Top Things in My Bucket List: 29 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE

Wow bucket list! Hindi ko na naiisip yang ganyang term pero sagana ako sa career, financial, and life goals. So pagsama-samahin ko na lang at iba pa.  Masarap din kaya mangarap nang tuloy-tuloy lang wala kang inaaalang pangit, negatibo o imposible. Ang sumusunod ay 10 lang pa lang sa maraming items sa aking listahan:

Travel to Japan – nauna pa ito sa Greece at South Korea dahil nauna rin naman ako nahilig sa anime kaysa Greek Mythology at Korean series.samurai x text collection

5446643327_8dc38a67c3_b

Travel to Greece – Dagdag ko na rin sa tsika ko sa Greek Mythology ay ang Spartacus hehehe

Kuha ni Jen Syngkit

Have my Family – Kung napaplano man ito o hindi, siempre nangangarap din akong magkaasawa, magkaanak (2-3) o magkapamilya.

Mother and Child by Napoleon Abueva
Mother and Child by Napoleon Abueva

Go Solo – Ma-try lang habang wala pang asawa at kung ma-afford ko. Na-try ko na rin mag-freelance at mag-business, ito yung next level kung baga. Gusto ko ma-try manirahan sa Baguio, Eastwood (Quezon City) o lugar na fresh ang paligid pero may access man lang sa pamilihan at maayos ang Internet connection. Hindi ko pa alam kung kaya ko mamuhay sa ibang bansa.

a tree house sa PMA, Baguio

Bonggang –bonggang Hoshilandia!

Host and produce radio talk show – Posible siguro ito sa podcasting pero okay din ako sa traditional.  Ayoko yung DJ type mas gusto ko feature o magazine show gaya ng ginagawa ko sa Hoshilandia.cassete recorder

Established business – marami akong ideas at nasubukan, kailangan ko na lang talagang i-all out na. Hopefully company na maayos either as a solopreneur or partnership with my sister.

To become a best-selling book author or independent film screenwriter –   Actually okay na sa akin ang makapaglathala lang ng isang book. Pero bakit ko naman masyadong ili-limit sa ganoon di ba? Ito-todo ko na! Bookworms 2

Aware ako sa works nina Paul Soriano, Jose Javier Reyes, Michiko Yamomoto, Chris Martinez (Ang Babae sa Septic Tank), Roy Iglesia, at Ricky Lee.   Siempre gusto ko rin mag-mainstream kaso para mas may freedom at leveling ay sa independent film industry ko gusto mag-start. Mas type ko  makagawa ng istorya na comedy, fantasy and action…ako na lumaki sa anime.

To become financially at peace – Though na-mention ko ang maging millionaire, it just a level/ point to beat para may deadline or measurement.  The ultimate financial goal for me is to enjoy financial freedom.  Kung pagbibigyan ako na maging bilyonarya, why not? Pero ang gusto ko lang ay if something happens good or bad and opportunity or adversity may madudukot naman ako para sa akin at sa pamilya ko. I hope money works for me, not the other way around. Wala akong balak na maging alipin, maging ganid, at masilaw sa pera.

Ma-meet and greet in person sina Henry Cavill, Ariel Lin, Jang Nara, Lea Salonga, Kristen StewartKate Winslet, Jennifer Garner, Warren Buffet, George RR Martin, and  JK Rowling.

 

Advertisements

Love or Career: Will you look for husband or Boss?

I am searching about  working moms sana pero  napadpad ako sa topic na ito. At kahit medyo malayo pala ang relation ng article na ito sa sinasaliksik ko ay hindi ko naman mapigilan na hindi mag-sentimiento sa mga pinagsasabi ng mga panelista. Ano nga ba talaga ang mahalaga ang magpaka-career woman in your 20s or subukan na rin mag-asawa’t mag-anak? Sabi ng mga girlalu sa article you can’t have it all or bihira mangyari yun so choose ka lang  Inday kung dyowa or si Sir? Teka bat di na lang syotain si Sir nang matapos na ito hahaha.

“Ladies, work can wait, fertility won’t, so spend your 20s landing a husband, not climbing the corporate ladder,” tsika ni Susan Patton, may akda ng “Marry Smart” sa CNBC. “Wise up, revise the math, and instead invest 75 percent of your time finding a partner, having children, and 25 percent on your profession. The pay-off is much more rewarding in the long term.”

Windang ako, kung susundan ko ang payo n’ya ay dapat pala kumarengkeng na ako agad-agad.   Sa totoo lang naman ay may punto siya lalo na’t alam naman natin na may  age limit ang babae sa pagbubuntis. At siguro sa ano…sa pagdidilig at pagbabasa ng balon  ahahaa.

