Where I want to be in 10 years: 20 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE

Salamat sa tanong na kagaya ng “where I want to be in 10 years” naiisip ko yung ganitong bagay nang may lalim. Hehehe! Though ambisyosa ako, mas ma”present person” ako  at    para sa akin magkaiba ang goals sa wishes sa dreams at sa prayers. Labo lang eh ano? Pero totoo! Napag-isip-isip ko rin kasi na as long as hindi mo itinuturing na priority ang isang bagay ay mas lalo itong malabong mangyari.   Pero may mga  pagkakataon din naman  na talagang ipagpasa-Diyos mo na lang.

Ang unang apat ay ang mismong nakasulat sa  journal ko na ginawa ko noong January 2016 pa.

In own my house and lot –   napapaisip din ako kung kailangan ko bumili ng house and lot o hintayin ko munang magkapamilya. Ano yun, patitirahin ko na lang yung lalake ng libre [nagger tone]? Hehehe! Pero gusto ko rin talaga magkaroong ng sariling bahay kasi  10 kaming magkakapatid. Baka kulangin iyong lupa namin kung magsasama-sama pa kami sa iisang lugar ‘pag nagkapamilya kami lahat. Imagine kung bawat isa sa amin ay may 10 anak din? Hehehe Republika na ito. Saka gusto ko rin iyong thought na may sarili akong mini-library, studio, home office, garden o mini farm, at duyan. Take note pangarap ko pang bahay ay tree house with hanging bridge.lighthouse of cape bojeador

[With] my own family –  Para sa isang gaya ko na mula sa broken family at maagang naulila sa ama, hindi naman siguro sobra ang mangarap na magkapamilya ng buo, masaya, at financially stable.  Iyong  lalake  magiging mister ko feeling ko kailangan mas matanda sa akin at baka hindi Pinoy. Kasi unconventional Filipina ako kaya kailangan ng espesyal na pagmamahal…charrot!  Gusto ko  dati limang anak  para Power Rangers, pero kahit 3 na lang na dalawang irihan.  Siempre isa dun twins bleeeh

[While counting my] 2 million liquid assets – Siguro naman sa kakuriputan at kasipagan ko sa buhay, kasama na ang kadramahan ay  puwede namang maging milyonarya sa loob ng 5-10 taon. Iyang 2 million ideal na minimum pero kung kaya pang i-push ng mas mataas why not? Usapang liquid pa lang ito, wala pa yung mga real estate, passive investments, business etc.

Bag by hoshilandia.com[before packing our things for our] Travel in Europe – Sa totoo kahit Greece at Japan lang solve na ako. Pero dahil 10 years naman ang ipunan, siguro naman keri naman na makapag France, Spain, Italy, Switzerland, Sweden and Denmark,  Belarus [wala nakita ko lang] at iba pa.

Dagdag…

Wala na akong maisip kundi siguro dagdagan na lang iyong travel, pero ‘wag naman asawa at anak.   Okay ako magdadag ng dami ng kasalan … pero sa iisang tao. Naks! Puwede naman civil muna, then sa church, then sa garden o beach ganern!

 

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s