10 Favorite Songs: 22 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE

Walang araw siguro na hindi ako nakikinig ng music. Kada papasok ako ng banyo ay nagpapatugtog ako gamit ang aking mobile phone. Dahil din sa music kaya okay lang sa akin walang kasama  at maghintay-hintay.  Talagang literal sa akin ang “ musical accompaniment” hehehe!  Siyempre marami akong favorite songs kaya ilan ang mga ito sa naiisip ko lang  o medyo bago-bago  in no particular order.

I woke up with these #bamboo #musicalinstruments #artsmonth #opm #music

A photo posted by hitokirihoshi laurence (@hitokirihoshi) on

Payphone/ She Will Be Loved by Maroon 5.  Mas kinakanta ko ngayon ang Payphone kasi iyon ang mas bago. Gusto ko lang iyong pagkakaawit at ritmo ng mga kantang iyan. Although feeling ko may mga gustong kumanta para sa akin ng She Will be Loved, inunahan ko  lang silang kantahin ahaha :p

Uptown Funk by Mark Ronson feat. Bruno Mars.  Okay sa akin ang mga awitin ni Bruno Mars, ito lang siguro ang isa sa pinaka-cool dahil sa upbeat, choreography, at pagka-funk.

Man in the Mirror by Michael Jackson or Aiza Seguerra.  Pareho kong gustong mga singers sina Michael at Aiza at napakaganda ng mensahe ng Man in the Mirror. Nakakatuwa lang din na may acoustic version si Aiza nito at mas kaya kong sundan. Iyong boses kasi ni Michael ay manipis at matinis bukod pa sa male ang tone.  Maganda rin iyong beat at arrangement na dahan-dahan sabay bibilis konti pagpasok ng drums.

That’s the Way it Is by Celine Dion.  Isa pa sa paborito kong singer si Celine Dion at marami s’yang songs na trip ko. Ang naiiba lang sa That’s The Way it is ay upbeat, positive, strong, at hindi mo direktang kinakanta para sa iyo.  When you sing this song, it as if you’re motivating someone to embrace reality and at the same time, giving love advice.  Kaya kong down ka sa buhay at kinanta mo ito, ang binibigyan mo ng advice ay sarili mo.  Sunod ditong favorite kon Celine Dion’s song ay New Day Has Come.

On My Own by Lea Salonga or Katie Holmes.  Oo ito iyong isa sa kanta sa Les Miserables na kinakanta ni  Eponine. Matagal ko ng idol si  Lea pero as a singer iyong linis, klaro at buo ng kanyang  pag-awit ay stunning kahit hindi naman ako ganoon kahilig sa musical.  So iyon, maliban sa Journey ay wala na akong nagustuhan na ibang trademark song ni Lea at hindi pa ako aware noon sa Les Mis. Iyong version ni Katie Holmes ng On My Own sa Dawson’s Creek ang nauna kong napakinggan.  Hindi man ganun kaganda kasi  medyo pop country ang dating pero dahil sakto sa storyline ng karakter niyang si Joey Potter kaya nagmukhang perfect.

Nung malaman ko na iyong background ng music at inawit siya ni Lea sa Broadway ay Bongga.! Although mas nasanay at nasusundan ko pa rin ang version ni Katie Holmes kasi banayad iyong  tiempo may part lang na kailangan itataas mo na. Dun kay Lea wow kasi ang hirap gayahin! Superb!

214 by Rivermaya.  Dahil sa klase ng  songs at lyrics mas gusto ko ang Rivermaya. Magaling na composer o songwriter si Rico Blanco, at powerful ang boses ni Bamboo.  Marami rin akong favorite na kanta nila pero sigurong itong 214 ang  way ba’t ko sila napansin.

Liwanag sa Dilim by Rivermaya.  Magkakasabay ito ng Posible at You’ll Be Safe here na pare-parehong magaganda base sa tunog, mensahe at vocals.  Mas gusto ko lang iyong dating ng Liwanag kasi may pagka-Nationalistic at motivating para sa lahat ng indibidwal.

Oops I Did It Again by Britney Spears.  Siguro maraming mas magaling na singer kay Britney at baka nga may hindi pa nga kumukilala sa kanya , but pagdating sa total and powerful performance bet ko si Britney.  Karamihan ng kanta n’ya na alam at trip ko ay danceable. Sa lahat nga lang  pinakagusto ko ay Oops kasi sa beat at mensahe pero  okay na okay na sa akin ng Baby One More Time,   I’m A Slave for you, You Drive Me Crazy and Stronger. Gusto ko rin sina Beyonce, Shakira, at Jennifer Lopez pero sa type ng sayaw, pitik at bigay to do Britney ako.  By the way, kakaiba rin si Pink.

The Climb / We Can Stop by Miley Cyrus.  Wala akong problema sa pagka- eccentric ni Miley at kahit pa ni Lady Gaga. Ang alam ko lang may quality ang boses nila at may magagaganda silang awitin. Nakilala ko si  Miley hindi dahil sa  Hannah Montana kundi sa The Climb tapos nagustuhan ko rin ang We Can‘t Stop. Iyong We Can’t Stop ang anthem ko pag ayoko mag-isip ng kahit ano basta masaya lang ako. Gusto ko lang iyong pakulo ng ng Jimmy Fallon dito.

Breathless by The Corrs/ Ikaw by Yeng Constantino.  Fan ako ni Yeng Constantino kasi bilib ako sa personality at sa kanyang art.  Itong “Ikaw” latest favorite ko na kanta at original song n’ya. Siyempre gusto ko rin ang Hawak Kamay pero ang isa ko pang gustong-gusto ay ang version n’ya ng Asin’s song Himig ng Pag-ibig.  Nabigyan ng ibang flavor pa iyong kanta na hindi naman sobrang lumayo ang  areglo.

Iyong Corrs isa rin sa pabirito kong group, gusto ko ng So Young, Radio, Runaway, All the Love in the World, at I Never Loved You Anyway. Pero pinaka-favorite ko ang Breathless yan ang default song ko sa videoke at saka ayos yung combo ng violin.

Honorable Mentions:

The Nights by Avicii

Dati by Sam Concepcion and Tippy Dos Santos

 

Something I Need by One Republic

And yes I’m  cute fan of

Michael Jackson ( Billie Jean, Black or White, Heal the World,  Beat it, The Way You Make Me Feel, and I Just  Can’t Stop Loving You)

 

Black Eyed Peas ( Where is The Love, Don’t Lie, The Time, and Let’s Get Started)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s