Pero ang siste nito para sa akin ay case to case basis pa rin yan though marami na rin akong nakausap na they make sisi because they don’t make anak early. Kinakapa ko…ang damdamin ko ( wag malisyoso) sa paksang ito, sa sitwasyon ko ngayon, sa mga litsugas kong nagawa noong ancient  time at ang posibleng hinaharap ko. Kung mai-interview ako sa talk show na yun  ( siempre ganun agad ang peg) ang sasabihin ko Ah ate I respect you but  who are you to tell us  that?

Mamimilit ba ako ng lalaki para pakasalan ako dahil gusto ko nang tumesbo?  O Magpapatesbo na lang ako kasi habol ko lang naman pala dito ay  ang expiration ng bahay bata ko?

Sige sabihin na natin halimbawa na iitsa ko muna ang pride, si belief, si kultura at pati pant..ulog  ko para maghalabira na ako. Mamadaliin ko bang magpakasal for the sake na makasal? For the sake of biology, math, recess and home economics?  Paano naman kaya kong wala akong masalat, madakmang…love?

Hindi ko alam kung pang-teleserye itong tsika ko with matching subtitles pataas ng screen ( maiba), pero kahit  noon, bukas at magpakailanman… ang worst case scenario sa akin sa relasyon ay makisama sa lalaking hindi ko mahal ni katiting. Siguro kakayanin ko na masaktan,   pero hndi koOoo maaatim na magpatsuktsak ng dahil lang sa fertility issue.

O sige ilabas na natin ang  usapang bahay-bata, i-luwal na natin ang bata? Aber ilang babae naman kaya ang nahihirapan na palakihin ang mga anak dahil hindi pa pla sila handa?  Ilang women na super sisi rin dahil  naunsyami ang kanilang mga ultimate dreams kasi ?  At ilang babae ang pinipilit bumangon na  iniwan ng asawa tapos wala pa siyang trabaho?

Ayan ha di ko naman po komontra> lahat naman yan patanong lang hehehe.  Siguro suwerte rin ng mga babaeng nakahanap ng partner,  habang inaabot ang kanilang pangarap.  Superwoman ka rin Inday kung nakakayanan mong asikasuhin si mister, si baby at si boss este ang pagtatrabaho  mo  sa araw-araw ng iyong buhay.  Sino bang ayaw na na magkaroon ng love life?  At tingin ko rin naman hindi lahat ng babae ay corporate ladder ang trip, puwede naman kasing elevator, escalator or zipline.

ang eksaktong point of view ko dito ay wag kang matakot na asikasuhin ang career mo kung may pagkakataon ka. Kasi hindi lahat ng oras para sa iyo, kasi iba rin kung may fulfillment kang natatamo sa buhay mo na hindi puwedeng ihalintulad sa iba pang aspeto ng buhay. Pero maging bukas ka sa tawag ng pag-ibig kung may kakatok o kung mismong ikaw ang gustong kumatok. Sa bandang huli rin naman  ay malalaman mo kung ano ang mas mahalaga sa iyo. pero para ihinto ang ikot ng mundo mo para sa paghihintay ng lalaking bubuntis este magmamahal sa iyo at lalayuan mo ang career opportunity na nandyan, duh no way. Hindi ka mag-aaral ng apat na taon para pagka-20 mo  pagpapatesbo lang ang aim mo.

When You Finally Say , “I Made the Right Decision”

candle Gusto ko sanang title for this post  ay how will you know if you made the right decision. Pero hindi na, bawat  tao naman ay may kanya-kanyang realizations sa buhay na minsan masasabi na lang n’yang  ‘ay tama pala yung nagawa ko’ kahit hindi naman iyon ang una niyang  plano. Kaya naman ngayon nangangati lang akong magkwento na baka maka-relate  o may opinyon ka sa isang moment na nasabi ko buti na lang naglakas-loob ako and “I made the right decision.”

Noong last week of June ay dumaan ako sa building ng dati kong pinagtatrabahuan.   Gaya ng dati nanumbalik yung mga alaala gaya ng:

  •  mag-isa akong kumakain.
  • nagmamadaling pumasok kasi traffic at maraming tao
  • yung spots na feeling ko mukha akong ewan at naghahanap ng puwedeng gawin
  • yung pagkakataon na malungkot na ako
  • yung pagkakataon na pinipilit ko ang sarili ko na kailangan ko ang trabaho na ito dahil sa sahod at  sa matutuhan ko.
  • yung mga sandaling nangangarap ako na magnegosyo at mag-freelance
  • yung gusto ko naman gawin yung mga hilig ko at hindi ako puro trabaho
  • at higit sa lahat magamit ang oras ko para sa mga bagay at taong mahalaga sa akin.

