko pa pinapapalitan yung tseke ko doon. (eh $1 million laman nun… tienes! lang).

Mula noon sobrang ingat na ako. Kahit antok na antok ako, tatayo ako para siguraduhin ko na nakasara na ang mga pintuan at bintana. Saka isa pang tip, maging alerto kayo sa mga pinapapasok ninyo sa bahay ninyo, lalo na doon sa hindi ninyo kilala. Kasi doon nadali yung kapit-bahay namin at mag-alaga ng aso hehehe