Si Miriam Santiago ang iboboto mo?

Hoshi: Kung wala bang sakit si Miriam Santiago, hindi nag -U.S. si Grace Poe, hindi konektado si Mar Roxas kay PNoy, walang isyu si Mayor Duterte, at walang alleged corruption si Vice President Binay, Sino ang iboboto mo?

Hitokiri: Lahat naman may kanya-kanya galing at kasiraan. Pero ang opinion ko sa isang Presidente ay dapat flexible. Impossible na magaling s’ya sa lahat ng aspeto, pero siempre we should expect na hindi corrupt, marunong sa batas, magaling sa eknomiya/ foreign relations, at sa kahit anong isyu na ipukol sa kanya.  Magagaling naman halos lahat pero iba sa lahat si Miriam Santiago.

Hoshi: Kung isasama natin ang mga isyu na, iboboto mo pa rin Miriam?

Hitokiri: Oo, ano  ba ang edge ni Miriam? Talino di ba?! Sa isang lider, dapat marunong sa taktika, batas, at negosasyon. Hindi ka naman literally na bababa sa giyera at nasa maraming event, pero kailangan marunong kang pumili ng tao na magiging kamay mo lalo na sa mga crucial moments. At mag-decide kung anong magandang hakbang. Hindi ko na iiisa-isahahin ang accomplishments and track records ni Sen. Miriam na baka s’ya lang ang meron sa lahat ng tumakbong senador at pulitiko sa bansa.

Hoshi: Aware ka naman sa iba pang isyu kay Miriam like wala syang isang salita?

facebook.com/senmiriam/
facebook.com/senmiriam/

Hitokiri:  May ilang pagkakataon na masasabi natin na parang walang paninindigan si Miriam like yung tatalon daw siya pag nakulong si Erap at sinabi n’yang I Lie. But then again, sinong matinong tao rin talaga ang maniniwala na tatalon ang isang senadora na may asawa’t anak sa eroplano. Maraming pagkakataon na naglipat-lipat s’ya ng panig (magandang basahin ang “8 instances why Miriam Defensor-Santiago is Unpredictable as Heck” by Kel Fabie ). Sa lahat ng pagkakataon na naglipat sya ng panig, ang magandang tingnan ay bakit nya ginagawa ang mga iyon at anong pagkakataon.  Halimbawa, bakit pinili niya si Bongbong Marcos bilang running mate kung noon panahon ng Martial Law ay komontra sya kay president Ferdinand Marcos na nag-appoint sa kanya bilang regional judge  at kumuha sa kanya bilang speechwriter.  May magandang explanation rito si David B. Yap II sa artikulo n’yang ‘Why Bongbong Marcos is good for Miriam Santiago?’

Ang episode ay nangyari ngayon lang sa loob ng isipan ni Hitokirihoshi Laurence.

Anong Klaseng Botante Ka ba?

???????????????????????????????I wish at least one month ang  campaign for barangay election para naman makapagpasabog ako ng maraming kuro  at impormasyon lalo na sa mga taga Brgy. Holy Spirit, Quezon City, kung saan ako nakatira since birth.  Pero sa abot ng makakaya ng 3 blog posts ko at lakas ng online campaign namin sa Digital Saklay  para kay Marcial Laristan (for Kagawad!) o kung tawagin namin ay Saklay ng Brgy. Holy Spirit ay kahit papaano ay may napukaw na damdamin at isipang nagkaroon ng mas malawak  na kamalayan.

Kung may mao-offend ako pasintabi na po, ito ay opinyon ko bilang botante, mamamayan, at blogger.  Ang tanong ko lang bakit ka ba bumoboto at anong klaseng botante ka ba? Marami na kasing uri ng botante, nag-e-evolve ika nga. Pero naniniwala ako sa sinabi  sa amin ni  Sir Naanep noong High School. Maraming botante ang premature. Take note, hindi immature na kailangan lang ng incubator.