Definitely naman, wala akong sama ng loob sa company na iyon o sa mga kasamahan ko. It just that in my heart, give up na ako sa ganoong scenes o lifestyle.  Fast forward noong June…

Nasa bus ako noon at galing sa isang freelancing or telecommuting job nang dumaan sa lugar.   Alam mo yung medyo pumitlag ang puso mo sa tuwa,   gustong humiyaw ng kokote mo ng “MABUHAY,”  at sobrang thankful ka kay Lord dahil hindi ka niya pinabayaan sa journey mo. Kung di man tumagal iyon sa kahabaan ng avenue na iyon, sa buong biyahe ko pag-uwi.

 But of course, yung opportunities or dream ay hindi natatapos sa pagkamit ng mga ito. Dapat pinag-iibayo rin ang pagpapahalaga, pagpapatunay na karapat-dapat ka sa  mga ito at  pagbabalik ng gantimpala sa pamamagitan ng pagbibigay ng lahat at pinakamahusay na iyong magagawa.

Isa pa rin kasi sa  reason  ng pagpi-freelance ko ay  para masubukan  ko ng first -hand ang pagnenegosyo. Hindi ko kasi magagawa iyon kung kung full time ako , although sabi nila pwede  naman.  Ang idea ko kasi ay hindi lang magkaroon ng ekstra ng kita, kundi makabuo ng established company or  business. Nitong July; after months  of struggle  ng where I can get my business capital, if I am ready for this, or what; ay nakapuwesto na rin ako sa masasabi kong sarili kong store. Gustong-gusto kong ipangalandakan sa Facebook yung business permit ko hindi dahil sa yabang kasi yung tuwa ba na finally nagawa ko na… kahit nasa first step pa lang ako.

Well  matagal naman na akong nagsa-sideline business ( I offer Pampanga’s Best, Kettle Korn, LoadXtreme, Unified Products and Services at iba pa)  pero iba  ‘pag sarili mo ng ref, istante, mesa at puwesto yung pinaglalagyan mo.  Parang konkreto na,  hindi na lang siya lista sa papel.  Claim na nga ngayon,  ay hindi  na ako work from home kundi work from store.   Talagang pina-ayos kong combo ng home office at  semi store. Masakit sa bulsa at  nakakakaba rin kasi nga dagdag din ito sa intindihin ko. Pero sige susugal ako- parang freelancing din.  Kung magkakamali man ako, ngayon na! Para masagot na ang mga tanong ko, ngayon na!  At para matunton ko ang daan sa mga pangarap ko, agad-agad.

By the way, I find this bible verses, from James 1:6-8 , perfect for this post and for someone I know.

But when you ask, you must believe and not doubt, because the one who doubts is like a wave of the sea, blown and tossed by the wind.  That person should not expect to receive anything from the Lord.  Such a person is double-minded and unstable in all they do. 

 

Hindi lang matatalino ang estudyante

May nakausap akong guro at pinag-usapan namin na sa halip na mga pulitiko o kung sino-sino lamang ang ininimbitahan sa mga school activities para magtalaumpati ay bakit hindi na lamang yung alumni.  Sumasang-ayon ako sa kanya ng 100% dahil  ang kailangan ng mga mag-aaral ay inspirasyon at motibasyon na nanggagaling sa tamang tao.  Isa pa sabi ko sa nasabing guro na kung iisipin ay mabuting marketing strategy pa nga ito sa inyong paaralan dahil ayon sa aking mga nabasa ay mainam na anyo ng patalastas ang  pagbibigay ng testimonial.   Hindi nga ba’t kapag ang isang dating mag-aaral ang nagsalita sa harapan at matagumpay s’yang tao, nakaka-relate ang ka-schoolmate na nasa audience. Tipo bang nagawa nya? Aba magagawa ko rin.

Honor vs Talented students

Sunod na pinagkwentuhan namin ni Ma’am ay yung mga estudyante na kanilang iimbitahan para maging speaker.  Isa sa kanyang sinabi ay iyong mag-aaral na nagtapos sa isang sikat na pamantasan sa Quezon City at cum laude.  Maya-maya naman ay kinumusta naman iyong kaibigan ko,at kung ano ang posisyon niya ngayon sa kompanya. Ang kaklase at kaibigan na tinutukoy n’ya ay  senior officer ( lagi kong nkakalimutan yung name position n’ya) sa isang kilalang kumpanya at nagtapos syang Magna Cumlaude sa isang di gaanong sikat na school pero pagdating sa  industry nila, iyon talaga pag-aaralan mo.

