9 Apologies for blogging in my way part 1

Bakit 9 apologies for blogging blah blah?  Una ay batiin mo ako dahil nine years na ang blog na ito noong October 3  at apologies para malaman mo ang iba ko pang saloobin bilang blogger.  I am sorry kasi ang lagay ba ay puro  perfect, yabang  positibo, at emo lang ang pagba-blog?

1.  I am sorry for  my typographical  errors or incorrect grammar!

Siyempre madaling  mahanap ang mali kung in English di ba? (kaya iniiwasan ko mag-English?). Pero mayroon din mali-mali sa  marami kong  posts in Filipino.  Alam kong malaking bagay ang zero errors na babasahin at walang magandang alibi para idepensa iyan. Pero kung tatanungin mo ako kung bakit mali-mali ako. Hindi ako magaling sa editing ( palusot 101) para maging madali at sipagin ako na makita yung mga mali.

baguio _ cemetery of negativism 3

Nagba-blog ako, una base  sa mensahe at kagustuhan kong ma-post iyon sa particular date. Hindi rin naman ako araw-araw nagba-blog kaya  mas sinusundan ko ang sense of urgency kaysa itengga ang buong ideya sa draft or somewhere in my mind para ma-check kung tama o mali.  Baka ito pa nga ang secret ko bakit prolific blogger ako for 9 years.  Pero I am sorry talaga, ginagawan ko ng paraan na i-improve yang skill, i-double check bago i-publish, at pati sipag ko sa pag-e-edit.

2. My apologies if I have novel-long posts 

I agree with you kung nakakatamad magbasa ng mahabang post. I try to trim down each of my article sa 400 words pero may pagkakataon na mahirap i-edit ang “charrot,” “hehehe,” “mabuhay,” ” hohoho,” at iba pa. Nandoon yung human touch at naipapadama ko kung paano talaga ako makipag-usap o mapa-light yung tone.  Isa pa mayroong mga impormasyon na gusto kong buong-buo na isiwalat sa iyo.  Pero kung gusto mo ng magandang rason, ayon sa ibang sites ay gusto nila 1000 words dahil sa SEO thingy. Ambot!Books

3.  My aplogies if I don’t have regular interval or schedule in posting

Pansin mo ba yung 31 days of blogging ko? Naging 31 weeks of blogging ata. Pilitin ko man na araw-arawin ay ‘di ko magawa. Bukod  sa minsan busy ako sa totoong buhay ay torete din ako sa hindi totoong buhay. Ano bang  Filipino  ng virtual works? Di totoong buhay na mga trabaho?

Sorry kung pabalik-balik ka rito o sa Hoshilandia.com kung may new post ako. Nakakatuwang malaman para sa akin iyan, kaya Thank you very much and I am very sorry!

...many hats @ d same time...is gold
…many hats @ d same time…is gold

Alam mo  sagana ako sa turo na magandang every day ang pagpo-post ng new entry . Pero sa ngayon ay mas itinuturing ko na passion blogs  ang mga sites ko. Hanggang maaari ay nais kong sundan ang sarili kong ritmo (hindi lang sa walang wisyo) sa pagsusulat na nandoon na iyong ideya, tamang gana, at  malayang oras na gawin.

Madali rin naman mapansin sa mga sinusundan mong personal blogs kung maka-update lang o wala lang yung post. Maaaring may mga time na ganun din naman ako, pero hanggang kaya ay ayokong ganun parati. Kasi feeling ko  kaya rin ako nagtatagal sa pagba-blog ay dahil nasusunod yung values, purpose, at kaartehan ko.

4. I am sorry I don’t follow niche blogging

Isa sa mahahalagang aral na nalaman ko ay  pagkakaroon niche  blog.  Kinikilala ko iyon at kahit papaano ay pinagpaplanuhan ko kung paanong istratehiyang gagawin.

I am sorry kung nag-follow ka sa akin dahil nag-blog ako ng sunod-sunod about money-saving tricks , movie reviews o kaya travels, then bigla may iba na naman klaseng paksa akong post.top blogs.ph - 4-6-12.b

Subalit, gaya nga ng nabanggit ko ay nagbaba-blog ako for passion and personal reasons. So kasama rin doon yung mood at ano ang flavor of the week ko.  Madali naman gumawa ng maraming niche blogs, ang tanong ay gaano kadali ang mag-maintain ng blogs?  Siguro makakabawi ako kung lalong lumawag ang sked ko at matutukan ko iyan. Ang iwo-work ko na lang siguro ay iba-iba talagang topics ang gusto ko at alin doon ang mga pinaka.

