So you’re singer-songwriter? Join The 3rd Elements Music Camp!

So you’re singer-songwriter? Join The 3rd Elements Music Camp!.

Sali na sa 3rd Elements National Singing-Songwriting Camp!

I always in believe in Filipino talents especially in music, que pagkanta, pagkatha (composing) o performing pa ‘yan. Kaltasan mo na ang ibang aspeto pero pagdating dito, ilalaban ko  talaga ito ng biritan! Pero totoo rin na kahit may mga talento ang karamihan sa’tin ay bakit hindi sila nakikilala o hindi handang magpakilala. Takot? Shy type? Wala raw kita sa music?  May mas importanteng ginagawa? Tumaas na ang pasahe…sa FX?

Common na ang pamatay na linyang “mahirap kasi eh.” Mahirap sa buhay, mahirap gumawa ng bagay at oo mahirap makipagsabayan. Sa bagay, kung alam mong medyo dehado ka especially sa technicality and exposure, talagang  nakakaurong ng dila.  Pero may iba naman na lawit na ang dila ay wala pa ring nangyayari.

Kaya natutuwa ako sa development at iba’t ibang activities para matulungan ang maiangat pa ang musikang Pinoy o OPM (Original Pilipino Music). Mismong  ang mga taga-industry na eksperto sa sining at sistema ang mismong nagre-reach out para makatulong sa mga aspring singers or songwriters.

Alam mo na ba ang  7101 Music Nation’s 3rd ELEMENTS SINGINGSONGWRITING CAMP na idinadaos sa Dumaguete City, Negros Oriental? Isa itong libreng limang araw na workshop para sa mga gustong mahasa, matuto at higit sa lahat manalaytay ang musika sa kanila- to the bones!  Kung hindi ba naman dumanak ang musika sa kaibuturan ng iyong pagkatao, kung ito ang mga mapag-aaralan mo:

  • An Overview of Contemporary Philippine Music History,
  • The Voice: The Science Behind Vocal Production,
  • Basic Music Creation & Melody Writing,
  • The Story in Your Head: Lyric Writing, Arranging Session,
  • What is a Team? What is a Collaboration?,
  • Band Talk, Group Presentations with Panel Critique,
  • Music Publishing,
  • Using the Social Network to Market Your Music,
  • The Music Producer: Making a Demo,
  • Getting Started in the Music Business, Stage Performance,
  • the Responsibilities of a Singer-Songwriter.

And take note ang mentors lang naman ay sila Maestro Ryan Cayabyab (Mr. C), Aiza Seguerra, Raimund Marasigan, Ebe Dancel,  Noel Cabangon, Jim Paredes, Gabby Alipe of Urbandub, Gloc-9, Mike Villegas, Gary Granada, Aia de Leon of Imago, Jay Durias, Christina LunaDebbie GaiteAudie Gemora, Gary Valenciano at marami pang iba.

Ika nga ni Ebe sa media conference for Elements, naiiba ang experience na makukuha sa camp. Oo nga naman bibihira ‘yong pagkakataon na makasama at makausap (na nakatsinelas pa ha) ‘yong mga gaya nila Gary Valenciano, Joey Ayala o kung sino-sino pa.  Masasagap mo ‘yong mga lessons and positive energy nila.  Imagine the best singers-songwriters in the country ang iyong magiging ka-rubbing elbows, astig!

Sabi naman ni Mr. C, sa dalawang naunang camp nila ang dami nilang nadi-discover sa mga campers. Ang initial plan ay magkaroon ng camp for singers then para sa mga songwriters. Pero dahil may iba naman na songwriters na marunong pa lang kumanta at may iba naman singers na kaya naman palang magsulat ng kanta kaya pinag-isa na nila. Sari-sari talaga ang galing mga Pinoy na nai-imagine niyang in five years siguro ay halos lahat ng performing artist iki-cater ng kanilang camp.

Sali na  sa camp, isa lang ang magiging pass mo sa libreng masayang experience na ito ang mag-audition na magsisimula mula July 1 to August 31, 2012.  60 aspirants ang tatanggapin  para sa camp na  idadaos sa November 18-22, 2012. Para sa iba pang detalye ng pag-audition please visit http:// elementsmusiccamp.com.ph. 

Huwag Mo Sanang Isipin

Dahil nalalapit na ang Holy Week ay nag-Visita Iglesia kami. Sa ganda ng mga lugar o simbahan na aming napuntahan, hindi ko rin mapigilan na magkukuha ng pictures.  Wala namang problema siempre kaso pag ipo-post na ito sa blog, parang ang hirap namang mamili para sa iisang post. Kung hindi ka tamarin ay mapapansin mo na lang masyado namang mabigat tingnan- kasi baka hindi hindi na lang  text heavy kundi picture heavy na rin .

Ang pagpo-post ng isang travel post ay isa ring mahaba-habang proseso lalo na kung ang habol mo ay saktong dating lang. Iyong maganda pa para sa iyong mambabasa at hindi rin naman nakukumprimiso ang iyong mga nais na isulat at ibigay na mensahe.

Dito na pumapasok ang kagustuhan ko na mag-slide show o gumamit na lamang ng moviemaker. Dito sa huli ay hindi lamang ako magpapakita ng aking mga kuha kundi puwede rin akong magdagdag ng audio o music.

Sa paggawa ko ng AVP (audio visual presentation) ay naisip ko na gumamit ng OPM (Original Pilipino Music) at kung puwede yung hindi gawang mainstream.  Siempre napunta ako sa pag-iisip ng Christian song. Naisip ko yung usual pero ang pinakagusto kong gamitin sa video ay Huwag Mo Sanang Isipin ni Ricky Sanchez.

Nag-text pa ako sa kuya ko  kung alam nya ang kantang ito dahil ang naalala ko na lang na linya rito ay “Sa Krus para Sa iyo.” Bata pa kasi nung napapakinggan ko ito lalo na noong dumadalo pa ako sa simbahan ng kuya ko.   Nung napakinggan ko ang kantang ito, kahit pakinggan pa lang yung mensahe ay mangiyak-ngiyak na ako.  Alam mo yung hindi ka relihiyosa, nasa ibang simbahan ka at malamang hindi mo naman masabing alam mo ang kanta o gusto mo ang boses ng kumakanta pero dahil sa lakas ng epekto ng isang kanta, nadadala talaga ang iyong damdamin. Tila bagang kinausap ako ng Panginoon tungkol sa aking pagiging loner.

Narito ang aking tinutukoy kong AVP para sa aming Visita Iglesia na ang detalye ay nasa Hoshilandia.com.

Ito naman ang kumpletong pagkakaawit ng Huwag Mo Sanang Isipin ni Ricky Sanchez