Maling akala at maling paniniwala

Naitanong na kaya ng marami kung ano ba tala ga ang eksaktong trabaho ng isang  councilor, Brgy. Captain, Senator, mayor at anu-ano pa?  Ang siste po kasi ay isa lang halos ang tingin ng ilang mamamayan sa mga pulitiko. Iyong mga taong tutulong sa kanilang hihilingin lalo na kapag may kinalaman sa pera. Can I give an exact word? Solicitation! Pero sa bagay para san nga ba ang Pork Barrel.

Bagaman may budget ang bawat sangay ng pamahalaan na puwede nilang ipangtulong sa mamamayan.  I don’t think may eksaktong budget para pambili ng uniform sa liga, bigas sa pang-araw araw at regalo sa binyag, kasal, at libing.  Ang tingin ko  na dapat na binubuhusan ng budget ay mga programang  tutulong sa kabutihan ng nakakarami. Gaya ng paggawa ng kooperatiba,  pagkakaroon ng training, pagpapagawa ng waste management , pagtulong sa mga nasalanta, at iba pa.

Ang taong umaasa parati sa ambon, nilalagnat lang este ang taong umaaasa sa hingi, nagkakapera pero  walang tunay na asenso.

Traba-trabaho rin sa lahat ng time. ngingiti ang bulsa mo, aakyat ang iyong estado at baka mabawasan sang galit mo sa mundo.

Politician vs Public Servant

Ang isang nakakalimutan na dapat ay hindi ng mga mamamayan ay tungkulin ng mga pulitiko, ang maglingkod.  Hindi sila sinasamba because they like human too- Nagpa-plato ‘pag kumakain, nag-iinidoro ‘pag yumo-you know.

kapag ang reklamo ay ilaw, hustisya, basura, at ingay na nakakaapekto sa kapakanan ng inyong lugar. Pag sinagot ka n’ya, hindi mo ito utang na loob.  Hindi lamang sa (baka) binoto mo sya, kundi dahil yung pera na sinusweldo nya ay galing sa buwis mo (kung nagbubuwis ka). kaya nga naniniwala ako, ang isang dapat na nagwewelga ay mga obrero, nag–o-opisina, namamasukan, nagpapabrika, OFWs, etcetera because sa bawat paglabas nila sa bahay may tax

(say it to the tune of Tolits’ commercial)

 Pagsakay ng trike – tax sa gas/ pasahe

pagsakat ng bus/jeep -tax ulit

pagkain sa food chain – tax ulit

pag-sweldo mas malaking tax ulit

tax, tax, tax puro na lang tax

(pero ni makapag-taxi hindi, kasi may tax ulit)

http://www.youtube.com/watch?v=fSpAOA0nwjc

One time big time

May favorite line ngayon na super gasgas na- hindi major-major? Bago pa yan e.  “Pera-Pera Lang ‘yan”

Yan ang tingin ng mga pulitiko and in fact, ilang botante.  Isang malaking sweldo ngayong eleksyon for vote na equal  sa 3- hanggang 6 taon. Frustrated ako sa mga ganito, bukod dun sa walang ganang bomoto.  sila rin kasi yung maka-reklamo, wagas!

Citizen 1:  Hindi na ako pinapansin n’yan mula noong matapos ang eleksyon

Hoshi: sa eleksyon ka rin lang kasi active.

Citizen 2:  Sana nanalo si Mang Kepweng.

Hoshi: bomoto ka ba teh?

Citizen 3: Wala naman ginagawa yan mga pulitiko na yan eh (natumba). aray natalisod ako!

Hoshi: sa bakong daan dumaan?  Sa tuwid daw dapat.

Citizen 4:  Binoto ko yan e, nagka-1000 ako.

Hoshi: san napunta ang P1000

Citizen 4:  Pinang-inom namin

Hoshi: San napunta ang ininom nyo?

Citizen 4:  San Pa? Sus

Hoshi (nabingi ang peg): San ka rin!? Duh!

Tuldok lang ba ang sweldo mo, puwes ang tuldok mo maraming posible. Vote Wisely! voter

Saklay sa Brgy. Holy Spirit

Ako ang sumulat ng battle cry ni Marcial Laristan ng “Kapansanan ay Di Hadlang sa Taong May Kakayahan.” Bakit ko naisip ‘yon? Bukod sa sadyang may kapansanan si Marcial (polio), naniniwala ako sa kanyang intensyon, paninindigan at malasakit sa kanyang Baranggay, ang Barangay Holy Spirit, Quezon City. Alam ko rin na ang kanyang pagiging pilay ang gagawing katawa-tawang rason para s’ya’y siraan at maliitin.  Para bagang s’ya ang Saklay kontra sa mga nangangarerang de-gulong.

