Last time I Cried: 28 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE

Bihira ako na ako umiyak at minsan kung  kailan pa ang babaw ng isyu.  Pero para sa akin mainam sa akin na  tumatangis ( magamit lang ang word)  ‘pag  nagdarasal kasi  feel ko ang gaan na ng pakiramdam after. Pero sa dami ay the last time I cried na naalala ko iyong tampo ko sa buhay. Hehehe.

Itong kwento ko ay tapos na at kung baga wala na akong gustong sisihin. Kung baga ay naka-move on na ako at aAyoko na lang sana maulit pa. Ikukwento ko na rin ito dahil sa challenge at para sa kapwa ko mahal kong__k.

Ganito kadaming luha? (Traditional Korean Jars)

Personally, ayoko ng nagkukumpara kasi alam ko dun nagba-bonding ang magpipinsan na jealousy, frustration, insecurity, at discontentment.  Kaya siguro tinatyaga ko rin magsipag at ipagpatuloy i-appreciate ang maliliit na blessings na mayroon ako.  Iyon nga lang minsan, hindi maiiwasan kapag  malapit sa iyo ang involve  at wala sa hinagap  mo yung scenario ay sakit-sakit

Hindi po ako nagmamalinis at maaaring may mga nakaligtaan akong pagkakataon. Pero sa buong tanan na nagtrabaho ako ay wala akong matandaan na humiram ako sa N_ ko na Php 1000 o lalagpas doon. Pero dahil sa isang proyekto na  gusto ko sanang matapos kaagad ay nanghiram ako ng Php10, 000 na ipinangako kong babayaran ko agad. Nasaktan lang ako dahil sa unang pagkakataon na ginawa ko iyon, pinabayaran sa akin ng less than a week at medyo forceful pa. Kaya nga ako naghiran e, hindi lang sa kinakapos ako ng pera kundi time lang din. Sa mga nakakakilala sa akin, alam nilang hindi ako ngangungutang at baka ako pa nga nagpapautang.  So nag-start na ako ma-frustrate at mag-compare dahil sa ginawa ng N_ko.

  • Bakit iyong iba umaabot ng Php50K -150K plus at taon na binilang ay baka hindi pa nakapagbayad sa kanya ay napagbigyan n’ya?
  • Iyong proyekto ko halos directly ay para rin naman sa amin kasi kabuhayan yun.
  • Ako naman lagi taya, at sa ganang akin ginagawa ko rin yung responsibilidad ko. Hindi ako humihingi kundi nanghihiram. Hindi ako lalapit sa kanya kung alam kong wala. Hindi ako mamimilit kong ayaw ng tao. At klaro kong sinabi na isang buwan ay mababayaran ko. Gaano ako kasigurado 100%.

Napuno ako kasi siguro three days pa lang after ko na mahiram yung pera ay pinilit niyang makuha ang Php6000 sa umaga. Nagulat ako bakit ganun pero since sakto may naitabi ako at para mabawasan agad ay deadma na ako. Pero pagdating ng gabi ay pinipilit n’ya ulit akong kuhanan ng Php 2000. Biruin mo in one day Php 8000  at wala pang isang linggo? Sa inis ko ibinigay ko na rin ng Php 2000 kinabukasan nang umaga. Iyong iyak ko noon dahil natanong na lang ako ng kuya ko e at napakuwento kasi tahimik ko na. Naawa na lang din ako sa sarili ko dahil alam ko nangarap lang ako. Ang ganda ng intensyon ko, at  ngayon lang ako ever nangutang sa N_ko.

Ang dami kong gustong isumbat, kabilang na yung time na nagbabayad ako ng utang n’ya na hindi ko naman ininda at wala akong intensyon na pakinabangan ever.  Iyong inis, galit, at ano pang emosyon na may kinalaman sa sama ng loob, iniyak ko na lang.  Aral na lang siguro na hindi na ako hihiram sa kanya hanggang maaari. I guess the values of this story were at the end of the day ako rin tutulong sa sarili ko, kapag may pangarap ako  ay paghandaan ko na lang nang todo, and gritty rin pala ako.  Sa huli na-delay lang yung proyekto pero natuloy ko pa rin.  Nasaktan na ako lahat pero hanggang gusto ko deadma tuloy ang pangarap!

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s