Halo-halo! Ito si Hitokirihoshi, napagkakamalang isnabera pero lapitin ng tsikang may kwenta. At para sa mga nagbabagang-palitaw nang mahilig sa paghataw… free entrance peg ngayong ng National Museum para sa selebrasyon ng National Heritage Month. Music Museum at Greenhills Cinemas may pakulo para sa mga moviegoers and mama’s girls and boys.
Mother’s Day. Movie Tickets. Music Museum

Kailan ka nanood ng sine… na kasama si Mommy? Naku po, matagal na? Magpakana ng special treat sa pinaka- special na mommy (oo si Nanay mo) sa pamamagitan ng panonood ng sine nang libre. Ito ay pakulo ng Music Museum at Greenhills Cinemas kung saan magkakamit ng VIP Movie pass ang mapipili nilang malambing na anak na kilalang-kilala ang kanyang Ina. Paano ang mechanics?
- I-like ang fan page ng Music Museum Group at Greenhills Cinemas
- Mag-post ng photo mo with your mama at itsika kung bakit siya extra-ordinary. Gamitan ng hashtag na #MyVerySpecialMom para exciting (make sure na naka-public ang post na ito para ma-sight ng MM at GC)
- Para masaya mag-aya ng 10 friends by tagging them sa iyong post.
- Bilisan ang pagsali dahil May 1 to Mayo 10, 2015 lamang ang promo na ito.
Ang grand winner ay magkakamit ng Greenhills Cinemas VIP-Celebrity Movie pass ( para sa 2) na manood ng kahit ilang pelikula sa loob ng anim ng buwan. Oh di ba?
Para sa iba pang detalye, go-go-go sa official FB fan page ng Music Museum at Greenhills Cinemas.
Dahil National Heritage Month, May Free Entrance
One month na lang pasukan na… gala pa more! Kung hindi na kasya ang dalawa at hanggang tatlong tao sa hawak mong Kwarta, aba huwag tumalungko. May puwede ka pang i-explore na LIBRE naman ang entrance. Sugod na sa kung saan ‘malakas maka-estudyante’ sa mga gurang adult na at makatalino sa talagang bagets pa. Balikan ang mga naiwang pamana nina Lolo Rizal, Tandang Sora at iba pang sinaunang PNoy.
Mahirap pumunta sa National Museum? Malamang hindi… dahil hindi na kailangan tumawid sa matarik na kabundukan, lumangoy sa kanal, o humimas ng bolang kristal bago ito matuntunan. Magtanong lang kay Ka Google, Manang WikiMapia o bumibumisita sa Hoshilandia.
Ano ang matutunghayan sa National Museum? Mabuhay may istorya dyan ang Hoshi Magazine.
Sa Ngalan ng Hoshilandia at Kwentopaniniwala, ako si Hitokirihoshi bumabati ng advance Happy Mother’s Day sa ina mo iyong Mama/ Nanay / Mommy. Mabuhay!
Just came across your blog, we’re actually there last year during Mother’s Day! Hahahaha
Hi Ann G at salamat sa pagbisita!
Good for you at sa mommy mo, sarap magliwaliw di ba.