This last week of July ay magaganap ang kauna-unahang Linggo ng Musikang Pilipino. Ang Pinoy Music Festival na ito na pinangungunahan ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-Aawit (OPM) , National Commission on Culture and the Arts (NCCA) at iba pang samahan sa music industry, Ilan sa programang nakahain dito ay ang My OPM Playlist exhibition.
“The exhibition aims to promote original Filipino music, engage well-known personalities to share their personal OPM selections, and provide a deeper appreciation of OPM among exhibition audiences,” tsika ng OPM tungkol sa eksibisyon na ito na nasimulan pa pala noong 2013.
Noong tiningnan ko ang website ng OPM ( tunog Original Pilipino Music din) ay medyo naisa-isa ko ang mga kantang trip ng ilang kilala kong celebrities gaya nina Christian Bautista, Jose Mari Chan, Daniel Padilla, Ryan Cayabyab, Noel Cabangon, dir Jose Javier Reyes, Liza Macuja – Elizalde, Ogie Alcasid, Bayang Barrios, Dingdong Dantes, Lourd de Veyra at iba pa. Kaya naman ngayon napapasip din ako kung ano rin ba ang aking sariling OPM playlist.
My OPM playlist is…
Mixed and categorized , tama ba ang mga term? Basta bukod sa nakabukod yung foreign, pansayaw at pang-soul ( Christian songs at inspirational) at alien ( anime , OST at Asian Songs ) ay yung OPM playlist ko ay nakadepende pa kung banda ba, oldies at bago. Halos wala naman akong favorite artist nagkakataon lang siguro na mas marami akong nagugustuhan kanta ng isang mang-aawit. Isa rin kasi maganda sa music, minsan kahit hindi ka na nakaka-relate sa mensahe o wala sa iyo ang lyrics pero dahil ang ganda ng tunog, sarap-sarap ulit-ulitin. Ang mga kanta rito ay ilan sa lagi kong pinapakinggan sa bus, jeep, sa park, kwarto, tindahan, trabaho at habang naghuhugas ng pinggan.
Dahil bunso ako sa pamilya at marami akong kapatid na old school kaya siguro napahilig din ako ng sa kantang mas matanda pa kina Tsong at Tsang. Pero iyon nga iyong magic ng music e, kahit sino pa ang gumawa at kailan pa nalikha basta na-touch ka iyon na iyon. Kaya naman may ilang kanta sina Freddie Aguilar, Basil Valdes, Rey Valera, Sharon Cuneta, Hotdogs, TVJ, Asin, Sampaguita at iba pa na gusto ko.
Pero sa paglipas ng panahon, talagang nagustuhan ko ang mga awiting ng bandang Bamboo, Rivermaya, Rockstar, Moonstar, at Eraserheads. Sa mga solo artist naman ay pinakagusto ko ang mga kanta ni Yeng Constantino, Kitchie Nadal, at Aiza Seguerra. Gusto ko rin naman ang awit at klase ng pag-awit nina Sitti Navarro, Barbie Almabis, Acel Bisa- Van Ommen, Carol Banawa, Bugoy Drilon, Nina, Kyla at marami pang iba. Sa ngayon ang pinakabagong adisyon sa aking playlist ay Dati nina Sam Concepcion, Tippy Dos Santos ar Quest, Tadhana by Up Dharma Down, at Magkabilang Mundo lang na OPM.
Ikaw ano ang OPM Playlist mo?
Interesante ang kumbinasyon ng OPM selections mo ah! Gusto ko rin ang “Nais Ko” ni Basil Valdez at “Constant Change” ni Jose Mari Chan. Pareho kong kinakanta yan sa videoke. Hehe!
di ba ang smooth lang tas parang soulful lang ang dating. nakatulong yung combo sa mga nakakasama ko at napapakinggan ko. wala pa talaga yung kumpletong listahan. ikaw anong OPM playlist mo. share mo rin!
Salamat sa pagbisita sa hoshilandia Sr.!