Office Politics, unfriendly Company rules: when to stay or quit in your job?

lighthouse of cape bojeadorKumusta? tagal din akong nawala and perhaps,  ito na ang pinakamatagal na gap sa pagitan ng huli at muli kong pagba-blog.  Hindi ko na-miss ang blogging masyado pero marami akong na-miss na kaganapan– I guess. Anyway, sabi sa akin ni Ms. Janette Toral noon na may positive indicator din ang pag-absent sa blogging. Agree! Na-feel ko na marami akong baon ngayon at parang na-revive ang sigla ko. Sana lang ay maibalik ko ang pagiging mabilis at masipag ko sa pagpa-publish.

Anway ang gusto kong i-share  is my sentiment about work particularly for those who feel  inferior sila sa mga kasamahan at  mababa tingin sa kanila ng kanilang boss/company.  Ngayon kasi makabago na rin ang atake.  Minsan kung sino ang bait-baitan at soft spoken ay iyon pala ang totoong kontrabida-mapanlinlang o mapamimbabaw. Mas delikado o mahirap silang ma-overcome dahil parang ikaw ay magdadalawang-isip kung tama ba ang iyong nararamdamamn. Sa aking obserbasyon ay madalas na naiipit sa ganitong sitwasyon ay mga fresh grad, takot mawalan ng trabaho, at gipit sa pera. Common right?  IMHO ang dapat gawin to counter ang ganitong klase ng mga tao na magaling sa mamulitika, hocus-focus sa salary, at panggigipit.

Una ay thorough analysis –  give benefit of the doubt para hindi ka mapahiya talaga or ma-guilty sakaling ikaw naman pala ang may fault. However it doesn’t mean na tumigil ka to prove or disapprove your kutob. In fact kapag kinukutuban ka, you to have act na kasi iba ang gut feeling.

Second, be brave and magkaroon ka ng courage to speak up.  Huwag kang matakot na  dumiretso sa iyong supervisor o amo. Magawa mo lang ito once, malalagpasan mo na yung second or kung ilan pa ang susunod. You may not get what you want, but tatatak sa isipan nila na hindi ikaw ang tipong kikimi-kimi lang. At ang ultimate reason dyan ay ma-solve kaagad ang mga katanungan mo- Mas easy ang move on.

Last, decide the path you want not according to their dictation. IMHO, maraming Pinoy na manggagawa at kahit na yung tanders na ang paniniwala ay ang  karera mo ay parang nakadepende sa kumpanyang pinagtatrabahuan. Kalokohan!

At the end of the day, kung sino ang magbibigay sa iyo ng fulfillment, competitive salary, long term employment, at magandang benefits doon ka.   And if you have other options– huwag kang matakot to vacate your post. Don’t let a company drain/ taint your skills and talents. Walang magagawa ang kaka-rant sa Facebook, instead spread your wings and explore the world. Finding job is not easy, but losing your self-respect and opportunities for bright future in other place ang mas importante.

Advertisements

2 comments

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s