How do you react when you encounter hate or personal attack? Ang sagot sa tanong na ito ay di ko alam eksakto. Depende na rin siguro sa tao, sitwasyon, obserbasyon, at lagay ng emosyon ko. Nangyari na rin kasi na wala akong kamalay-malay tinitira na pala ako, tapos mayroon rin na ang simple lang at no intention to hurt me, pero nasaktan ako at nagalit. After all, I’m Capricorn at curly daw, kaya moody.
Ang maipagmamalaki ko na lang ngayong matured na ako ay mas less na yung instant react ko at more sa nag-iisip muna. Minsan pa nga feeling ko may pagka-stoic na ako. Kaka pagiging objective ay may ibang tao na nagsasabi o mare-realize ko na lang later na subjectively na may dapat pa lang ikalungkot o ikasama ng loob. Pero iba ‘pag takot, no? Palagi itong nauunang isipin at maramdaman lalo na kung unknown pa sa iyo ang bagay-bagay.
Things I do against personal attacks
Avoid. Unless nasa sitwasyon ako na wala akong choice kundi makisama at na-provoke ako, ako na iiwas. Kung ang iba ang sasabihin na tapatan ko rin, hindi ko gagawin. Hindi ko kino-consider na laban sa buhay ang tapatan ang mga taong alam ko na inggit, nagpo-power trip, nagmamagaling or what. In fact, I don’t even want to analyze or feel something sa kanila. Ang alam ko lang ay pag di ako gusto sa una at hanggang tatlong beses kaming nagkasama, na-judge na ako. Hindi ko na kailangan patunayan ang sarili ko. Pero hindi rin nman ibig sabihin nun, bababa na ang self-confidence o magku-quit na ako. Yun ang pinagkaiba ng dating hoshi sa ngayon. Call me quitter, coward, incompetent, or whatever … bahala ka na. Basta alam ko ang gusto ko at ang mahalaga sa akin ay result. Hindi sa sasabihin ng tao, na wala naman bearing sa akin.
Silence. Hindi ako masalita lalo na kung may tension sa paligid o may napi-feel akong something. I think mas magandan g taktika ang katahimikan at poker face. Yung tipong asar na asar na sa iyo ang tao pero ikaw deadma lang, hehehe. Saka mas maraming naglalaro sa isipan ng tao mas nakakatorture sa kanila..
Go Direct to the point. Hindi ako ma-opensa pero hind ako tatahimik kung aatakihin na ako ng below the belt at harap-harapan. If you attack me, hindi ako martir at tatanggap ng palo. Pero honestly, mas naggaganito ako kapag mga mahal ko ang inaggrabyado o piniskal na ako. Kapag alam ko kailangan nang harapin yung tao, haharapin ko ng diretsahan. Yun din karugtong ng avoid ko, kung iniwasan ko na at tumahimik na ako… pera inaabala pa rin ang kapayapaan ko. Malaki na ang problema natin n ‘yan .
Things I do when someone hates me
Wala. Bahala yung tao na i-hate ako. Kung wala naman akong ginagawang masama at ginagawa ko ang best ko para okay ang lahat, why bother? Hindi ako pleaser, diplomatic lang.
Understand. Lahat ng tao ay may pinagdadaanan at pinanggagalinan. Kung nagkataon , ako yung tao na sa tingin nila ay hate nila kasi sa ganito ako at ganyan. Iintindihin ko, hind ako perfect at palaging tama.