What I Want for my New Year is…

Diary and PlannerExcited ako sa bago kong planner na sobrang trip ko kaya kagat-labi kong binili. Sakto lang din kasi ang design ( pang-blogger) at mas marami akong malalagay ( data entry ang peg).  Ang kaso hindi ko alam bakit less than 10 lang ang wishes ko this year  at parang pare-pareho lang.

2015 New Year Resolutions

Nagda-diary pa rin ako ( Ang Diary ng Cute o Ang Diary ng Kuripot?) at pinilit kong gawing ten items ( hilig lang sa countdown) pa.  Isa rin kasi sa effective strategy for me ay wag i-pressure ang lahat nang maisip dahil ka-stress at kalula lang.  Tama na ang one at a time then ‘pag finish saka ka lipat sa isa pang gawain at goals.  Share ko lang din yung ibang  New Year Resolutions ko ( pang diary sini-share?)

  • Be cool  sa timing
  • Be Beautiful all the time – wala akong arte sa katawan so level up sa arte at landi
  • Be Expert – I realize na hindi lang sapat na may alam ka, kung gusto mo ang isang bagay o larangan aralin mo talaga.
  • Loosen up – this apply sa social interaction, pride and pressure ( please refer to second paragraph)
  • Follow Healthy diet/  routine-  Gusto ko na ang figure ko ngayon ( di payat at di mataba) pero… yung season sa mukha ko ay Tag-Yawat!  Ganda ng fez ko at least five years ago pero dahil sa kakapuyat, stress, at anik – waley!  Saka I miss ata yung pagiging morning person ko ( nangyari nga ba yun?)
  • Reply promptly –  Isa sa bad trait ko sa communication and technology ay wala akong sense of urgency minsan sa pagsagot sa email,text at message sa social media.  Parang di ko alam kung bakit nabasa ko na pero nakakaligtaan ko sumagot. Sa akin , hindi lang puno ang inbox pati na draft. Eh di madalas may negative effect yan like akala ng kausap mo galit ka, di ka interesado, at isa kang malaki Tse! sa buhay n’ya.
  • Be neat and organized – hindi ako proud dito pero tried and tested ko na nakakapag-isip at trabaho ako sa magulong set up ng desk ( alibi daw ng mga creative people). Pero hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay nag-iisip at nagtatrabaho ako di ba? so para sa mas maayos na buhay at para tantanan na ako ni Nanay nang dialogue na ” kuwarto pa ba ng tao ito?”…lalagyan ko na lang ang pinto ko ng Beware of Alien, chuz!
  •  Learn to Let Go – May kinalaman din ito sa sinundang item. Ang hirap maglinis kapag di mo ma-…

let go yung bagay na akala mo importante pa, iyon pala ay dumi na lang sa buhay mo.

drama pa! usapang paglilinis pa lang yan.

  • Read more books and magazines –  para sa kapakanan ng utak kong kulang ata sa exercise at saka na-inspire ata ako sa friend ko na may goal na  to read 100 books in a year.
  • Believe in Love and possibilities – Yung issue ko sa Love  ay ocean deep so it’s hard to swim that hohoho pero yung possibilities may kinalaman sa pagiging open-minded.

Birthday Wishes

Malapit na ang birthday ko (clue: month of January hohoho) at ewan, I don’t know what I want to have or to do.  Pero parang trip kong makipag-date or mag-travel kaysa bumili ng gadget (sana may magregalo na lang ng tablet, printer with scanner at solar panel).  Pero may naiisip pa ako, gusto kong i-dare ang sarili ko na mag-Vlogging, yung pakapalan ng mukha na kumanta, sumayaw, mag-monologue etc.

Kung trip mong bigyan ako ng gift – donate  ka na lang sa aking campaign for Habitat for Humanity

Wala pa man yung eksaktong gusto ko para sa sarili ko- siyempre ang prayers ko para sa akin, sa pamilya, mga kaibigan ko at sa inyo ay Good Health, Peace, Love and Prosperity!

Belated Happy New Year and advance Happy Birthday to Me.

Me: Self, thank you!

Self: Thank  you tayo kay Lord!

Advertisements

One comment

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s