Hoshi News Express: i-Blog, Social Media, E-Commerce, and Chinkee Tan

Magandang araw! Mula sa tahanan nang galit sa mga tsismosa pero ganado manood ng action at drama mula  tindahan ng tapsi hanggang Kyusi– ako si Hitokirihoshi.  At sa ulo ng mga nagsusunog-bagang  balita… Janette Toral may training programs para sa social media enthusiasts, bloggers,  e-commerce practitioners at gustong mag-level up na mga sales professionals. Chinkee Tan  may wealth conference at money kit para sa mga gustong matuto ng Personal Finance. iBlog Summit kasado na sa May 29 and 30.

Level up your online presence with Janette Toral ‘s Training Programs

The Mind of an E-Commerce ManagerHooray-Hooray para sa mga sawi sa EDSA, busy sa kararampa at dilat ang mata at may gustong mapagtanto sa buhay.  Ongoing na ang blogging and social media entrepreneur webinar gayon din ang E-Commerce training program ni Janette Toral. Ang E-commerce expert and advocate ay may tatlong training program na patok para sa mga gustong maging mahusay o mapagkakitaan ang kanilang pagba-blog, pagtambay sa Facebook, pagiging online seller at maging batikan na sa sales.

Hep-hep bago idahilan na busy sa work at baka malayo ang venue, ang pag-aaral ng

ay maaaring matutuhan sa pamamagitan din ng online session or webinar. Check Hoshi Magazine for details.

Chinkee Tan guides Filipinos wanting to manage their finances

Sa June 20 ay idadaos na ang wealth conference ng radio host, best-seller author at motivational speaker na si Chinkee Tan. Ang conference na ito na pinamagatang Ka-Chink! How To Retire Before The Age of 50 ay gaganapin sa at Metrotent, Metrowalk Plaza (Meralco Avenue, Pasig City).

Para sa mga hindi nakakilala kay Chinkee, siya ay tinatawag din na Mr. Chink + dahil sa kanyang makabuluhan at positibong pagtalakay ng personal finance o money  management sa kanyang mga talks. Ilan sa mga palaging problemang malalaman sa Ka-Chink ay kung paano ba tamang pagba-budget, paano makakaipon, saan magandang mag-invest at paano mapo-protektahan ang inyong kwarta.

Chinkee-Positive-Money-Kit1Samantala, para naman sa abala sa love life trabaho o nasa probinsya at ibang bansa, mayroon din Chink + Money Kit. Ang Money Kit ay naglalaman ng manual, different worksheets (debt repayment plan, financial obligations at iba pa), accordion folder, saving envelopes, Chink + DVD guide at iba pa. Sa mga o-order ngayon at online, may kasama na rin itong libro gaya ng best-selling book na Till Debt Do Us Part at For Richer For Poorer.

Check Hoshi Magazine for more details.

Free seminar blogging iBlog 11 sa UP Diliman

Janette ToralIto na ang pagkakataon ng mga  bago o kahit na doon sa matagal na sa  pagba-blog.  Ang iBlog11 o The 11th Philippine Blogging Summit ay magaganap na ngayong May 29 at May 30. Ang dalawang whole day conference na ito ay kapwa gagawin sa Malcolm Theatre, College of Law, University of the Philippines, Diliman, Quezon City. May bayad? Wala dahil libre ito, kailangan lamang na magparehistro nang maaga.

Saan?

Dito sa link na ito

https://docs.google.com/forms/d/1UeFn4HqhcND4oQCBdaYDOSoXHWK4EMJkdBHv9jOOlIU/viewform

para sa iba pang detalye ay mangyaring bisitahin ang

http://iblogph.org/

Ito po si Hito-kiri-Ho-shi nag-uulat, yo MABUHAY!

Advertisements

2 comments

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s