Hindi lang matatalino ang estudyante

May nakausap akong guro at pinag-usapan namin na sa halip na mga pulitiko o kung sino-sino lamang ang ininimbitahan sa mga school activities para magtalaumpati ay bakit hindi na lamang yung alumni.  Sumasang-ayon ako sa kanya ng 100% dahil  ang kailangan ng mga mag-aaral ay inspirasyon at motibasyon na nanggagaling sa tamang tao.  Isa pa sabi ko sa nasabing guro na kung iisipin ay mabuting marketing strategy pa nga ito sa inyong paaralan dahil ayon sa aking mga nabasa ay mainam na anyo ng patalastas ang  pagbibigay ng testimonial.   Hindi nga ba’t kapag ang isang dating mag-aaral ang nagsalita sa harapan at matagumpay s’yang tao, nakaka-relate ang ka-schoolmate na nasa audience. Tipo bang nagawa nya? Aba magagawa ko rin.

Honor vs Talented students

Sunod na pinagkwentuhan namin ni Ma’am ay yung mga estudyante na kanilang iimbitahan para maging speaker.  Isa sa kanyang sinabi ay iyong mag-aaral na nagtapos sa isang sikat na pamantasan sa Quezon City at cum laude.  Maya-maya naman ay kinumusta naman iyong kaibigan ko,at kung ano ang posisyon niya ngayon sa kompanya. Ang kaklase at kaibigan na tinutukoy n’ya ay  senior officer ( lagi kong nkakalimutan yung name position n’ya) sa isang kilalang kumpanya at nagtapos syang Magna Cumlaude sa isang di gaanong sikat na school pero pagdating sa  industry nila, iyon talaga pag-aaralan mo.

Naiintindihan ko ang kanyang point of view at malapit sa akin ang kausap kong guro, subalit  hindi ko napigilan ang aking sarili na mag-isip sa kung paano niya i-deliver at husgahan ang isang kapasidad ng tao o estudyante. Sa bagay ano nga ba ang karaniwang  salik para kilalanin ang mag-aaral sa paaralan, kundi  pagkamit ng honor o medal.   Pero pasintabi sa aking sasabihin, that’s irrelevant in real world. Isa pang ipinagmuni-muni ko sa usapan namin ay hindi naman lahat ng estudyante matatalino pero napakaraming magagaling.  Sinabi ko rin sa kanya na kilalanin n’yo rin yung naging mahusay sa kanilang larangan, sining at palakasan.  Katunayan,  maraming  tinatawag na matatalino at may honor noong sila ay nag-aaral na nagiging managers at presidente ng kompanya PERO ang amo nila o ang totoong may-ari ng kompanya ay masasabing average student lamang noon. In fact, it’s very rare na makakilala ka ng business tycoons na honor students.

Siyempre hindi ko naman tinutuligsa ang mga mag-aaral na nagsunog ng kilay  at nag-aral nang mabuti para makamit ang kanilang pinaka-aasam na honor.  Siempre pinangarap ko kaya iyon at nanalangin na sana  ganun ang aking mga pamangkin at magiging anak. Ang punto ko lamang ay paano naman ang mga  tinatawag na average students?  Akala ko tapos na iyang era na pagkukumpara?  At ito lang masasabi ko, kahit ilang medal pa ang ipakita sa akin ng isang tao o magulang ng kanyang anak hindi ako matitigalgal lalo na kung ang sama-sama naman ng pag-uugali. I rather choose someone na mataas ang EQ kaysa IQ. Kasi for me the real factor to achieve success and even happiness is ATTITUDE.

May mga kilala  at nakilala rin kasi akong magulang na pikit-mata na lang sa kabwisetan at kabalbalan ng anak dahil matalino. Oh eddie kayo na! Palalakihin ko ang aking mga pamangkin at magiging anak na maging masaya at mahalin ang pag-aaral( bonus lang ang medal) na may mabuting asal. Kahit average student sila basta  malaman nila kung ano talaga ang gusto at mahal nila sa buhay. At nagpapasalamat ako dahil naging ganun akong estudyante at mga naging kaibigan kong kaklase.  Nalagpasan ko ang pressure ng  iba na dapat ganito-ganyan ka.

Average Students Stand tall!

Isa lang cliche na  dapat sundin ng mga estudyante at iyon ay ang mag-aral nang mabuti. At the end of the day what matters is kung nakapasa ka o hindi at naka-graduate ka ba o hindi? Ini-encourage ko kayo o ang mga magulang na pansinin din ang ibang kahusayan ng kanilang anak. Kung magaling sa pagpipinta, paggitara, sports, pagsasayaw at iba pa na pagbigyan.  Huwag tayong makulong sa idea na kumo’t  80% lang ang grade ni Baby sa school at 95 % classmate niya ay mahina ito. As long as hindi pinababayaan ang pag-aaral, go!   Bakit ko ba sinasabi ito, eh  parang wala naman kakwenta-kwenta sa pagkita ng pera o pagkuha ng magandang trabaho?   Puwes nagkakamali kayo. Sa sports at performing arts,  napa-practice ng tao ang salitang team work, interpretation, knowing your limit at discipline. Ganoon din naman sa ibang hobby at discipline may makukuha ka na something na hindi nababayaran at pumuporma ng iyong pag-uugali at pagkatao. I guess iba ang confidence ng mga athlete, artists at skilled  because of their colorful experiences. Katunayan, isa sa nagiging dilemma ng mga may honor kapag pumapasok na sa trabaho ay iyong high pressure na dapat mag-perform sila ng above level. Kapag hindi naman nila na-meet ang expectation ay para silang pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi ko naman nilalahat ano? Pero marami kasi “by the book” ang talino o kamalas-malasan ay  by the code ( in Filipino “kodiko”).

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s