5. I am sorry for my ugly photos, broken links, and messy layouts!

Sa totoo lang gustong-gusto kong i-claim sa buong mundo kung gaano ako kahusay na photographer, eh hindi pa?! Ayokong sisihin ang mga cameras or phones ko kasi di ba nasa mata ng photographer talaga yan.  To explain my side – tradigital  frugal ako. I don’t feel na urgent need na makabili ako ng DSLR camera, mag-aral ng photo editing,  at iba pa lalo na kung may gamit pa naman ako. Ewan ko rin kung bakit mas gusto ko yung documentation of event or behind the scenes pa nga.  I am sorry kung di mo nagugustuhan.  Siempre darating din siguro na kailangan ko ng i-priority at mag-level up. Wait lang ng konti.

my 9-year old mobile phone
my 9-year old mobile phone (batiin mo rin sya sa December 8. hehehe

Ayan humaba  na naman kaya sundan mo ang 6-9 sa susunod na post

Advertisements

Top Things in My Bucket List: 29 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE

Wow bucket list! Hindi ko na naiisip yang ganyang term pero sagana ako sa career, financial, and life goals. So pagsama-samahin ko na lang at iba pa.  Masarap din kaya mangarap nang tuloy-tuloy lang wala kang inaaalang pangit, negatibo o imposible. Ang sumusunod ay 10 lang pa lang sa maraming items sa aking listahan:

Travel to Japan – nauna pa ito sa Greece at South Korea dahil nauna rin naman ako nahilig sa anime kaysa Greek Mythology at Korean series.samurai x text collection

5446643327_8dc38a67c3_b

Travel to Greece – Dagdag ko na rin sa tsika ko sa Greek Mythology ay ang Spartacus hehehe

Kuha ni Jen Syngkit

Have my Family – Kung napaplano man ito o hindi, siempre nangangarap din akong magkaasawa, magkaanak (2-3) o magkapamilya.

Mother and Child by Napoleon Abueva
Mother and Child by Napoleon Abueva

Go Solo – Ma-try lang habang wala pang asawa at kung ma-afford ko. Na-try ko na rin mag-freelance at mag-business, ito yung next level kung baga. Gusto ko ma-try manirahan sa Baguio, Eastwood (Quezon City) o lugar na fresh ang paligid pero may access man lang sa pamilihan at maayos ang Internet connection. Hindi ko pa alam kung kaya ko mamuhay sa ibang bansa.

a tree house sa PMA, Baguio

Bonggang –bonggang Hoshilandia!

Host and produce radio talk show – Posible siguro ito sa podcasting pero okay din ako sa traditional.  Ayoko yung DJ type mas gusto ko feature o magazine show gaya ng ginagawa ko sa Hoshilandia.cassete recorder

Established business – marami akong ideas at nasubukan, kailangan ko na lang talagang i-all out na. Hopefully company na maayos either as a solopreneur or partnership with my sister.

To become a best-selling book author or independent film screenwriter –   Actually okay na sa akin ang makapaglathala lang ng isang book. Pero bakit ko naman masyadong ili-limit sa ganoon di ba? Ito-todo ko na! Bookworms 2

Aware ako sa works nina Paul Soriano, Jose Javier Reyes, Michiko Yamomoto, Chris Martinez (Ang Babae sa Septic Tank), Roy Iglesia, at Ricky Lee.   Siempre gusto ko rin mag-mainstream kaso para mas may freedom at leveling ay sa independent film industry ko gusto mag-start. Mas type ko  makagawa ng istorya na comedy, fantasy and action…ako na lumaki sa anime.

To become financially at peace – Though na-mention ko ang maging millionaire, it just a level/ point to beat para may deadline or measurement.  The ultimate financial goal for me is to enjoy financial freedom.  Kung pagbibigyan ako na maging bilyonarya, why not? Pero ang gusto ko lang ay if something happens good or bad and opportunity or adversity may madudukot naman ako para sa akin at sa pamilya ko. I hope money works for me, not the other way around. Wala akong balak na maging alipin, maging ganid, at masilaw sa pera.

Ma-meet and greet in person sina Henry Cavill, Ariel Lin, Jang Nara, Lea Salonga, Kristen StewartKate Winslet, Jennifer Garner, Warren Buffet, George RR Martin, and  JK Rowling.

 

Nakakapagod din ang magmahal

Nakakapagod na maniwala sa  ‘yong concern kung puro ka lang tanong

Kumusta? Sino ang kasama mo?

Hindi ba puwedeng yakapin at arugain mo ako dahil ikaw ang kailangan ko at hindi ibang tao.

II

nakakapagod din ang maniwala sa iyong mga pangako

hindi lamang sa hindi mo tinutupad ang mga ito, kundi dahil  parang hindi ka totoo

ang iyong mga salita ay tila iisa lamang ang sagot at parang pang-robot

III

nakakapagod kang intindihin dahil ang labo-labo ng iyong mga statement

para kang sinungaling na hindi at para kang manloloko pero slight lang

alin nga ba ang mas masakit  ang magsabi ng masakit na totoo?

IV

ang sakit-sakit  sa pakiramdam ang magmahal kung ako lang ng ako lang

ayaw ko mang manumbat pero ako rin naman nahihirapan

napapagod na nga bang magmahal?

V.

Hindi ko alam kung hanggang kailan kita panghahawakan

Hindi ko alam kung tama pa bang ikaw ay pahalagahan

Pero ang alam kong napapagod din ako at gusto na ng kalayaan

VI

Gusto ko ng lumigaya

Gusto ko ng katuwang

Gusto ko ng ako naman.