Ang akala ng iba kong kaibigan ay bihira akong magalit, mainis o mayamot. Ang totoo n’yan ay nasa loob ang kulo ko medyo malakas-lakas ang pagtitimpi ko at may mga key sensitive points lang na kapag yun ang nakanti mo sa akin madali na akong malulungkot. So what make me feel better?
Handwriting sa diary. At first ka-emotera han lang ang alam kong dahilan bat ako nagda-diary. Pero I realize na ang journaling ay parang writing therapy for me. Maraming pagkakataon na nakatulong ito para mabawasan ang inis (stress management), galit (anger management), at mapagtanto ko kung ano ba talaga ang trip ko (meditation). Ayon sa experimentation ko, magandang isulat mo lahat ng galit mo, then i-visualize mo kung ano naman ang susunod mong mangyari at pagbabago. Minus yung kinaiinisan mong tao o gawain.
Watching movie or videos on Youtube. Actually ang panood ay isa ng diversion so puwede rin naman ang manood ng TV shows na trip mo. Pero para sa akin ay hindi effective yan dahil siguro dahil hindi na rin ako nanood ng TV. Kapag afford and carry ang pelikula, panonoorin ko ang palabas sa sinehan. I know na magastos at ma-effort pero iba talaga para sa akin ang maging moviegoer.
Lately, mahilig na nga ako manood ng video clips sa Youtube. Tinalo na nito ang paglalaro ko online at pagbabasa ng print copy of magazines. Ewan ko rin bat tuwang-tuwa ako sa mga trivia, test ng national geographic, at music videos. Ganoon din sa mga talks shows especially kay Graham Norton, Jimmy Kimmel, and Jimmy Fallon.
Coffee/chocolate at sound trip – dati kaya ko isabay ang music sa ibang gawain pero ngayon hindi na, maliban sa pagligo. Parang mas bet ko na ang i-focus ang attention ko sa music lalo na bored, alone, or sad. Sasamahan ko na lang ng laklak ng kape, ngasab ng tsokolate o kaya sayaw-sayaw na parang baliw.
Ice Cream!