Naiintindihan ko ang kanyang point of view at malapit sa akin ang kausap kong guro, subalit  hindi ko napigilan ang aking sarili na mag-isip sa kung paano niya i-deliver at husgahan ang isang kapasidad ng tao o estudyante. Sa bagay ano nga ba ang karaniwang  salik para kilalanin ang mag-aaral sa paaralan, kundi  pagkamit ng honor o medal.   Pero pasintabi sa aking sasabihin, that’s irrelevant in real world. Isa pang ipinagmuni-muni ko sa usapan namin ay hindi naman lahat ng estudyante matatalino pero napakaraming magagaling.  Sinabi ko rin sa kanya na kilalanin n’yo rin yung naging mahusay sa kanilang larangan, sining at palakasan.  Katunayan,  maraming  tinatawag na matatalino at may honor noong sila ay nag-aaral na nagiging managers at presidente ng kompanya PERO ang amo nila o ang totoong may-ari ng kompanya ay masasabing average student lamang noon. In fact, it’s very rare na makakilala ka ng business tycoons na honor students.

Siyempre hindi ko naman tinutuligsa ang mga mag-aaral na nagsunog ng kilay  at nag-aral nang mabuti para makamit ang kanilang pinaka-aasam na honor.  Siempre pinangarap ko kaya iyon at nanalangin na sana  ganun ang aking mga pamangkin at magiging anak. Ang punto ko lamang ay paano naman ang mga  tinatawag na average students?  Akala ko tapos na iyang era na pagkukumpara?  At ito lang masasabi ko, kahit ilang medal pa ang ipakita sa akin ng isang tao o magulang ng kanyang anak hindi ako matitigalgal lalo na kung ang sama-sama naman ng pag-uugali. I rather choose someone na mataas ang EQ kaysa IQ. Kasi for me the real factor to achieve success and even happiness is ATTITUDE.

May mga kilala  at nakilala rin kasi akong magulang na pikit-mata na lang sa kabwisetan at kabalbalan ng anak dahil matalino. Oh eddie kayo na! Palalakihin ko ang aking mga pamangkin at magiging anak na maging masaya at mahalin ang pag-aaral( bonus lang ang medal) na may mabuting asal. Kahit average student sila basta  malaman nila kung ano talaga ang gusto at mahal nila sa buhay. At nagpapasalamat ako dahil naging ganun akong estudyante at mga naging kaibigan kong kaklase.  Nalagpasan ko ang pressure ng  iba na dapat ganito-ganyan ka.

Average Students Stand tall!

Isa lang cliche na  dapat sundin ng mga estudyante at iyon ay ang mag-aral nang mabuti. At the end of the day what matters is kung nakapasa ka o hindi at naka-graduate ka ba o hindi? Ini-encourage ko kayo o ang mga magulang na pansinin din ang ibang kahusayan ng kanilang anak. Kung magaling sa pagpipinta, paggitara, sports, pagsasayaw at iba pa na pagbigyan.  Huwag tayong makulong sa idea na kumo’t  80% lang ang grade ni Baby sa school at 95 % classmate niya ay mahina ito. As long as hindi pinababayaan ang pag-aaral, go!   Bakit ko ba sinasabi ito, eh  parang wala naman kakwenta-kwenta sa pagkita ng pera o pagkuha ng magandang trabaho?   Puwes nagkakamali kayo. Sa sports at performing arts,  napa-practice ng tao ang salitang team work, interpretation, knowing your limit at discipline. Ganoon din naman sa ibang hobby at discipline may makukuha ka na something na hindi nababayaran at pumuporma ng iyong pag-uugali at pagkatao. I guess iba ang confidence ng mga athlete, artists at skilled  because of their colorful experiences. Katunayan, isa sa nagiging dilemma ng mga may honor kapag pumapasok na sa trabaho ay iyong high pressure na dapat mag-perform sila ng above level. Kapag hindi naman nila na-meet ang expectation ay para silang pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi ko naman nilalahat ano? Pero marami kasi “by the book” ang talino o kamalas-malasan ay  by the code ( in Filipino “kodiko”).

Bakit mahalaga ang pagbabayad ng utang?

