mary jane veloso, paalam o himala?

IOLYMPUS DIGITAL CAMERAsa ako sa mananawagan na sana mapawalang-sala si Mary Jane Veloso, kung hindi man ay mabigyan ng HIMALA ang kanyang kalagayan. Mas masakit pa sa tatlong linggong drama movie marathon ang hapdi na hatid ng balita ng pagbitay sa kanya sa pamamagitan ng firing squad.  Para bagang ni-replay lang ang nangyari noon sa ating mga Bayani lalo na dun sa Bagumbayan, this time nga lang ay sa Ibang Bayan.

Base sa nabasa ko  sa unedited version of story ni Veloso na nilathala sa Rappler, nakapag-Middle East na pala siya dati at muntik nang ma-rape. Pero napilitan siyang mangibang-bayan ulit dahil sa pangangailangan ng kanyang 2 anak.  Ang masaklap kung noon ay nakaligtas siya sa rape ng foreigner,  sa kanyang salaysay ay kapwa-Pinoy n’ya pa ang nanggoyo at nagpahamak sa kanya.  Bakit? Para s’yang tinarakan sa likod ng kanyang evil twin sister para sa sarili nitong interes. Napakasakit Kuya Eddie!

IMHO about Mary Jane Veloso’s case

  • Huwag magtaka kung maging mantra na ng mga Pinoy na mainam na ang hindi mabait, palabigay, mapagparaya kaysa maloko.
  • Hindi ako kampi sa gobyerno at siguro may mga pagkukulang din sila, pero may mga pagkakataon na hindi na kakayanin ng powers. Walang sino man ang may gusto nang nangyari kasi Mary Jane maliban kay pahamak na  Christine. But I hope na magawan ng paraan at gawin nila ang lahat ng kanilang makakaya para hindi matuloy ang execution.
  • Hindi lamang kawalan ng trabaho sa bansa ang solusyon para hindi maulit ang nangyari kay Mary Jane… malalim na usapan yan at dapat na himayin. Tingin n’yo ba  may nag-a-abroad  dahil lang sa walang trabaho dito?
  • kahit maraming nababanas at nakakabanas talaga ang mag-apply sa POEA o kahit anong government agency pero mabuti na ang legal ika nga sa sulat ni Veloso.

Huwag kayong papayag na kung hindi kayo gagamit ng agency o legal na paraan para maiwas kayo sa kapahamakan…

  • bukod sa hirap ng pagiging OFW at paikipagsapalaran sa ibang bansa, ang bumabayo sa dibdib ko ay yung thought na ina lang s’ya na gustong mabigyan sana nang magandang kinabukasan ang kanyang mga anak.
  • question, totoo kaya ag sulat n’ya?
  • hiling, puwede bang i-exile na lang s’ya or mag-community service. Baka mas makatulong ba sa Indonesia at Pinas ang mga aral na maisi-share ni Mary Jane kaysa magpaalam siya sa mundong ibabaw. Ito ay para matigil na illegal drugs at masupil pati ang mga kagaya ni Christine (human trafficking).

Let’s us pray for Mary Jane Veloso!

Advertisements

4 thoughts on “mary jane veloso, paalam o himala?

  1. Malungkot mang isipin na si Mary Jane ay ginawang halimbawa, kahanga-hanga din si Pak Jokowi dahil pinanindigan niya ang batas. Pinatunayan lang nito na siya ay may political will para baguhin ang Indonesia – isang bagay na mahirap matagpuan sa Pilipinas (na kung saan hindi natatakot ang mga drug lords dahil reclusion perpetua lang ang pinakamabigat na parusa).

  2. Tama si Monching kung tutuusin. Ika nga ng isang Latin na kasabihan, “Dura lex sed lex.” Ang bats ay marahas, pero yan ang batas.

    Sa ngayon, naisalba mula sa bingit ng marahas na kamatayn si Mary Jane Veloso. Yun nga lang, hindi ko alam kung anong nilamutak ng ina nito kaya nasabi niya ang hinaing na walang naitulong ang gobyerno sa kanila. As much as gusto kong makisimpatiya din sa kanila, pero p***a naman, yun at respeto ang mga bagay na nawala sa kanila.

    1. I respect your opinion slickmaster. May nag-comment sa Twitter ko ng ganito “Stupidity should never be rewarded nor acknowledged.
      #SanKaPa” -Raft3r Nakuha ang punto ninyo.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s