Part pa rin ng celebration ng site kong ito and my way of giving back to blogging community (lalim daw), gusto ko i-share ang 8 lessons I learned dahil naging blogger ako. Hindi naman necessarily na sobra kong kina-career pero at least may idea at natutuhan ko na rin kahit papaano. May iba kasi aksidente ko lang na-discover, may parang interesante, at yung iba talagang ginagawa ko na for personal development and sa ekonomiya, chuz! So here the eight ( kailangan eight talaga) things you can do in your blog or blogging.
Digital portfolio– though it is advisable to have your own domain that appears like hitokirihoshi.com or yourfullname.com… It is also practical if you make your blog (whether it’s free or paid) as your online portfolio. Puwede mo ritong i-upload yung mga photos or soft copies ng iyong past works or projects. Bagay na bagay para sa mga photographer, videographer, musicians, writers, architect, painters and others. Ginagawa ito ng mga artista actually.
Personal billboard … WordPress.com allows limited control sa code, but I think Blogspot and Tumblr are not (not sure). Nevertheless, you can still utilize your blog to promote your products or services.
Tip: Just bear in mind na you have to learn also the effective marketing styles para may magbasa at hindi ma-tag na “hard sell” ang mga posts. Let’s say ang negosyo mo ay spa, you can cite yung benefits and issues like kind of massages, at bakit pati mga isda ay nag-i-spa na rin.
For Lead generation– Lead generation is my newest discovery. So there are companies or personalities pala na willing to tap bloggers to promote their products. If you capture leads for them, you earn money. It is similar to affiliation program, but instead of just posting a photo or ad on your side bar, you’ll publish posts for them. Tip: choose companies or brands that are really interesting for you para you have appetite to blog continuously especially if matumal ang dating ng leads.
Avenue to share your advocacy… Perhaps you want your group be known too para naman malaman ng lahat ang inyong makabuluhang gawain at makahingi ng suporta – financial or man power. Makakatulong din ang blogging dito. Actually may mga kabataan at yuppies ( based sa experience ko) talaga na willing naman tumulong kailagan lang sila ma-inform. latan.
Online scrapbook. Well puwede rin namang simpleng online photo, recording, video albums. Pero with the leeway na you can add texts, links, music and videos per post para ng scrapbook. Ako this is something I really want to do mabigyan lang ng todong gana at time.
Personal forum site. Uunti pa lang ang nakakagawa nito or I am not just aware sa ibang site. Pero I guess maganda for survey, study o makakuha ng tips/ advice ang isang blog. May ilang post dito na nakakuha ako ng insight at minsan yung mga angle na hindi ko naisip. Isa naalala ko na halimbawa nito ay yung letter for ate jevs yung what if babae naman ang manliligaw. Sa hoshilandia naman ay yung magadang bilhan na brando gadget.
Online business site/ online store . Of course iba ang marketing lang, sa talagang business site. Pero iba rin naman yung serious business site na gaya ng ginagawa ng mga legit online sellers and big companies. Dito I think you need a good web design, web developer and branding. I admit, ito na ang pinag-aaralan ko ngayon pero self study lang muna.
I believe din kasi this not only the future of business dahil it’s happening now. People are relying on what reviews say than mere TV ads or brochures. Tip: if you really want or decided to level up kailangan din naman itong pag-aralan check Digital Filipino.
Blogging is your personal brand/ publication. your blog is not only your mirror, but also your key to meet celebrities este to see more possibilities. Personal blogs emerge as great tool for many to be acknowledged and identified. Hindi mo naman kailangan na magpaka-reporter o mukhang formal, in fact mas unique ka at may sense ang style ay kakagatin ka. Pero kahit wala pa sa concept mo ang monetization or be invited sa mga conferences, ito ang lagi mong tatandaan – kung ano ka sa blog mo – yun ang personal brand mo. Kung ano ang klase ng post mo, ganun ang uri ng publication mo. bakit ba ako gumagamit ng word na publication? malalaman mo ‘yan sa takdang panahon – charot!
Happy blogging and mabuhay.
Hi Hoshi , gusto ko itong post mo na ito hi hi and can’t wait duon sa Publication sa takdang Panahon emote mo he he … see yah nga pala sa Blogapalooza sa Sunday : )
Hi Sir Edgar! Salamat sa iyong greeting, yeah see you sa Blogapalooza!
Reblogged this on More Drafts and commented:
thanks. this encourages me to blog again. cheers.
thank you and mabuhay Krn! yeah Keep on blogging and discover more sa buhay na ito 😉