I’m missing Love but not the Boy

Dear ate Jevs,

I don’t like yung rhythm, but somehow  tugma sa pinagdadaanan ko ang ‘I Remember the Boy,’ a song popularized by Joey Albert.  Ganito po kasi yan, matagal na akong walang karelasyon at hindi naman din pakikipagrelasyon ang priority ko sa buhay.  Pagkatapos ko ng kolehiyo, itinuon ko ang aking atensyon sa pagtatrabaho  at kasabay ng huling lalaking nagpatibok ng aking puso.

Anim na taon ko kasing minahal iyon at siguro umasa ako na maglalakas loob siya na suyuin ako para maging okay na kami. Pero hindi nangyari at sa halip ay nalaman ko na lang na mayroon na siyang iba.  Akala ko pa naman, ma-appreciate niya iyong point ko na kahit anong aspeto man ang pagkakaabalahan ko, career, spiritual, social basta pagdating sa love siya lang.

Nakatulong din naman sa akin ang  trabaho para ma-enjoy ko ang buhay. Nagkaroon ako ng iba’t ibang kaibigan, nakarating sa sari-saring lugar, at nakakatulong ako sa aking pamilya.  Umabot ako sa point na akala ko na wala lang sa akin kung wala man akong mahalin o magmahal sa akin. Pero hindi pala, iba yung saya na naidudulot ng nagmamahal.  Iyong excitement na makita sa loob ng araw, iyong kahit maraming tao sa isang lugar ang bilis-bilis mo syang makita at tuwing mag-uusap kayo parang init-init ng iyong mga pisngi. Gayon din kapag nagsasabihan kayo ng nakakakilig na mga bagay, parang iyong ngiti sa mukha ko naka-plaster na.

Natanggap ko na rin naman na malabo na kami at saka nung nagkita kami ay parang kaswal na e, wala na talagang spark. Ang  naiisip ko lang ngayon na sana maramdaman ko ulit iyong naramdaman ko sa kanya pero sa ibang lalaki.  Gusto ko na ulit kiligin, maging inspirado at magkaroon ng iba pang kulay ang aking buhay.

Posible po ba kaya iyon? Nahahanap  ba talaga ang pagmamahal?

Sana po masagot ninyo ang aking email.

April

cropped-lovely-ducks.jpgDear April,

&%$#$ seryoso ng message mo, lalim ng hugot!  Parang nadala ako at naisip ko na naman aking exes (mga isa).

Ganito masasabi ko, masuwerte ka April dahil naranasan mo ang magmahal at maganda rin na nakapag-move on ka na.  Sabi nila ngayon ay dapat ikaw na rin ang humahanap or in other term ay lumalandi.  But  I don’t believe in that ( siguro mga 50%) because you can’t push love anyway.  My advice is to continue to open your heart to possibilities. Ang  taong marunong magmahal at bukas magmahal ay malapit din dito.

I think kaya lang din natagalan at na-miss mo ang magmahal kasi ikaw rin ang nagsusi sa iyong puso ( oh my… sa’ng teleserye ko ba nahugot ang linyang ‘to).  nakatulong para makapag-move on ka pero nasobrahan ata sa expiration date. Anyway past na yan so iyon, just continue to open your heart, be yourself and learn.  Malay mo hindi lang kasing ligaya ng dating ng love ang maranasan mo kung hindi higit pa. Iba-iba naman ang love e.

I hope you find that soon. balitaan mo na lang ako.

Yo!

Ate Jevs

 

Advertisements

5 thoughts on “I’m missing Love but not the Boy

  1. hihihi, mananatili sana akong tahimik na nagbabasa eh, ngunit ng patugtugin ko na ang kanta, hihi, hindi ko napigilan sarili ko na magtype, hihi. at dahil dyan, tatanungin tuloy kita, eto ba talaga eh isang liham na humihingi ng payo sa iyo oh isang lang katha na hango sa iyong kaloob-looban, hihi, paumanhin sa aking paninigurado? bawi ka na lang, hehe, 😆

  2. TEKA! kahit kapangalan ko toh, di po ako toh! xD
    she missed the “love”, but not the person? baka di naman talaga love ang hanap niya kundi kilig lang. halimbawang may nakatagpo ngang nakapagpakilig sa yo pero later on di ka na kinikilig sa kanya kahit pa ang effort na niya sa yo…. what’s that supposed to mean? na wala nang love? pag di ka na kinilig sa kanya, di mo na rin mahal? masasabi kong mababaw.
    isa pa kung may inaasahan ka sa partner mo (noon), mas mainam na sinasabi mo ito sa kanya. hindi gumagana ang pakiramdaman all the time. the fact na umasa kang susuyuin ka niya means na hinahayaan mo siyang malaman niya ang nais mo nang di mo ito sinasabi sa kanya. hirap manghula men! the fact na di mo nasasabi sa kanya ang gusto mo might mean na di ka kumportableng mag-express ng sarili mo sa kanya. so yeah. i commend your very good move na itigil ang relasyon mo sa kanya.
    you should be with the man na kumportable kang sabihin lahat ng gusto mong sabihin (without forgetting to respect!). yung nagpapalitan kayo ng inner world niyo. yung di ka masasakal dahil lang may hindi ka masabi sa kanya.
    unsaid words can cause suffocation, ika nga. :)))
    posible ka pa ring magkapag-ibig. kalma ka lang :)))

    1. Salamat sa iyong tugon April (hindi letter sender hehehe) at may punto ka.

      Isa talaga sa nagpapahaba ng drama sa buhay ay sasabihin na lang, hindi pa masabi. wala pa naman subtitles sa totong mga eksena.

      Mabuhay

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s