8 Random Opinions- Political, Social Issues in The Philippines II

Umabot na ako sa November so tapos na ang drama ko sa 8 something  pero siempre hindi ako papipigil sa mga tsika ko sa buhay.  samantala, ito  naman ang karugtong ng 8 random thoughts ko…

Opinion on Politics:  Politicians should study First 

4. Sa totoo lang, isa sa ayaw kong topic ang politics. However,  Filipinos can’t really  or should ignore what’s happening sa Politics because it shapes our government and our economy. Puwede namang ipagkibit-balikat yan, tulad ng mga talagang nagbebenta ng boto pero may boomerang effect din yan. Bakit may mga batas na walang saysay at puro butas? Kasi yung mambabatas na iniluloklok ay hindi lang sa hindi aral kundi wala rin kusang mag-aral ng batas .   Anyone can say that he’s a leader, but we don’t need barkers but someone who can stand up, has genuine concerns and willing to serve public.

Kung ako ang masusunod – sana ipasok sa qualification ng mga candidate yung at least 6-month public administration or political science course.  At the same time, magkaroon ng information drive about job description and qualities sa bawat position sa government. Hindi porket naging mayor ka, alam mo ng maging senador or congressman. why?   Ang core ng job sa congress is lawmaking at sa klase ng gobyerno ng Pinas ay may tinatawag ding executive, legislative at judiciary. Pero hindi rin naman ibig sabhin na porket hindi ka nagkaroon ng kahit anong government position ay incapable ka na mamumuno… it still boils down to knowledge, leadership or character, and mission for greater good of  our country. Kung ano ang makakabuti sa lahat, at hindi para sa ilan.

Society –  Change  Your Employment Status by Changing Your Mindset 

5. Nakakatanda rin ang maging bahagi ng Millennial generation dahil ang sabi nga ang dami daw kaekekan namin sa buhay lalo na pagdating sa career. Pero maigi na iyong may drive ka to try the unknown and I’m glad na hindi ako nawalan ng pag-asa.   Ganito…  marami akong nakakatandang kapatid so I am aware kung anu-ano ang pinagdaanan nila pagdating sa pagtatrabaho. Iyong retrenchment, walk-in application,  resignation,  yung kabado sa interview at parang hopeless na kapag tapos na yung ‘tatawagan ka na lang namin after 1 week.’

Hindi madali ito at patuloy ko pa ring pinagsusumikapan, pero mabuti na lang naging open-minded ako pagdating sa business, investing, freelancing and other unconventional sources of income.  Yun lang din ang gusto ko sana maipahatid sa ilan sa mga kapatid ko at sa lahat ng kapwa ko Pinoy sa pagtatrabaho. Ang hirap sabihin  na mag-resign ka sa work at magnegosyo ka.  Ang hirap din sabihin na i-invest ang  pinaghirapan mong pera.  Ang daming factors  to consider  pero makakatulong ang financial literacy,  pagiging business-minded,  at  pagyakap sa importansya ng self-study.  Kung kahit papaano may ganito ang mga Pinoy- mas rarami ang kanilang choice at uunti ang made-depress pagdating sa trabaho.   In fact,  hindi lahat ng  problema sa trabaho ay nakaugat talaga sa pera. Nagiging problema yun kasi wala ng ibang choice at  hindi nakakapagtabi.

By the way, hindi sa lahat ng pagkakataon dapat sisihin ang gobyerno bat walang trabaho.

6 7 8 next

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s