3 Personality Traits I am proud of: 6 of 31 Days Blog Challenge

Naniniwala naman akong normal akong babae. Minsan kakaiba lang mag-isip, bumababa ang self-confidence, impulsive, at may iba pang katangian gaya rin ng ibang tao. Sa ibang banda, sa palagay ko sa oras ng kagipitan at pakikipagsapalaran mo talaga makikila kung sino ka at ano ang magaganda o pangit mong katangian.

Personality Trait I am proud: Faith

Alam mo yung word na “bahala na” pero in a positive way?  Bahala na si God kung para sa akin ang isang bagay, basta susubukan at ipagdarasal ko.  Hindi ako relihiyosa o sobrang tindi ng pananampalataya pero I think sa faith ko nanggagaling ang aking hope, courage, and strong will. ‘Pag lugmok ako, faith na lang din ang kinakapitan ko.

paoy church

Personality Trait I am proud: Humility

Gaya ng faith, nabe-bend din ang pagiging humble ko. Madalas nangyayari iyon hindi dahil gusto kong magyabang kundi feeling ko kailangan sa sitwasyon at ipamukha sa isang tao. Siempre hindi ako proud dun at pati na sa pamimsan- minsang kamalditahan ko. May mga tao rin kasing, by default, ay hinuhusgahan ang worth mo ayun sa yabang mo.  Tipong pag nagpaka-humble ka, weakling or plastic ka pa. Pero in general, I think I am humble enough  to accept that I am not rich, beautiful, good and smart so I have to work hard and appreciate yung mga blessings sa buhay ko.  Siguro may ibang term pa na puwedeng i-replace sa humility like modesty pero nevertheless being humble makes me safe, stronger and wiser.

Personality Trait I am proud: Thrifty

Say hello to my #snack and short #trip fund. #moneymanagement #personalfinance #foodie #tripper #traveller #travelfund

A post shared by hitokirihoshi laurence (@hitokirihoshi) on

Natural na sa akin pagkamatipid, akala ko dati baka kasi wala o limitado pera ko. Pero nung sumasahod na ako at nakakapag-sideline business  na tipong kahit papaano naman ay mabibili ko na gusto ko at konting level up naman, aba talagang di mo ako mapapagastos ng ganun-ganun lang. To clarify, hindi ako barat kundi matipid lang pag alam kong afford at kailangan na talaga willing naman ako gumastos.  Saka parang mas bet ko ang investing kaysa shopping.  Bina-value ko ang isang importanteng aksyon o desisyon kung ito ay investment of time, relationship, or money. Siguro may consequence yung ganito kasi baka guilty ako ng mental accounting, apathy, at analysis paralysis.

 

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s