How to take criticism?

Dear Ate Jevs,

Yo!

Paano po ba tumanggap ng panlalait or criticism?   Kasi po sa opisina namin sumali ako sa  editorial group at nagsusulat ako para sa company newsletter namin. Noong high school po kasi ako nagsusulat din ako pero ang natapos ko ay IT, pero yun gusto ko rin sana na makapagsulat,  kaya nung may chance,  sumali ako.

Ang  problema po ay kini-criticize yung sulat ko. kesyo  wrong grammar and hindi well research yung article.   Parang nagdadalawang -isip na po tuloy ako kung itutuloy ko pa.  Kaso parang part of me, gusto ko pa rin at pagbubutihan ko na lang.

Masakit lang po talaga yung sabihan ka na ganun,  parang hinusgahan ka na dahil lang dun. Hindi ko naman masabi na IT kaya ako.  Ano po bang gagawin ko? Sana matulungan ninyo ako.

Salamat,

Georgina

———————————————————–

Dear Georgina,

Yo din sa Yo!

Ang totoo wala naman criticism na  hindi masakit,  ako man masabihan na wrong grammar o pangit ang sulat ay masasaktan.  leche sila.

BooksPero kung  walang  criticism  dapat wala ring words na critic, criticize, critical or cri… mson or crinkle  joke.  What I am trying to say is hindi naman puwedeng puro papuri ang matanggap mo kahit mali ka naman talaga. may magaling magsabi ng kritisismo sa anyong payo pero in short criticism pa rin.

Eh madalas lalo na sa ibang Pinoy, kailangan mo talagang sampolan nang matindi para magtanda.  At  kapag nakuha mo yung atensyon ng tao sa mga binigkas mong salita, hindi n’ya lang matatandaan kundi pagkakatandaan talaga. Bat ko alam?  aba siyempre pinagdaanan ko na rin ‘yan. Noong araw kasi ganito… ay teka ikaw usapan e, balik tayo sa iyo.

Saka hindi naman ibig sabihin ng criticism ay panlalait,  magpinsan yung words na yun pero malayo siguro mga 10th degree. Saka tingin ko nasaktan ka lang,  try to let go yung emotion and be open-minded.  You can quit anytime dahil sa sinasabi nila, total hindi naman yan ang work mo.  Pero sabi mo nga gusto mo magsulat at ‘yan na ang chance mo to do that.

Dun sa wrong grammar, pangit ang sulat at hindi na-research maiigi. Hmmm ganito, hindi lang naman ikaw ang nasabihan nun, kahit ibang mahuhusay na writer ( ayun sa research ko ha) ay may mga wrong grammar pa rin.   Part siguro yun ng package,  ginusto mo yan e. So dapat panindigan mo at pagyamanin mo.  Kapag  napag-aralan mo yan at napagtagumpayan mo, balang araw pag na-interview  ka halimbawa sa  Ellen de Generes – baka sabihin mo “well hhmmm wait (kunwari nag-isip ka pa konti) the good thing,  I took the challenge also known as criticism.”

Clap-clap! Sana nakatulong ang aking payo.

Chumachawariwap pa rin,

Ate Jevs

Advertisements

5 thoughts on “How to take criticism?

    1. Salamat Irene sa iyong pakikisali. ito rin naman ang hinihingi ng column ko rito. humingi ng maraming payo bukod sa akin.

      at agree ako sa sinabi mo.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s