Confession: His name is Lex

After ng matagal kong pakikisama kay SM at panaka-nakang pakikipag-ulayaw kay SW, ay may bago na akong kinahuhumalingan.

At tila mas malakas ang tama ko kay Lex kasi every time na kaharap ko siya nakakalimutan ko ang oras. As in wala akong reklamo kapag napupuyat na ako sa kanya.

Alam ko namang dapat ay maging mature ako at dapat magkaroon ng priority sa mga bagay-bagay pero para siyang may batubalani, hindi ko mapigilan ang aking sarili na siya’y hanap-hanapin. Minsan isinasantabi ko na iyong panonood ko, iyong kailangan kong basahin, at iyong kailangan kong trabahuin.  Iba e ‘pag siya ang kasama ko, ang dami kong nadidiskubre at ang dami kong natutuhan.

Minsan natatakot na ako kasi ma-adventure si Lex, nai-intimidate ako sa lakas ng loob at talino niya. Hindi siya mayaman pero kaya niyang magkaroon ng ari-arian dahil sa diskarte niya.  At kakapalan ko na ang mukha ko na sabihin na magagawa niya iyon pag kami ang magkasama. Handa akong sumabay sa mga adventures niya at alam kong makakamit namin ang aming mithiin kapag kaming dalawa ang magka-partner. Oh da va!

Hay… basta I don’t care kung hanggang saan kami basta ang alam ko ay hindi ko siya bibitiwan kahit magalit pa si Manang Juling! Remember his name is Lex!

Note:

Gusto mo malaman kung sino  sina SM and SW?

umagang kay sarap

Ang hirap talagang gumising lalo na kapag malamig ang panahon.  ‘Yong kama ko parang may magnet at ayaw akong payagan na tumayo o umupo man lang. hahaha!  (Magkagayon man, ito  ang pinakagusto kong lagay ng panahon na hindi gaanong maulan at hindi mainit masyado.)

Pero dahil isa akong responsableng indibidwal (responsible daw o!) kailangan kong bumangon.  Ano nga ba ginagawa ko para matanggal ang antok ko? ‘Pag trip ko, stretching muna saka konting exercise. Padaluyin baga ang mga dugong bughaw sa aking katawan. Siempre dala-dala ko na parati ang aking cell phone para may background music naman. (Malabo na kumanta na lang ako kasi mas ginaganahan akong  mag-concert sa loob ng CR.)

Ngunit ang isang basong kape o kahit maligamgam na tubig ay pwede ng pampadilat konti sa aking namumungay na mga mata.

tuyo at itlog
simpleng umagahan - daing, pritong talong (with sawsawang suka) at noodles

Subalit, a-agree kaya kayo na iba ang umaga pag masarap ang kain ninyo?  Iyong kahit hindi mahal at magarbo ang agahan mo ay gaganahan ka. Noong bulinggit pa lang ako,  marami akong kinahiligan na umagahan.  Iyong tipong  kahit inaaraw-araw ko ang pagkain ay hindi ko pa rin pinagsasawaan.

Una na roon ay ang Taho.  Maraming nagtitinda ng taho sa amin pero may isa akong kilalang magtataho na sa kanto pa lang ay UMAALINGAWNGAW na ang kanyang boses. Hindi kaya dati siyang UMALAHOKAN sa past life niya?

Sunod naman doon ang hopiang monngo sa tindahan nina Baby Tsina.  Kahit minsan masungit si lola at ang mga apo niya sa pagtitinda sa akin, bili pa rin ako ng bili.  Minsan, naaasar din sila sa akin dahil pabaliik-balik ako sa pagbili ng tinging keso o coco jam nila. Pero pag tinanong nila kung kanino ako anak, may dagdag na iyong  hiwa at takal. Hehehe.

27-07-08_1916
Champorado and tinapa

Siempre hindi mawawala sa listahan ang all time favorite ko na Champorado.  Kahit kasing laki pa lang ata ng kit chain ang mga talampakan ko, ang layo na ng nararating ko makabili lang ng champorado.  Pero the best sa lahat ay yung luto ni Aling Guia.  Ang sarap-sarap lalo na kapag nilalagyan niya ng gatas (mas type ko pag powder).  Alam ba ninyo na astig yang si Aling Guia, nakapag-abroad na at nakapagpagawa pa ng apartment. (nakatulong yung palima-limang pisong mangkok ko. Hehehe)

Sa ngayon, ganado ako sa homemade peanut butter ni ate marivic. Pwede kong itapat  iyon sa isa ko pang favorite na peanut butter na gawa ng isang sikat panaderia ng pandesal. Dahil homemade, talagang gawa iyon sa peanut ‘di gaya ng ibang nabibili pa man din sa grocery na may halo. Hehehe.  Iyong presyo niya sulit  naman.

