8 Opinions on Showbiz, Politics, and Society I

Ewan siguro dahil Capricorn ako kaya ma-analyze, goal-oriented, and seriously weird. On the other hand,  baka kaya naman ako funny,  little bit well-rounded, and like different things because Ambivert ako. At kaya naman siguro ang dami kong tsika  dahil sa wala ganun lang ako plus blogger pa ( maparaan lang).   Gusto ko lang mag-share ng  strong ideas or opinion na naglalaro ko these few days, months.   Part of  sharing galore pa rin kasi 8 years old na ako chuz!

Opinion on Showbiz: Love Teams and Artistry 

Vilma Santos old photosAyoko mag -name drop pero may isang artista na gusto kong mabigyan na ng  network at management n’ya ng solo acting projects gaya sa MMK or MPK. Puwede rin naman sa independent film na hindi kasama ang  ka-love team n’ya.  I have nothing against sa partner  or  kailangan silang paghiwalayin. But hopefully  maging aware din s’ya  na ang malaking factor para makita ang artistry, value at especially  staying power ng isang artista ay mapatunayan n’ya ang kanyang galing lalo na sa pag-arte (puwede rin sa kantahan o hosting)  na hindi nakakabit sa konsepto kasi part ng love team.  Oo, malaki ang magagawa ng love team para mapabilis ang pag-angat ng career (yeah know Filipinos love love team), dumami ang supporters, endorsements, at projects.  But remember, ang nagtatagal, kinikilala, at nanatiling bankable ay yung may napapatunayan kahit saan sila ilagay. Ex. John Lloyd Cruz, Judy Ann Santos, o sige mag-classic tayo Nora Aunor, Vilma Santos at Christopher de Leon.

Nakakalimutan o hindi naiintidihan minsan  ng iba ay ‘nakakabaliw’ ang trabaho sa showbiz.  You’re always under pressure (although magandang motivation ito) and ipu-push ang emotion  mo ng fans or bashers.   Look sa mga stars like Claudine Barretto,  Robert Downey Jr. and even Gina Pareño -dumaan sa matinding struggles ang mga ‘yan pero nakabalik. By the way, I am fan of fierce celebrities like Kristen Stewart, Kate Winslet, Ariel Lin at iba pa.

Opinion on Showbiz:  Focus on Works, Not Personal Lives

Karugtong ng na-mention  ko,  nakakaloka madalas  yung mga showbiz balita hindi lang sa Pinas kundi sa Hollywood. Ako natatakam din naman sa mga scoop  pero unless na magsalita o magbigay ng official statement, hindi pa rin ako magko-conclude.  Paano naman kung mag-deny ang isang artista? Eddie lokohin at pahirapan n’ya ang sarili niya.

Nakakakadismaya kapag yung inaakala mong okay ay hindi pala, pero choice nila iyon at buhay nila. Pero kung tutuusin, yung impression na nabuo  ng fans ay base sa string of acting projects at kung paano sumagot sa interviews ang mga artista. Mga  tanong na ibinato at sinagot lang out of their mere opinions. Eh teka, que hindi ka naman plastic, kung professional at hindi ka naman rude, kailangan mong maging behave  at makisama sa iyong co-actors que wild personality mo  talaga. For me that’s true sign humanity. However,  artists should also know how to handle their fame, fortune, and behavior.  I find remarkable Piolo Pascual, Dingdong Dantes, Maricar Reyes, and Lovi Poe good in handling issues.

Showbiz ala -Fast Talk:   Wishes or Impressions 

Dance Film series: starring  Maja Salavador, Enrique Gil, Ella Cruz, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Iya Villania, Billy Crawford,  Yassi Pressman, Aira Bermudes, at Julian Trono. It’s time to showcase ang galing sa sayawan even sa American Best Dance Crew may mga Pinoy e at we have singers na kumakanta ng pang-sayaw like Gloc-9, Apl de Ap, Gary V and Sarah G.  Wag naman sanang adaptation lang ng Step Up  at Street Dance.

Alden Richards: It’s your time to shine, prove your talents

Nadine Lustre: I like her focus, smartness, and beauty –  Iam waiting for the time ( di naman kailangan ngayon na) you can stand alone and prove your acting prowess . sana matupad ang wish nila ni James Reid – a Mr. and Mrs. Smith kind of Film.  Bagay siguro sa kanya ang ala Hunger Games, Divergent or Easy A ( Emma Stone)

Kim Chiu: Charming doll na masarap bihisan at  siya yung kaya ng mag-stand alone pero need ng  challenging projects.

Xian Lim: wala, binabasa ko lagi quotes n’ya sa Instagram hehehe. Konti pa sa acting pero multi-talented s’ya.

Iza Calzado – Intelihente sa salita at acting

Angel Locsin – Only Female Action Star – sad kailangan niyang bitawan ang  Darna.

Superb Hosts – Luis Manzano, Iya Villania , Drew Arellano, Robi Domingo, and Bianca Gonzalez-Intal

Eugene Domingo – I miss her comedy

Gerald Anderson – Gusto ko yung  matured nyang pagsagot sa mga interviews

Carlo Aquino –  ang tanging child actor (noon) so far  na kayang tapatan ang big star like Vilma. More drama projects

Jennyln Mercado – yung mga ginagawa nyang rom-com may dating.

Joseph Marco  – Gusto ko speaking voice n’ya at saka yung pagiging friendly. Parang kikiligin ka  kapag kasama nya yung fave female artist mo pero , you know na okay syang lalaki.

Andre Paras –  Ewan bat trip ko yung comedy nya, bentang-benta yan Chad character nya sa akin

Yeng Constantino –   music gem

Ian Veneracion – acting and Look , age doesn’t matter.

Dennis  Trillo – Best  Kapuso Network actor

Heart Evangelista – ini-inspire nya ako sa arts and crafts.

Jodi Sta. Maria  -promise sa youtube ko lang napapaood yung PSY pero wow talaga ang acting nya.

4.5.6.7.8 sundan sa part 2 (haba na e heheh)

Advertisements

One comment

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s