When you feel Extraordinary?

Napag-usapan namin ng ate ko ang isang bahagi ng childhood ko.  I realize na noong bata ako makuwento ako pero hindi ako masyadong matanong.  I guess kasi tinitingnan ko ang buhay (namin) na casual (,which is good compare sa ngayon na I possibly make things complicated). Oo nga no, hindi mo malalaman na mahirap ka, incomplete, mahina o extraordinary ka kung hindi ka nagkukumpara. Pero sa kwentong ito,  may magandang bunga ang mga na-obserbahan ko sa mga kakilala ko.

I am poor among my friends. Noong bata ako may  iba’t iba akong grupo  ng kalaro. Isa doon yung may-kaya kong mga kalaro na magkamag-anak.  Marami silang laruan, maganda yung damit at may masasarap na pagkain. Siguro wini-wish ko rin na sana may ganun kami pero hindi naman ako umabot sa point na nainggit ako. Siguro maganda rin kasi palaki sa akin ng parents, lolo at lola ko sa simpleng buhay. Alam mo yung, wala ka namang problema kung wala kayong pera o magarang bahay. Problema lang namin madalas ng kapatid ko ay ang mga napapatid naming tsinelas sa kakalaro.

One time nag-usap kami ng rich playmate ko na nag-aaral ako sa public school at tinanong n’ya ako ng “Bakit sa public?” Hindi ko na idedetalye ang mga sinabi n’ya pero after noon parang na-realize ko ang pagkakaiba ng estado. Tinanong nya rin ako kung ano gusto ko paglaki ko sabi ko lang “gusto kong alagaan nanay ko at magkaroon ng masayang pamilya.” Tapos sinabi n’ya  na parang hindi man lang nurse or what.  Naalala ko noon, umuwi ako sa bahay namin na nagtatanong kung mali ba ang sagot ko? Question ba iyon para sa matatatalino?

toys from DiviMy family is incomplete.  May mga kaibigan din ako na may-kaya  at mababait din sila, yung parang parents naman nila yung strict.  Ang napansin ko lang ay lagi nilang kasama nila ang mga parents nila, uma-attend sa PTA meetings at  lumalabas sila pag-weekend. Isang araw tinanong ko nanay ko, bakit hindi siya nagpupunta sa school at bakit  yung mga kaibigan ko lagi nilang kasama parents nila. Hindi ko alam kung nasagot ako ng nanay ko.  Pero doon pa lang I knew it, broken family kami. I am around 5 or 6 years old that time, my father died when I was 8.

I’m not smart/ genius.  May iba pa akong kalaro na bata pa lang ay consistent honor students na. One time pinabasa ako ng mommy nila at napaga-alaman nya na grade 1 or grade 2 na ako ay hindi pa ako marunong magbasa. Hindi ko na matandaan kung siya pa nagpa-feel noon o kung  kusa kong naramdaman na hindi ako matalinong bata.  Kasi  pag kasama ko naman mga anak nya, alam ko naman matalino sila pero hindi ko inaalintana. Basta pag larong may kinalaman na sa math at English, aayaw ako at hindi naman nila pinipilit.

Hindi ko ikinuwkwento ang mga ito dahil gusto ko silang palabasin na masama.  Wala naman akong galit kundi itinuturing ko pa rin silang kaibigan kahit na may kanya-kanya na kaming buhay.   Ang punto ko dito ay minsan yung mga taong makakasalamuha mo ang makakapagpaunawa sa iyo ng mga bagay-bagay. Maaaring makasaktan ka nila pero sa kanila mo mapagtatanto kung ano ka, sino ka at ano ang realidad ng buhay mo.  At the end of the day, sa pamilya ko pa rin naman ako umuuwi at simple pa rin ang aming buhay noon.  Nasa sa akin kung paano ko ida-digest yung pagiging extra-ordinary ko sa iba. 😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s