Paano harapin ang takot?

Dear Ate Jevs!

Paano po ba harapin ang takot? Pakiramdam ko pa kasi ito ang dahilan bakit hindi ako umaasenso sa buhay at nagiging masaya sa buhay.

Maraming salamat po at magandang araw!

Best,

Andy Agatha

Credit: Pixabay
Credit: Pixabay

Dear Andy Agatha,

Trip ko ‘yang name mo pero natatakot akong magtanong kung Agatha ba surname mo o babae ka ba hehehe. Hindi mo naman sinabi kung saan kaba natatakot? Masaktan ba, ma-inlababo (in love teh or koyah), o sumubok ng isang bagay.  Pero sige I’ll try my very best to the power of four.

Maraming rason ba’t natatakot akong isang tao. Kaya maganda sana kung nagkwento ka pa, eh kaso natakot ka na naman ano? Charrot!  In that way, baka mas maganda ang payuhan natin dito. Pero para sa akin in general para mawala o mabawasan ang takot ay

  • Magpakatotoo ka – Ang taong mapamibabaw (yes, lalim) o nagpapanggap at nagsisinungaling ay napupuno ng takot. Takot na mabisto, mapahiya, makutya, at mawalan ng pekeng katotohanan.
  • Huwag kang magkumpara – ang fear of failure ay posibleng galing sa pagkukumpara sa iyong sarili sa ibang tao at nakaraan. Tandaan na iba ang journey mo sa puntong ito ng iyong buhay.  Focus ka sa sarili mo, sa gusto mong gawin, sa gusto mong mangyari, at sa gustong mong maging totoong ikaw.
  • Turuan mo ang iyong sarili– hindi mo kailangan na maging perfect, pero dapat ginagawa mo ang iyong the best. Siempre laging nakakatakot ang unknown at changes, pero kung open-minded ka na pag-aralan ang bagay-bagay yang fear of unknown or even fear of success ay malayo mong maisip. Siguro kasing layo siguro ng North sa South Pole. Kapag nadapa ka, tanggapin mo ganun e sino bang hindi nagkakamali?  Pero bangon ulit at matuto ka sa iyong karanasan para hindi na maulit.
  • Manalig ka! – Huwag ka lang maniwala (believe), manalig (have faith) ka pa. kahit ano pang paniniwala mo, manalig ka na hindi ka aabot sa estado mo ngayon for no reason at kung gusto mong mabago ito, you  have the power to do it. Have faith in yourself and have faith that there are many hopes, choices, and possibilities in life.

Sana nakatulong ang tips ko sa iyo Andy.   Pero may tanong ako  pa sana iyo, nanood k aba ng horror movies? bleeeh!

Ang mapagpayong,

Ate Jevs

mighty & shining ate Jevz...no super power pero malakas magpayo
mighty & shining ate Jevz…no super power pero malakas magpayo
Advertisements

2 thoughts on “Paano harapin ang takot?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s