Pag trip nyong bumili, comment lang kayo sa akin. Para ma-try ninyo. Hehehe. Yong picture to follow.  Gusto ko lang tulungan iyang  si ate amrivic ko na umuwi ng Dubai dahil sa kailangan niyang magpa- therapy sa  likod.

Hay!  Isa pang tanong, ano ang mas gusto ninyo- sobra o kulang sa tulog? (wala makatanong lang.)

Ang Pinaka Paboritong movies ni Vilma Santos

Kung papipiliin ninyo ako rati kung sino between Vilma Santos at Nora Aunor ang type ko, mas gusto ko si Vilma.  Dahil kasi iyon sa show niya sa GMA 7 na talagang may bonggang-bonga production numbers siya palagi. Eh mas hilig ko ang mga sumasayaw kaysa kumakanta.  Feeling ko kasi,  marami na ang magaling na singers at singer-singeran pero ang magaling at graceful sumayaw, napakabihira niyan.  Sa ngayon, kahit  kanino na  ako. After naman ako sa kabuuan ng pelikula at acting at hindi sa artista.

Nitong nakaraang linggo nakapanood na naman ako ng “Ang Pinaka” and ang kagandahan pa nito  ang mga paboritong movie ni  Star For All Season- Vilma Santos ang tampok.

Vilma Santos old photosIto po ang mga iyon:

10: Alias Baby Tsina (1984)

9.  Dekada ’70 (2002)

8. Lipad Darna Lipad (1973)

7. Tagos ng Dugo (1987)

6. Anak (2000)

5. Bata Bata Paano Ka Ginawa? (1998)

4. Pahiram ng Isang Umaga (1989)

3. Burlesque Queen (1977)

2. Sister Stella L (1984)

1. Relasyon (1982)

Ang pinakapaborito ko naman dito ay ang “Bata-Bata Paano Ka Ginawa.” Astig itong pelikulang ito, kahit sino sa cast wala kang itatapon. Sa lahat pinakagusto kong eksena ay nung tinatanong ni Albert (Ding)  si Vilma (Lea)  kung anong magandang luto para sa itlog- prito ba o laga?  Eh aligaga si mother Vi sa pagpapatahan kay Maya (Serena Dalrymple na wow na wow ako sa performance) kaya ‘di sya makasagot. Sa bandang huli nagalit si Ding… alam nyo sagot ni Lea?

Lea: NANG putang ina gawin mong manok!

Siempre winning moment at classic talaga ang acting nina Carlo Aquino (Ojie) at Vilma sa scene na…

Lea: Wala akong ginagawang masama

Ojie: akala mo lang wala, pero meron-meron

(Sampal ate VI with matching panggigil ng nguso at panlilisik ng mata!)

(Pasampal ka Carlo habang umiiyak then hinga ng malalim!)

I like it grabee.  Naku kung natutukan lang talaga ng kung sino man yang si Carlo A. talo pa niyan sana sina Piolo P, Jericho R, John Lloyd C. sa mga stars ng 2.

Bukod sa mangilid-ngilid din ang luha ko, lalong-lalo na iyong itinulak ni Claudine si Vilma nang ipinapauwi siya nito sa bahay nila noong naglayas siya, memorable talaga sa akin ang “Anak.”  Iyan kasi iyong pelikula na pinanood namin ni Manang Juling sa sinehan na kinain ata ako ng silya.

Ito ang eksena, nakapwesto  sa  medyo gitnang part ng orchestra sina  Manang Juling at Hoshi. Ang nasa screen na ay ang confrontation scene ni Vilma at Claudine kung saan sinabi ni VIlma: “Sa bawat paghithit mo ng sigarilyo mo… kung ayaw mo  sa akin, ayaw ko rin sa ‘yo!”