Photo: Chinkeetan.com

Kababasa ko lang ng book ni Chinkee Tan ang Always Chink +: How to inspire Yourself to inspire others.   Kasama sa aking pagmumuni-muni (reflection) ay ang alala-ala ng aking perdible, sentimiento sa paksang utang, ang pay it forward ( pagpapasa ng kabutihan) at halaga nito sa iyong financial peace or money management.

 ‪‎Life‬ is not measured by how much ‪‎money‬ you have, but how much money you wholeheartedly give away‬.

-Chinkee Tan

Small thing +  simple gesture =  Perdible

safety_pin_300pxIto ang quote na iniwan ni Chinkee sa day 9 ng  libro. Naisip ko rito ay ang Alamat ng Perdible na aking kinatha noon. Base ito sa aking personal na karanasan noong nagtatrabaho pa ako sa Ortigas. Dahil sa kabutihan na aking natanggap sa isang simple pero teribleng pagkakataon naisip ko na  palaging magdala ng perdible. Para sa iba pang nangangailangan, nais ko itong ipagpatuloy pero sa sabihin na natin na sa 50 katao na nakahingi sa akin ng perdible ay isa o dalawang tao lamang  ang nagsauli sa akin ng perdible. At take note, ang isa roon ay  isang manager na walang connect sa akin maliban sa iisang company kami ng pinapasukan.

Bagaman hindi ko naman dapat asahan na ibabalik sa akin ang perdible, maliit na bagay lang naman iyon di ba? Subalit malaki rin sana ang pakinabang noon para makatulong  pa sa iba. Malay natin na isang perdible may 5 o 20 katao nakinabang dahil sa pagbabalik nila ng safety  pin.  Paano pa kaya kung sa bawat isang hingi ay binibigyan ako ng 5 kapalit na perdible. Magagamit sana ito ng mga nahubaran sa daan, nasisilipan, mag-aayos ng damit o magkakabit ng ribbon sa damit.

Minsan pa nga kung ako na may kailangan ng safety pin ako pa ang walang magamit  at napapabili.  Pero hindi iyon, ang punto rito ay hindi ang laki, dami o halaga ng safety pin kundi ang kabutihan ng hatid nito. Kung sana lang ay maipagpapatuloy pa ito kung may kumukuha at nagbabalik o nagpapalit.

Utang is not about money, but honor and trust

Isyu sa akin nitong nakalipas na 2 buwan ang paksang utang dahil sa personal at pananalaping kadahilanan, gaya nang may mga kaibigan akong nawalan ako ng amor ( pinatawad ko naman) dahil sa hindi marunong magbayad ng utang. Hindi ko na masyado i-elaborate pero ito ang katagang sinabi ko  sa kaanak ko na nagsulsol sa akin na mag-loan with interest.

Bakit naman ako uutang na may interes eh ako nga nagpapautang ng walang interes?

Nakaka-frustrate para sa nagpapahiram na ‘yong perang pinaghirapan n’ya na kay dali n’yang ipinautang sa kaibigan/kaanak/ kakilala/ estranghero ay kay tagal-tagal o ayaw pang bayaran.  Sa akin kahit assurance lang muna na kailan yung tentative o matatagalan basta magbigay ng date at sana tuparin ito.  Ang masaklap nga lang na madalas na nararanasan ko ay kapag kailangan mo ng pera parang ikaw pa ang nangungutang sa kanila.

Alam mo ang pagpapautang at pangungutang ay may kinalaman sa money management, relationship at well-being ng isang isang tao.   Kung may nagpapautang may nabibiyaan na matupad ang kanyang kahilingan at kapag may nagbabayad ay tuloy-tuloy ang ikot ng pera. Kalakip nito ang mga magagandang katagang ‘palabra de honor,’ tiwala, at reputasyon. In fact, ganito rin naman ang usapan sa larangan pagbabangko at ekonomiya. maganda ang takbo ng ekonomiya kung iikot ang pera. Hindi ibinubulsa, kinamkamkam at alipin ng pera.

Ijayson losa sa natutuhan ko ay Jayson Lo (thru  Steps to Financial Peace conference) ay ang pagpapautang ng kung ano lamang ang kaya mong ibigay. Sinusunod ko ito sa lahat ng pagkakataon, pero hindi talaga maiiwasan yung mga taong “magaling  lang umutang. “

Sa huli tama ang sinabi ni Chinkee pagdating sa pera…

God intended money to serve men, not to be served. It is meant to meet our needs. It is meant to be enjoyed. It is meant to be shared.

By the way,  nakuha ko iyong book kasama sa Money Kit ni Chinkee. It’s a good investment for the entire family.