Kapag nagseselos, may love na ba?

Bago ko simulan ang selosan este ang liham tungkol sa selos (jealous) at pagmamahal ( love) ay gusto ko munang ipaalam ang ilang bagay. Una ay ngayong araw ang ika-10 anibersaryo ng blog na ito  at ng aking pagba-blog.

Kasabay po ng 10 taon na iyon ay pag-usad ng aking sarili  dahil na rin nagsimula akong mag-blog dito. Maraming salamat po sa lahat ng followers, readers, commenters, at kapwa ko blogger na naging bahagi ng aking journey. Simula ngayon po ay magbibigay-daan ako, Hitokirihoshi, kay Ate Jevs upang s’ya na bahalang mag-handle ng blog na ito.  Mababasa n’yo pa rin ang aking mga inilalathala tungkol sa business, career, travel,  arts and  culture, at iba pa  sa aking lifestyle website hoshilandia.com at tungkol sa entertainment sa In the E zonecropped-twitter.jpg

Para sa gustong lumiham o magbagi ng kanilang kwento  ay maaari kayong mag-email sa

hitokirihoshi@gmail.com.

Please take note na soon ay maaaring masama sa vlog ni Ate Jevs ang kanyang kwento. So…

ate-jevs
mighty & shining ate Jevz…no super power pero malakas magpayo

Dear Ate Jevs,

Mayroon po akong  bago-bagong kaibigan na lalaki na guapo, mas bata, at okay ang career. Actually hindi ko masabi na malapit na malapit ako sa kanya kasi magkaiba kami ng personality at career orientation. Basta nag-start ang aming connection dahil  mayroon kaming common friends na every day ay magkakasama kami.

Pero one time, may grupo ng mga girls na lumapit sa kanya.  Iyong isa doon ay  inamin n’yang crush n’ya. Iyong girl na iyon ay talagang maganda at mukhang sophisticated. Tipo bang ‘di naman nakakapagtaka kung maging crush n’ya.  I think ganoon din naman iyong mga kagrupo ng mga girls. Pero nagulat ako sa  naramdaman ko kasi nagseselos ako. Sa utak ko ay naiintindihan ko na wala namang masama at wala akong paki dapat. Di kami mag-dyowa pero ‘di ko maunawaan ang nararamdaman ko. Bakit ako nagseselos?

Monkey_looking - Copy
Kuha ni Hoshi sa Malabon Zoo

Tumindi pa nga iyon kasi lagi na s’yang kasama ng mga iyon. Kapag kasama naman namin s’ya ay bukam-bibig n’ya iyong mga lakad nila.  Kaya napapatanong ako sa  sarili ko, kapag nagseselos ka na ba ay may special nararamdaman ka na sa isang tao?  Para sa akin guapo ang kaibigan ko at good catch s’ya pero before pa nito ay ‘di ko naisip na baka crush ko man lang s’ya.

Sana po ay matulungan n’yo ako na mabigyang linaw ang aking nararamdaman. Ayoko ang ganitong pakiramdam at ayokong ma-awkward sa kanya. Wala din naman talaga s’yang ginagawang masama.

Luningning

Nagseselos lang, mahal na?

 

Dear Luningning,

Ahmm sa totoo friend, I feel you  naramdaman ko na rin ata ‘yan mga 3 minutes and ten years ago. charrot! In fairness napaisip ako kung mali o tama ka sa term mo na selos. Baka kasi insecurity lang ‘yan, gusto mo lang na ikaw malibre ng guapong boy___friend (may space ‘yan ha) mo, o nagroleta ang mood mo at oops tumama sa selos line.

Ang una kong naisip talaga habang binabasa ang sulat mo ay magkakape ba ako o soymilk after este may love naman talaga na ‘di pa buo. Nade-develop iyon ng dahan-dahan kapag mas nakikilala mo ang isang tao o kaya nati-trigger kapag may pangyayari na nasesentro ang damdamin at utak mo dun sa tao. You know naman tayong mga alta este busy persons marami tayong pinagkakaabalahan. May point na pati yung matinding damdamin natin na kailangan natin ibongga sa CR ay nakakalimutan pa natin di ba? 😛

Monkey_spotlight
Kuha ni Hoshi sa Malabon Zoo

Siguro nga mas matimbang na oo nagselos ka, pero hindi ibig sabihin nun na nagmamahal ka na rin sa kanya. Though karaniwan na ang mga nagmamahal at nasa  relasyon na ay nagseselos, hindi laging ganun yun.  Puwedeng part ng pagseselos mo ay insecurity mo sa ibang tao, territorial ka sa relationship mo sa kaibigan mo, at kababaan ng kumpiyansa mo sa sarili mo. Baka nga hindi ka lang nagseselos sa kaibigan mo, kundi sa girl din o pareho sa kanila. You see them na perfect sa isa’t isa kasi individually ay nagagwapuhan at nagagandahan ka ‘di ba?  If ako ‘yan , mga 22 minutes and 7 years ago, ang sumagi sa utak ko ay “baka kung kasing ganda n’ya ako baka niligawan ako ng mokong na guaping na ‘to e”  Kaya tara friend pa-parlor tayo este we need to feel confident and positive inside so we feel beautiful outside. Oh pak, English yun! Baka nga naging happy ka pa nga para sa friend mo o di ka napektuhan at all.  Pero sa tsika ni Gwendolyn Seidman, Ph.D.  sa kanyang “What’s Really Behind Jealousy, and What to Do About It” post ay mas malalim at mababaw pa na rason bakit nagseselos ang tao.

Gusto ko i-wish na sana ikaw ang ligawan ni guapong boy___friend  (the mat pag-asa pa ‘yan group date pa lang e). Pro bago ‘yan sana masabi mo muna  malapit na kayo sa isa’t isa at may pagkakatulad din kayo kahit wag na sa akin, sa sarili mo na lang.  In a way, ang good result ng tsika mo ay na-asses mo anf sarili mo.

Nagdecide na magkape kasi mas mura,

Ate Jevs

 

Advertisements

May-akda: Ate Jevs

fairy god sister ni Hitokirihoshi ng Hoshilandia.com, eat food, sing songs, explore life, travel places, meet people and love...advice/stories/tips

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.