Manang Juling:  Tingnan mo nga nagagawa ng ina. Kahit anong sama ng mga anak nandiyan pa rin (medyo humahagol-gol habang sinasabi).  Ang anak matitikis ang magulang pero ang magulang….

eh akala ng tao inaaway ko ata siya, nagbulungan tuloy. Tas may narinig ako Grabe naman yang babaeng ‘yan! Hayun kinain na ako ng silya ko. Hahaha!  Akala siguro nila si Claudine katabi nila. (joke)

Yung ibang pelikula sa chart ay ipinalabas ng wala pa ako sa mundo kaya hindi ko masyado na maarok. Ito ay maliban sa “Burlesque Queen” na super renta ako before.. Yung “Dekada ’70” di ko naman pinanood kasi di ko trip, wala siguro ako pera noon. Sa lahat naman ng laman ng survey  naku- curious ako sa “Tagos ng Dugo” mukhang maganda siya e.

Hay miss ko na makapanood ng mga lumang pelikulang Pinoy.

Sana ulitin yung kina Sharon at Nora, maging yung kay Dolphy kahit napanood ko na sa Ang Pinaka.

Mabahong Realidad (base sa mga tunay na pagtatae este pangYAYARI)

(part 5 of Pupu Series)
a. Amoy Paa

Katatapos lang na mag-punch ng magandang empleyadang si Dyesebel ng kanyang time card nang ma-feel niyang nauutot siya.  Luminga-linga siya sandali saka pinasabog ang kanyang ulalala!!!

Eh dumaan ang accounting Boy na si Mr. Chiz

Dyesebel: (tumingin kunwari sa bulletin board) bakit ba amoy paa rito?

Mr. Chiz:  Oo nga! Grabe naman!

b. Makati

Vin: tingnan mo nga rito (tinuturo ang behind niya) parang may gumagapang, ang kati!

(agad sumunod si Dyosa  sa pakiusap ng asawa)

Dyosa: wala naman eh! (nakatutok na sa pwetan ng kanyang asawa)

Vin: (umutot) ay hehehe

Dyosa: bastos!

c. Hilot:

Nanay: Ne pahilot naman, masakit ang kasu-kasuan at balakang ko  (nakadapa, habang nanood ng TV).

Medyo padabog  na sumunod si Nene dahil pagod galing trabaho.

Nanay: Dito (itinuro ang mga hita niya) oh!

Nene: (tahimik na naghihilot mula talampakan papuntang hita nang…pooooooh!) ano ba yan Nay?!! Hinilot na nga eh inututan pa!

Nanay:   Sos! ganyan din naman nung inire kita.

d. Pilay Kasi e!

Takang-takang si Jean Blue kung bakit umagang-umaga seryosong pinapagalitan ng Ina niya  ang pamangkin niyang si Kalabasa. Sa pagkakataon na iyon, hindi na siya nakiusyoso. Noon niya lang kasi nakita ang kanyang apat na taong gulang na pamangkin  na nakayuko  at nakahalukipkip habang pinapagalitan.

Nang sila na lamang mag-ina, tinanong niya ito kung bakit niya pinagalitan si kalabasa.

Nanay:  ah kasi sabi ng kuya mo, tumae raw sa kuwarto.  Yong mga kurtina at punda doon nagpunas. Pinagsabihan ko bat hindi ka nagsasabi sa tito Bayani mo.

Jean Blue: eh anong kinatwiran? Mukhang dalaga na nung nakayuko habang sinasagot kayo eh.

Nanay:  aba sabihin ba naman (with matching mwestra pa ng pagsinghot ng bata) eh kasi Pilay siya eh! Huhuhu!  Bagal-bagal niya gumalaw, sisigawan ko pa.

(oo nga naman, naawa lang siguro si kalabasa sa tiyuhin niya na may dalawang saklay.)

e. Saang College iyon?

Matagal ng napapansin ni Guada ang isang ‘di pamilyar na istudyante na pagala-gala sa kanilang College of Liberal Arts. Lagi niya itong nakikita sa kanilang hallway at maging sa comfort room pero hindi naman niya malaman kung anong course nito.

Isang araw nang makita niyang muli ang nasabing istudyante sa Canteen ng buo nilang Unibersidad ay sinundan na niya ito. Ang mahiwagang istudyante pala ay taga School of Science ayon sa ID nito. Ano ang ginagawa ng mahiwagang istudyante sa kanilang college?

