My Guilty Pleasure: 5 of 31 Days Blog Challenge

May pagka-goal-oriented person naman ako, determinado sa buhay at  pinipilit disiplinahin ang sarili. Pero madali rin akong mawalan ng focus dahil sa sarili ko ring kagagawan. Puwedeng  ang tingin ko sa mga pampasaya ay much deserve break, distractions o simple guilty pleasure. Heto ang aking mga guilty pleasures:

  • Maglaro ng video games before, after or in between ng trabaho, ngayon aliw na aliw ako sa Pets Puzzles, pero na-addict din ako sa Restaurant City (2009- 2014 inalis na lang e), Kitchen Scramble at Need for Speed Underground.restaurateur Hoshi
  • Mahina ang disiplina ko sa chocolates pero may time din na wala akong ganang kumain
  • Nahilig ako ng walang patumangga sa Cup keyk, Monie gold (tamarind),Expo ( coated peanut), Oishi Pillows ( chocolate), at Cream O (yung coated dati).
  • Sanay ako na naliligo at nagpapatugtog ng mobile phone ko- kahit paulit-ulit ang mga kanta
  • Paulit –ulit ko ring kinakanta ang mga nagugustuhan kong awitin hanggang sa pagsawaan ko at alam na alam ko na. Hihihi
  • Privately nagsasayaw ako lalo na after manood ng dance films ( I collect original VCD) at manood ng mga dance videos – favorite kong dancers ngayon (aside sa classic Streetboys) ay Quest Crew at aliw na aliw ako sa group ni Yanis Marshal independent films in dvd
  • Simula nang magka-smartphone ako nitong January 30 lang, mas naadik ako sa kapapanood  ng mga talk shows gaya ng Jimmy Fallon, Jimmy Kimmel Show, at Graham Norton.
  • Pag name-miss ko nanonood pa rin ako ng mga Korean series. hindi ko na matandaan ang pinaka-favorite ko pero dati Winter Sonata.
  • Guapong-guapo ako kay Henry Cavill pero usually ‘pag interview lang at maganda sinasabi n’ya. May mga anggulo sya na di ko trip. Pero talagang mas nahuhumaling ako sa mga British actors like Hugh Dancy, Daniel Radcliff, at Jamie Dornan. Romantic sa pandinig ko ang accent nila
  • Minsan na nahilig din ako sa pag-check ng Instagram ng isang love team at ng mga fans nila. After ng show ng nila ay kinondisyon ko ang sarili ko na tantanan na. Nakakadala rin kasi iyong damdamin at pag-aaway-away mismo  ng mga fans. Naniniwala naman akong talentado, humble at may potential ang  mag-love team.  Pero I think di na o wala na ako sa point na magpaka-avid fan, manonood na lang ako ng movie o show nila kung maganda. I think that’s good enough than following their whereabouts or commenting  phrases like “gender-bender” or “good bye confidence.”  I like the girl’s beautiful features inside and out, but to treat her a goddess, nope!
  • Ilan sa sini-search kong Hollywood celebrity news ay tungkol kina Kristen Stewart (I respect her individuality, Kate Winslet ( artist), Jennifer Garner ( wonderful woman), Katie Holmes ( not a fan of Jamie Fox brouhaha), Julia Stiles, and recently Emily Blunt.
  • Apart from travel, mapapagastos mo ako sa panonood ng pelikula sa sinehan at nanood akong mag-isa.
  • Kaka-blog, nasanay na rin akong kunan ng picture ang halos lahat ng interesanteng bagay. Mas nagagamit ko ang phones ko sa music at photo, kaysa texting and calling.
  • For me, masaya ang pagkain sa fast food resto kapag may kasamang sundae
  • Trip ko ang French fries na sinawsaw sa gravy
  • Wala kong ibang bisyo maliban sa pag-inom ng kape ( Kopiko brown ) pero lately, kaya ko na minsan  na lang sa isang linggo.
  • Tamad akong tumayo kaagad paggising ko
  • Mahilig ako tumambay muna sa kuwarto kaysa gumawa ng kahit ano nang wala sa plano o ‘di ko naanalisa kung bakit kailangan kong gawin
  • Online, pinanood ko rin ang ilang video clips ng Gandang Gabi Vice, Tonight With Boy Abunda, Tunay na Buhay at Powerhouse  ( hosted by Kara David)
  • Ang binalik-balikan kong show online ay Ikaw Lamang nina Kim Chiu and Coco Martin.
  • May pagkakataon bumibili ako ng murang magazine ( back issue) Entrepreneur, Good Housekeeping, Cosmopolitan etc.
  • Naka- subscribe (email or Facebook) at di ko mapigilan na hindi magbasa or browse man lang sa Better Homes, Money Sense, PEP, Homemade Simple, Hubspot, Dailyworth, Elite Daily, Entrepreneur, at iba pa.
  • Magsulat sa daily planner/ journal at diary ko
  • Mag-check ng Twitter, Facebook, Instagram, Pinterest, at Hoshilandia.com
  • Magtabi ng lumang gamit o bagay na maganda, magagamit pa, at tingin ko mare-recycle ko kahit natatambak na.
Advertisements

3 thoughts on “My Guilty Pleasure: 5 of 31 Days Blog Challenge

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s