Never Say Die- iSaklay

Kung matagal ka ng nagbabasa ng blog na ito, isa sa iniiwasan kong paksa ay politics. Magulong usapan, mahabang diskusyunan ang mapapala lamang sa topic na ito.  Kahit nga gusto ko man ipagsigawan na ako ay makabayan, uunahin ko ba ang sumigaw sa daan kaysa sayaran ng masarap na hapunan ang aking kumakalam na t’yan?  Maiaahon ba nito sa kahirapan ang pamilya ko? Eh kasaysayan ng pamilya ko, Nanay at mga kapatid ko lang ang alam kong nagsikap para makausad ang aming pamilya- walang halong pulitika.

Pero sad to say, may  kabaliktaran at mas malala pa palang prinsipyo sa makasarili kong paniniwala ang ilang voters. Noong 2010 ay pinili kong samahan si Marcial sa kanyang campaign.  Isa iyong nakakapagod na paraan para ilapit sa mga mamamayan, ang taong totoong pinaniniwalaan mo na karapat-dapat nilang ihalal. Sa totoo lang po, mas mahirap pa ito kaysa mag-online selling o sumali sa isang gasgas ng networking. Bakit nga ba ang daming tao na kay daling mahalina sa bagay na picture lang ang promise pero yung mismong produkto mo na nilalapit na, sobrang pinag-iisipan pa.

Na-frustrate? Oo! May isang lugar sa Brgy. Holy Spirit na una kong dinadaan-danan noong 1996. Dahil may kakilala ako roon, binalikan ko sila at inilapit si Marcial. Maayos naman ang pakikiharap nila sa amin pero ‘di sing-ayos nung pagtalikod namin. Si mother, hayun nakita kong nakasuot ng ID ng isang pulitiko at ganadong-ganado sa kanyang ginagawang pagbabantay sa presinto. To cut it short, ganun pa rin ang itsura ng kanilang lugar at maging ng kanilang tahanan.

Sabi nila ang buhay ay parang gulong, minsan nasa itaas at minsan ay nasa ilalim”

Tama! pero may idudugtong ako…sana maging gulong ka na umaabante at hindi nakasandal sa pader o pagewang-gewang pabalik. Kung iyon at iyon lang ang gagawin mo, yun at yun lang din ang mapapala mo.  Tingnan mo ang gulong na pinapatakbo ng kamay, patpat o kahit saklay pa ang gamit t’yak gugulong ‘pa rin ng pausad.

voterValues Formation Drive 

Kapag ang bata nagbiro sa may kapansanan, puwedeng unawain pero dapat pagsabihan. Pero ang  matanda nagbiro o nanlait sa isang may kapansanan, kahit ano pa ang antas ng kanyang pinag-aaralan- that says something about his/ her bad personality.

Hindi ginusto o  kasalanan na mga bulag,pipi, bingi, pilay, o baliw na maging ganun sila. Kung hindi natin makuhang mahabag (it’s a choice of heart), sana makuha natin silang irespeto (it’s a choice of mind).  Si Marcial pilay pero nagsisikap na mangalap ng ipanreregalo sa mga bata tuwing Pasko. Read this story

Nagtayo ng maliit na negosyo, aktibong lider ng mga kabataan at iba’t ibang organisasyon. Well, hindi naman s’ya santo na walang nagawang kamalian at nakakainis na pag-uugali. Pero sa bawat yabag ng kanyang saklay, may bago o lumang goma man, isa syang “walking example” na ang tao kahit may natural at habang buhay na pasakit kapag ginusto niya may magagawa s’ya.

ang saklay ay tungkod ng mga hirap sa paglakad  at pag-usad pero kung ang mismong tao ay walang ganang gamitin ito, wala rin itong silbi sa buhay.

Edukasyon sagot sa…Maling Akala (sundan sa susunod na post)