Dream Job[s]: 16 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE

Honestly, ‘di ko na alam kung ano PA ang pinaka-dream job ko. Parang naging open ata sa posibilidad na puwedeng mangyari o magawa ko pa as long as alam kong interesado ako sa ibang bagay. Pero siempre may mga wish akong gawin so ganun na lang  6 Dream Jobs na lang para mas masaya at sa tingin ko anong alternative ko doon.

TV ad Director/ independent filmmaker  – Kahit isang beses lang at one time big time, gusto ko makagawa ng TV commercial.  Iyong tipong hindi ko ginamitan ng sobrang maganda at mamahaling effects pero hit at tagos sa puso. Siguro magagawa ko ito sa videography o video blogging sa Youtube.

Radio announcer – Hindi na nga lang ito masyadong sikat ngayon at iba  rin ang trend sa AM Radio pero pinangarap ko na maging announcer.   Bakit di ko kaya dalhin sa podcasting ang isa series ko dito? Hehehe

Best-selling book author – Puwede rin naman e-book  siguro pero parang iba ang dating ‘pag nakapagbenta ka ng physical book.  Ano ang bet ko? Mas madali siguro sa akin ang self-help book kaysa novel pero mayroon na akong stories o plot na inaalagan somewhere out there.Bookworms 2

Serial entrepreneur – Kahit papaano medyo nararanasan ko na pero malayong-malayo pa sa ideal. Mahirap lalo na kung hindi mo pa alam eksakto kung ano ba talaga ang trip mo,  bagay sa personality/  lifestyle at iba mo pang interest.   Sa ngayon gusto ko ay mag-concentrate muna sa online selling para sakto sa blogging.

Dubber –  Nagsimula ito noong  nahilig talaga ako sa anime at feeling ko naman as long as may inaankat na programa. may career ang mga dubbers.

Motivational speaker/ life coach – Hindi ko naman tatapatan iyong mga sikat. Mas bet ko nga iyong  nagpupunta sa mga baranggay at maliliit na probinsya.  Na-inspire ako sa isang NGO  group na  nagbibigay ng free seminar about reproductive health noong high school ako. Walang malisya talagang matinong usapan ng ano ng lalaki, ano ng babae, paano  gumawa ng bata, at ano ang implikasyon ng paggamit ng gamot.  Although ang gusto ko ang i-advocate ay financial literacy at Philippine art and culture.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s