Wala akong matandaan na dibdibang debate tungkol sa relihiyon maliban sa isang job interview ko. Ang totoo n’yan nakaranas na ako na muntik na akong magpalit ng religion and it wasn’t easy and very complicated spiritually-emotionally-mentally. So iyon ang naghulma ng pagtingin ko sa differences between being religious and faithful. Pero “How do you react when your spiritual beliefs are ridiculed” o may makipagdebate talaga?
Sa akin first up to seventh reactions ay surely ignore! Wala sa personality ko ang nakikipagtalo at ni ganahan na pag-usapan ang isyu na sa tingin ko ay hindi pinagtatalunan o malabong may patunguhan na maganda. Ang prinsipyo ko na lang dito ay “respect.” I give respect sa ibang tao sa kahit anong relihiyon na mayroon sila at nag-e-expect akong ganun din ang gagawin for me. Hindi naman ako namimili ng kaibigan dahil sa religion. Medyo maiiba nga lang siguro sa kasal, pero mabuti at mayroong naman civil wedding hehehe.
If someone ridicule my religious belief…
Kung aalipustahin (ridicule) ako because of my spiritual belief, baka ang una kong isipin ay may something na doon sa tao. Ano ba ang kanyang malalim na pinaghuhugutan at intensyon dahil it could be beyond religion na eh. Kasi sabi ko nga ay hindi naman ako papatol sa debate o diskusyon tungkol sa religion, pero malamang makikinig naman ako sa abot ng aking makakaya. Pero siyempre I also believe na may kapasidad at malalim na akong RELASYON sa Kanya para iyon ang sundin ko. Hindi ko na kailangan ipagmalandakan ‘yon. Kung baga my faith is something personal na hindi kayang anuhin lang ng usapan o debate lang.
Isa pa I can say na rito sa Pilipinas may mga batas na sumasakop sa ganito gaya na lamang ng
Article III, Section 5 ng Philippine Constitution 1987
“No law shall be made respecting an establishment of religion or prohibiting the free exercise thereof. The free exercise and enjoyment of religious profession and worship, without discrimination or preference, shall forever be allowed. No religious test shall be required for the exercise of civil or political rights.”
Hindi ko alam kung malulusuta pa itong batas na ito at maaaring naba-violate. Subalit, to follow whatever religious practice na mayroon ako ay hindi ko na kailangan ipakipagtalo. Ang alam ko lang willing akong mag-share kung bukas naman ang puso at isipan ng makikinig. Ang sarap magkuwentuhan at makipagkapwa-tao kahit ano pa ang religion ninyo. Basta usapang faith na lang tayo di ba.
Note: Ito at reflection ko sa tanong sa Our Daily Journey “How do you react when your spiritual beliefs are ridiculed