Nung matapos ang pagkain ng istudyante ay pumihit na ito sa pataas sa kanilang building.  At sa may hagdan ay itinalikod na nito ang ID nito at saka pumasok sa CR. ‘Yon na ‘yon

Kakanin at Nena’s Special bibingka!

palitaw
palitaw

well being certified makamasa, katutubo and whatever na matipid na makaluma, I really like to eat delicious kakanin. apart sa aking precious champorado, hindi ko ipagpapalit ang mga kakanin sa mga foods na mabibili sa mga fast foods. kahit ang pagiging ice cream girl ko ay ipagpapalit ko.

nitong mga nakaraan, I’m happy dahil lagi akong pinapalamon ni manang juling ng kakanin. kung may anda rin lang naman ay pinapasalubungan niya ako ng kutsinta, puto, pitchi -pitchi na mula sa commonwealth market. minsan naman ay may dala rin siyang puto bumbong at bibingka na binili niya either sa quezon city circle or sa tiange sa Lung Center of the Philippines every sunday. In fairness, naa-apreciate ko lalo si manang juling ‘pag may pasalubong ako sa kanya. hehehe sa tanda at cute kong ‘to (chenez!).

puto bumbong at Bibingka
puto bumbong at Bibingka

alam niyo kahit puyat ako or medyo in bad mood ( yes people may mood swing (topak) ako palagi lalo na sa umaga) babangon ako para lang lamutakin ang mga mabigat, pampautot o kahit pampasakit na tiyan na mga kakanin na nakahain sa aming abang hapag-kainan.

ako naman,  type na type kong mapadaan sa arayat, cubao dahil may binibilhan akong tindahan ng kakanin doon saka kami ng ate ko sa commonwealth market din (well hindi ko alam kung pareho kami ng binibilhan ni manang juling).   ‘pag ako ang bumibili hindi naman ako maramihan, tamang makakain lang ng todo sa murang halaga.

paborito kong kakanin ang bibingka, puto bumbong, palitaw, kutsinta, sapin-sapin at higit sa lahat yung ube halaya.

Nena’s Special Bibingka

July 2 nang mapadpad kami sa Cubao, Araneta Center ni Manang Juling. kahit nagmamadali akong makapunta ng gateway, nung inaya niya ako na kumain sa nena’s abay go agad ako.

first plate

first time kong makakain sa nena’s noong araw na iyon. type ko ng bisitahin ito nang mapanood kong i-feature ito sa “Landmarks” ng Net 25  pero dahil wala time, wala makakasama at lalong walang pera ay hindi ako makapunta. Buti nga talaga, pinakain ako ni Manang Juling rito.

well, i would like to invite you people to please visit & eat siempre sa Nena’s Bibingka… why?

kung titignan ang labas ay mukhang ‘di maganda ang nena’s pero sa loob ay maluwag naman po iyon at okay naman ang linis o interior design nito. generally talaga, after ako sa service at sarap ng foods & plus factor na lang ang packaging ng isang resto. lahat naman po ng naranasan at natikman ko sa nena’s ay pumasa sa panlasa ko.

dahil wa kaming alam ni manang juling kung may nagaganap na “eat all you can” doon, in-assist talaga kami ng waitress doon  hanggang sa makakain kami. ganoon din naman yung waiter na kasama niya.

2nd plate

hay naku kung dadako tayo sa pagkain… naka 3 plato po ako. slice-slice lang naman ang  kinain ko roon. iyon nga lang kung wala kaming hinahabol ni manang juling na oras eh baka ay naka-apat pa ako. ang sarap din ng timpla nila ng tokwa’t baboy saka pansit bihon.

medyo di ko lang nalasahan ang bibingka nila (hindi daw oh?!) dahil paiba-iba nga ko ng tikim. yong “eat all you can” nga pala nila Php 75 lang at from 3-6 pm ata.

Gusto ko ring i-emphasize na matagal na po sila sa cubao and orginal ang kanilang bibingka. iyon ang nalaman ko sa “landmarks” and iyon din sabi sa akin ni manang juling.  medyo natatabingan nga lang siya ng mga establishments sa cubao kaya medyo di gaanong napapansin.

3rd plate
3rd plate

I hope na marami  ang sumubok sa  kanilang foods…whether hindi kayo mahilg gaano sa kakanin,para maiba naman at para balikan ang mga pagkaing Pinoy ay kumain na kayo sa Nena’s (gen. romulo st., socorro, cubao, QC) at ng  mga kakanin.  wag natin patayin ang ating sariling mga pagkain na nakakatulong sa turismo, negosyo at sa pagpapalawig ng ating kultura.

ang nena’s ay  katapat ng dating rustan , (saktong-sakto sa cubao post office) at kahilera ng puregold (dating cod).

Mabuhay!