the significant of prof’s radio transistor

Higit kailanman, ngayon ko na siguro na-realize kung gaano kaimportante ang idinidikdik sa kokote namin ng aming professor noon. Ito ang kahalagahan ng pakikinig sa aming mga  radio transistor o portable radio na may a.m chienez.  Paanong hindi eh aminado ako na hindi ako updated ngayon sa mga ulat na bumubulatlat sa ating bansa gayong alam na alam kong may global financial crisis. Dahil walang time manood ng TV at sawa na ako magbasa ng news sa net so maigi na nga ang radyo na lang.

Nakahiligan ko na rin makinig before sa radio dahil ‘di ba kung gusto mo talaga ng mga nagbabagang balita eh magradyo ka na. And kung infotainment naman ang hanap mo eh hindi rin naman nagpapatalo ang medium na ito, medyo nasapawan lang talaga ng TV, Film and Internet.

Nawala lang talaga ang interes ko sa A.M radio dahil sa iritasyon. Paanong hindi? Bangag ka na sa umagang pagmamadali at pakikipagpambuno sa daan tas makikinig ka pa ba ng isang news anchor/ commentator na kung hindi nagmumura, ay sigaw pa ng sigaw? At eto pa, eto pa…minsan may ilan diyan na hindi mo malaman kung nagbabalita pa ba siya o nag-iendorso na ng isang product. Kesa naman budburan ko pa ng negative ideas ang aking morning at magpasigaw sa mga yan, tutulog na lang ako sa biyahe. Mababawi ko pa kahit papaano yong puyat at ipupuyat ko.

Okay back to my main point, hindi pa ako naniniwala kay Mang Juling nang sabihin niya sa akin na magsasara na raw ‘yong Intel. Eh kung sa patatagan siguro, talagang malayong mangyaring titiklop ito. Sabi ko sa kanya baka naman ibang US company yong sinasabi niya at mali lang ang pagkakaintindi niya sa name nung company. Tapos kahapon nung sinamahan ko naman siya, parehong nagrereklamo sa kanya ‘yong mga friends niya na nagtatrabaho sa isang government office.  Partida mga lalake yon ha, nagtatanong kong saan makakabili ng LPG.  Ang akala ko naman doon ay naghahanap lang sila ng mura o ‘yong nagtatanong sila ng alternatibong pamalit sa kanilang nakagawian.

Sa aking pakikinig kanina sa FX (at  ipinagmamalaki kong naka-tune in talaga si manong driver, na may malaking mole sa ilong, sa “Tambalang Failon at Sanchez” ng DZMM), aking napag-alaman na talagang Intel nga ang tinutukoy ni Manang Juling.  Grabe, more than 2-4 k na manggagawa ang mawawalan ng trabaho sa bansa at pwera pa diyan yong sa ibang country ha bunsod ng kanilang napipintong pagsasara (ewan ko kung mismong company ito ha o sa ilang bansa lang).

Tama rin sina Ted at Koring na siempre maaapetukhan din diyan ang ibang small time players na naka-connect sa kanila gaya ng mga suppliers. Tas according nga sa dalawa, dagok iyon sa ating imahe at ekonomiya dahil isa sa maipagmamalaki ng Pinas ay ang pagkakaroon nga planta ng nasabing big company sa ating beloved land. Hayyyy!!!!

Heto pa, heto Mare at Pare, sa pag-uusap nina Ted at ni LPGMA Pres. Arnel Tee mukhang magkakaproblema tayo sa demand at presyuhan ng gasul ha…  may ilang linggo rin yan. Naku mga iho at iha, kung di kayo sana’y  na mag-uling gaya namin ni Manang Juling ay magkumahog na kayo bumili ng gas lalo na kung paubos na yang sa inyo.

Wait mga Igan, yung subplot (subplot daw o)  sa istoryang ito ay ang papuri ko sa pagho-host nina Ted at Koring, madalas kapag nakakapakinig ako ng programa nila sa FX ay naaaliw talaga ako. Galing ng mga patamang joke at mga kadramahan nila. Hehehe.

Hope mahanap ko pa yung old transistor ko… tipid sa battery ‘yon e kahit jologs. Hahaha!